Day 14: “My First Year In College”

Student no. 2015–093. Signing In.

Sabi ng ilan, pinakamasaya daw ang highschool life. Sang-ayon ka ba? Hmmmm. Malamang oo. Pwede rin namang hindi. Depende naman sa’tin yo’n kung saan tayo mas nag-enjoy at sumaya. Di’ba pwedeng mas maging masaya ang college life?

Buhat nang nagtapos ako sa aking sintang paaralan, ang ANHS — Dela Paz Extension, e nagsimula na ang panibagong yugto ng aking miserable at mas mahirap na magiging buhay. Malamang ito na ang naging wakas ng easy go lucky kong buhay noong highschool at marahil ay simula na nga talaga ito ng mas mapanganib na mundong naghihintay sa akin. Biro lang.

Kasalukuyan akong nag-aaral sa Antipolo Institute of Technology (AiTech). ‘Di man ito ang pinangarap ko talagang paaralan noon katulad ng PUP, UP, o La Salle, e masasabi ko namang tadhana na ang nagdala sakin dito. Tadhana nga ba? Di ko talaga alam e. Bigla na lang talaga pumasok sa isip ko na mag-aral dito. Dahil siguro libre.

Naging makulay, masaya at miserable ang naging buhay ko noong unang taon ko sa kolehiyo. Naranasan kong madisappoint, matuwa, matulala, masaktan, malungkot, magalit, mabigla at higit sa lahat e bumagsak sa ilang quizzes at exams. Napakaraming alaalang napakasarap balikan at may iba ring masarap na lang kalimutan. Bangungot kasi ‘yon.

Ilan sa mga di ko malilimutang pangyayari noong first year college ay noong bridging program. First time kong maka-experience nang gano’n. Ni wala nga akong kakilala doon. Syempre kapa-kapa lang muna. Makisama lang sa mga nagiging katabi ko sa bawat training rooms. Gano’n naman talaga dapat e, kung ‘di ka mag-aadjust, walang mangyayari. At gaya ng aking inaasahan e may nakilala rin akong bagong kaibigan noon, first time ko rin noong na-encounter ang “Marines”. Kabilang si Aaron Adolfo doon kaya madali akong napabilang do’n. Matagal ko na kasi syang nakilala noong Regional Training for Journalism.

Nakilala rin ako nang ibang kaibigan na eksperto sa kalokohan noong bridging program. Sina Louie at Romulo. Sila ang naging katulong ko noong training sa Mathematics w/ Microsoft Excel. Grabe, naging masaya talaga ang panahon iyon.

August 17, 2015. Iyan ang petsa ng pagsisimula ng aming klase sa main site namin sa Sitio Cabading. Napabilang ako sa pangkat ng Timber. Mga bagong pagmumukha ang aking nakita sa mga naging bago ko kamag-aral. Mga mukhang kahina-hinala ba ang tawag dun? Piling ko kasi nangangain sila ng buhay. Grabe, natameme lang talaga ako noon nang halos isang linggo dahil pa-shytype pa ‘ko noong una. Normal lang yun! ‘Di ako plastik!

May naging kaklase rin akong mga ka-”Marines” tulad nina Nathan, John at ang bhozsxcz namin na si Jimar. Naging malalapit talaga kaming magkakatropa. Sa tawanan, asaran at pikunan, nako, walang tatalo samin. Nabansagan pa mga kaming F4 (Fafa 4) dahil sa lagi kaming magkakasama.

Doon naman sa kalidad ng pagtuturo e wala akong masabi. Napakahusay at napakapropesyonal tingnan ng aming mga prof. Pero ang hihirap talaga nila magpa-exam. Yung tipong ang panghihinaan ka ng loob minsan sa katambak na gawain. Pero proud ako samin dahil nalampasan namin yon nang wala pang magco-collapse. Naaalala ko pa nga noong nakalimutan kong basahin ang insructions sa aming major exams, nako, halos ilang gabi rin akong walang tulog noon dahil sa kaiisip. Iniisip ko kasing baka ma-zero ako. Its a disastah!

Pero di ko talaga inaasahang magiging Dean’s Lister no. 1 pa ako. Labis ang aking galak nung mga panahong iyon. Pakiramdam ko e lahat ng mga puyat at paghihirap ko ay nasuklian lahat. Best feeling ever pero nakaka-pressure din at the same time.

Nagkaroon din ako ng mga bagong kaibigan na ‘di ko maisip noon na magiging ka-close ko. I am so lucky to have them. Masyado silang marami para isa-isahin pa. Alam naman nila kung sino-sino sila.

Naranasan din naming makilahok sa mga programa at patimpalak ng aming paaralan tulad ng cheerdancing, christmas tree making, cheerdancing ulit, at iba pa. Kahit madalas talo, e okay lang naman. Ang mahalaga ay sumali kami pero talo pa rin.

Okay na siguro ‘yan. Kung lalahatin ko pa sigurong isulat ang mga naranasan ko nung first year e baka matagal pa bago ako matapos. Isa lang naman ang masasabi ko bilang buod ng naging buhay ko noong first year college. At yun ay ang “THE BEST!”

Pero hanggang sa ngayon e wala pa rin talaga kaming uniform. ^•^

Show your support

Clapping shows how much you appreciated Dyan Kristyan’s story.