Day 13: “My Favorite Childhood Toy”

Autobots! Transform!

Iyan ang favorite line ko sa paborito kong TV show noong bata ako, at maging sa ngayon, ang “Transformers”. Bata pa lamang ako noon nang magkaroon ako ng interes sa mga robots. Kaya nang ipalabas iyan sa TV e, nagmukha akong aso sa kasusubaybay dyan tuwing umaga. Buti na lang talaga e panghapon ako lagi noong elementary kaya napapanood ko ito ng walang abala, depende na lang kung uutusan ni mama ng bumili ng isang boteng suka sa tindahan. Biro lang.

Talagang nahumaling ako sa mga “Transformers”. Ganyan kababaw ang kaligayahan ko. Hindi yung transformers sa kuryente ah! Iba yon! Yung Transformers na tinutukoy ko e yung mga Robots na kayang magpalit anyo bilang sasakyan. Ang astig.

Kaya nung maglabas ng merchandise ang “Transformers” kung saan ay naglabas sila ng mga laruan nf mga paborito kong robot sa palabas na yon. At ayun na nga, agad-agad akong nagpabili kina mama at papa. Naaalala ko pa nung pinagpalit ko yung Happy Meal ko para doon. Pero okay lang. Ang importante masaya ako dahil 2 in 1 naman ang nabili ko, may robot na, nagiging sasakyan pa.

Di ko maipaliwanag kung bakit kinahiligan ko ang mga laruang Transformers. Naaalala ko pa noong nag-umpisa akong mangolekta ng laruang iyon na kung saan e nagtatabi pa ko ng pera mula sa baon ko para lang may maipambili sa mall kahit minsan ay ‘di na alam nina mama at papa.

Sa tuwing nilalaro ko kasi yun, pakiramdam ko e nawawala yung stress ko sa pag-aaral at pakiramdam ko e nagiging mas buo ang araw ko. Para ngang mga alaga yung turing ko sa laruan kong iyon. Yung tipong tanda ko kung ilan iyon at saan nakalagay. Madalas ko pa nga yon nililinis e. Parang kayamanan pa noon ang turing ko doon. Ganon kahalaga ang laruan kong iyon.

Naging parte na talaga ng ating kabataan ang pagkakaroon ng laruan. Itong mga bagay na ito ang siyang nagbigay kulay at kasiyahan sa ating kabataan. Marahil ay materyal na bagay lamang ang tingin ng iba dito, pero sakin, higit pa rito ang turing ko sa laruan ko noon. Dahil iyon ang aking…

Bestfriend!

Pero hanggang sa ngayon e, adik pa rin ako sa Transformers. Sa katunayan nga ay inaabangan ko pa ang part 4 ng movie nito sa 2017. Pero sa pagkakataong ito, hindi na cartoons yo’n syempre. ^•^

Photo Credit: Google Images

Like what you read? Give Dyan Kristyan a round of applause.

From a quick cheer to a standing ovation, clap to show how much you enjoyed this story.