Day 12: “What I Would Be Doing If Facebook Wasn’t Invented?”

Ano nga ba?

Kakayanin ko kaya ito? Ikaw kakayanin mo? Facebook, mawawala? Isang araw? Dalawa, tatlo, apat? Posible bang mangyari ‘to? Kasing posible ba ito nang pagsasalaysay na puro patanong lang? ‘Di ba medyo nakakapagtaka? Pwede bang magsalaysay nang puro patanong lang? Oo ba ang sagot mo o hindi? Uumpisahan ko na ba? Ano?

Kung mawawala ang Facebook, kakayanin ko kaya? E ikaw, kakayanin mo rin ba kaya? Paano kung hindi ipinanganak ang nakaimbento nito? Paano kung di niya naisipang gawin ito? Ano na kayang gagawin mo? Ano na rin kaya ang gagawin ko? May mababago ba o wala? Siguro? Dapat bang sabihing meron? O kaya wala? Sino bang nakakaalam? Pero kung ako tatanungin, may magbabago kaya sakin? Ano nga bang pinaggagawa ko sana ngayon kung walang Facebook?

Maraming bang gamit ang Facebook? Libangan ba ito ng mga may lablayp o wala? Ginagamit mo rin ba ito para maka-chat si crush? O ginagamit mo rin ba ito para makapang-stalk sa profile niya? Umamin ka man o hindi, tama di’ba? Naging isa ka rin ba sa mga naadik sa Farmville? O sa pet rescue saga? Naging laman na ba ng newsfeed yang pagmumukha mo dahil sa dami ng posts mo? Nakapag-upload ka na rin ba ng milyong-milyong selfies mo? Nakahakot ba ng maraming likes? Pinusuan ba ni crush? O sineen lang? Nabiktima ka na rin ba ng 1 like = 1 prayer na yan? Naniwala ka rin ba sa chain messages na ipinasa sayo? Syempre oo diba? Sino bang hindi? Nakita mo na? Ganyan ba ang nagagawa ng Facebook sayo? Kaya pwede bang magtanong? Kakayanin ba natin kung wala ito?

Kung ‘di naimbento ang facebook, ano nga bang posible kong gawin? Gumamit na lang ba ng cellphone? Maki-GM na lang ba sa barkada? Manghihingi ng mga cellphone number para may ka-textmate? Kakapalan ko ba ang mukha ko para hingin ang number ni crush? O hihingin ko na lang to sa classmate ko? Paano nga ba kung wala rin akong cellphone? Magpapadala nalang ba ako ng sulat para makipagkomunikasyon? Mukhang makaluma di’ba? Oo o hindi? Maggagala na lang ba ako kung saan-saang lugar kasama ang barkada? Makikipaghabulan na lang ba ako sa mga aso sa kalsada? Magsusunog na lang ba ko ng kilay sa pag-aaral? Paano kung wala na kong masunog na kilay? Paano na kaya? Manonood na lang ba ko ng pirated DVD’s? Makikipaglaro na lang din ba ko ng basketball sa mga kaibigan ko? Makipag-participate na lang kaya ko sa pagtulong sa mga batang lansangan? O maglalaro na lang ng DOTA at LOL hanggang sa magsawa? Paano ‘pag lumabo na ang mga mata ko?Di na ba ko makakapagbasa sa Wattpad? Di ko na ba matatapos ang mga nobela ni Bob Ong? Paano kung di ko naman talaga kailangan ang Facebook? Paano kung kaya ko naman talagang mabuhay kahit wala ito? Ikaw kaya mo ba? Oo ba? Kung oo, paano? Maari ka rin bang magbigay ng patunay? Naniniwala ka rin ba sa pinaniniwalaan ko?

Na ang mundo ba ay maraming katanungan?

Photo Credits: Google Images

Like what you read? Give Dyan Kristyan a round of applause.

From a quick cheer to a standing ovation, clap to show how much you enjoyed this story.