Day 11: “Advice To My Younger Self”

Easihan mo lang brad!

Bakit nga ba ako naging ganito? May nakakaalam ba? Malamang wala, maliban sa sarili ko.

Ako lamang ang namumukod tanging tao na nakakakilala sa aking sarili. Malamang! Use your common sense. Katawan mo, ‘di mo kilala? No way, highway!

Ngunit sa pagmulat ng aking mga mata tuwing ako’y gumigising sa umaga, may mga bagay din akong nagawa na marahil ay pinagsisisihan ko at nais kong baguhin kung posible. Pero imposible talaga yun, parang paghihintay sa baboy na lumipad. Imposible! Hindi maaari!

Kung mabibigyan ako ng pagkakataon ni Jimmy Neutron na ipahiram ang time machine niya sakin para makita ko ang batang ako, nako, ‘di na ‘ko magdadalawang isip.

Nais kong mapayuhan ang aking batang bersyon, baka kasi mapabuti ko pa buhay ko nun at maitama ang mga maling desisyon ko sa buhay. ‘Di man maging kaperpekto, e maging mas mabuti sana.

Para sa aking batang bersyon:

Ang unang-una kong maipapayo sa batang bersyon ko sa nakaraan, e ‘yon ay ang ‘wag maging sobrang subsob sa pag-aaral. Literal na subsob! Ganyan ako noon e, yung dumarating na sa puntong napapabayaan ko na ang sarili ko. ‘Di ko nga alam kung bakit gano’n ang nakasanayan ko nung bata pa ‘ko. Siguro dahil pressured ako noong panahong ‘yon ang tina-target ko talaga maging Top 1. Para na kong napa-paranoid noon. Yun bang compare and contrast lang lagi yung ginagawa ko sa scores namin sa quizzes. Nako, dinaig ko pa ang mga CCTV cameras sa pagmo-monitor. At mukhang ‘di ko dapat ginawa ang mga bagay na yon.

Ikalawa, wag maging loner. Kakambal na rin marahil ang pagiging studious ang pagiging loner o palaging mag-isa at tila e ayaw na nakikisalamuha sa iba. Ewan ko ba noon kung bakit ako ganon. Yung pakiramdam ko e mas masaya pa ko ‘pag mag-isa. Mala-introvert lang. Yung tipong ayokong nangongopya ng assignment, ‘di gaanong madaldal sa klase, ‘di ko pinapansin ang mga tao sa paligid ko, at sarili ko lang pinaniniwalaan ko. Gano’n ako katindi noong mga panahong iyon. Wala e, gano’n talaga.

Ikatlo, ‘wag maging iyakin. ‘Di ko talaga maintindihan noon kung bakit iniiyakan ko lahat kahit simpleng bagay lang. Yung ‘pag may gusto akong bilhing laruan, yung ‘pag may umaway sa akin, yung ‘pag di ko napanood ang paborito kong TV Show, yung ‘pag inaasar ako ng ate ko, at yung ‘pag pinapatulog ako sa tanghali. Ang bababaw na dahilan pero iniiyakan ko. Galing di’ba? Masyado akong cry baby noong mga panahon iyon.

Ikaapat, ‘wag sumuway sa utos ng magulang. Pagdating sa kalokohan, the best ako dyan! Ako na ata pinakamakulit sa amin noong bata pa ako. Ang dami ko nang ginawang kalokohan kahit pinagbawalan na ako ng aking mga magulang. Yung feeling na inaakyat ko noon yung gate namin pag ni-lock ni mama, yung paglalaro ko ng apoy sa kalan na malapit sa LPG, yung paglalaro namin ng espada-espadahan gamit ang kutsilyo, yung sinabing bawal ako sa kendi, pero todo bili pa rin, at pagtakas sa mga gawaing bahay. E ganyan ako nung bata e. Napakapasaway.

Ikalima, ‘wag maging mahiyain. Minsan, malaki rin ang naitutulong ng pagiging walang hiya. Wag lang paabutin sa sukdulan na kakapal na ang mukha ng husto. Napakamahiyain ko kasi noong bata ako, yung tiping igi-greet ko lang ang titser ko e, nahihiya pa ako. Di ko ba alam kung bakit nanginginig ang mga binti ko tuwing kailangan ko nang magsalita sa harapan ng klase. Siguro, di lang ako nasanay.

Ikaanim, be positive. Napaka-overthinker ko kasi masyado noong bata pa ako. Yung tipong lahat ng bagay, may kwenta man o wala, e todo isip ako. Nakapalalim ko masyado mag-isip noon. Gusto ko lahat ng bagay planado. Lagi ko nga noon iniisip yung negative consequences ng mga gagawin ko. Pessimistic talaga ako noon. Iniisip ko, lahat ng gagawin ko, di magiging maayos. Hayyys.

Ikapito at ang panghuli, ‘wag matakot kung ikaw ang nasa tama. Ewan ko ba noon, sa tuwing alam kong nasa tama ako e ako pa ang natatakot. Yung dumarating pa sa puntong hinahayaan ko na lang sila kahit alam ko sa sarili ko na mali ang ginagawa nila. Martir bang maitatawag yun? Pinagbigyan ko lang ba sila? O talagang wala lang akong tiwala sa sarili ko? Siguro, lahat yun tama.


Past is past nga sabi ng ilan. Totoo naman e. Nakaraan na yan, di na maibabalik pa ang nakaraang nagawa mo. Ang mahalaga sa ngayon ay yung natutunang leksyon ng sa hinaharap ay di na mauulit pa ang nagawang pagkakamali.

Ang magkamali na isang beses ay ayos lang, pero ang ulit-ulitin ito ay isa nang KATANGAHAN!

Sorry for the term. ^•^

Like what you read? Give Dyan Kristyan a round of applause.

From a quick cheer to a standing ovation, clap to show how much you enjoyed this story.