Day 11: Advice to My Younger Self

HELLO! John Victor Rodriguez 1.0! I am your version 2.0! ❤

Lahat naman tayo ay tumatanda. Lahat naman tayo ay dumadaan sa mga pagsubok sa buhay. Pero naisip niyo na ba kahit minsan na bumalik sa nakaraan at baguhin ang mga pangyayari at desisyon mo noon?

Ako, Oo. Naisip ko na bumalik sa nakaraan at baguhin ang mga maling desisyon ko noong kabataan ko. Ang dami ko kasing mga pagkakataong pinalampas ko. Yung mga oras na sinayang ko sa walang saysay na bagay. Mga pagkakataong naging dahilan kung bakit naging ganito ang hinaharap ko.

Ako, gusto kong kausapin yung dating ako. Kung totoo lang yung may time machine sa cabinet tulad ni Doraemon, binili ko na yung kahit mahal.

Source: Google Images

Kung mayroon lang akong salamin na lumulusot sa nakaraan, matagal ko nang binili iyon.

Source: Alice Through the Looking Glass

Pero sa totoong buhay, alam nating walang mga ganoong bagay at tanging sa mga pelikula, cartoons at telebisyon nangyayari iyon.

Pero alam niyo, medyo naniniwala ako sa parallel universe ng Siyensya.

Source: Google Images

Sinasabi rito na mayroong isa pang universe na katulad na katulad ng universe natin at maaring mayroon tayong “other half”. Kung dito raw sa mundo natin ay mahirap ka, sa parallel universe raw, ikaw ay isang mayaman na tao. Lahat daw ng nangyayari rito ay kabaliktaran na nangyayari sa parallel universe. Pero kung may ganoon talaga, maaring magkagulo ang buong mundo eh.

Gusto ko sanang bumalik sa nakaraan at baguhin ang lahat pero hindi pala pwede iyon maski sa “fiction movies”.

Tulad ng Alice Through the Looking Glass movie, mayroon akong natutunan sa pelikulang iyon,

“YOU CAN’T CHANGE THE PAST, BUT YOU CAN LEARN FROM IT.”

Ang ibig sabihin, “THE PAST CAN CHANGE YOUR FUTURE.” Hindi mo mababago ang history, pero ang history ay maaring magpapabago sa future mo.

Source: Alice Through The Looking Glass Facebook Page

Pero kung hindi totoo ang mga iyon, sana kahit mayroon manlang time machine pabalik sa nakaraan. Kahit kausapin ko lang ang batang ako, ang batang “John Victor Rodriguez”. Gusto ko lang sana siyang makausap, paalalahanan sa lahat ng desisyon na gagawin pa lang niya.

Kung hindi mangyayari ang time machine, maski sa panaginip nalang, mabigyan ko lang siya ng advice para sana hindi naging ganito ang future ko. Yung future ko kasi, nagkakaroon ako ng kagalit, nasasayang ang mga oras at iba pa.

To: Younger Me

From: Older, Wiser Me ❤

#1: Gusto kong sabihin sa kanya na huwag siyang maging IYAKIN.

Gusto kong paalalahanan siya na hindi ang pag-iyak ang sagot kapag natatalo kana sa isang sitwasyon. Konting asar lang, maiiyak at luluha kana. Dapat maging matapang ka para hindi ka laging inaasar ng mga tao na mahina at iyakin. Dapat hindi ko dapat iniiyakan ang simpleng bagay. Minsan kasi, hindi naman deserve ng luha ko, iniiyakan ko pa rin dati. Kailangan patatagin mo ang sarili mo. Kapag nasasaktan kana sa mga sinasabi nila, hindi pag-iyak ang dapat gawin. Kasi tinatakasan mo yung problema mo. Dapat harapin mo yung problema at hindi pagluha sa tabi ang ginagawa mo.

#2: Huwag mag-overthink.

Lagi nalang kasi iniisip ang resulta, eh hindi pa naman nasisimulan. Nasa ending kana agad eh, wala ka pa nga sa start. Huwag ka nalang mag-isip ng kung ano-ano. Basta gawin mo nalang ng buong puso at isip ang pinagawa sa iyo. Gawin mo nalang ang best mo, para kahit natalo ka, tanggap mo sa sarili mo na ginawa mo na ang lahat para doon.

#3. Don’t let others define you.

Huwag ka dapat making sa mga komento sa iyo ng mga tao. Huwag mong hayaan kang sirain ng mga opinion nila sa iyo. Isipin mo lagi na buhay mo ito at may sarili silang buhay. Ang ibang tao kasi sisiraan at sisiraan ka dahil natatakot silang matalo mo sila. Kaya huwag kang mag-rely sa kung ano ang sasabihin ng ibang tao iyo. Tumayo ka sa sarili mong mga paa. “Life your life to the fullest!”

Kung jinudge ka nila agad, huwag mo nalang pansinin.

“SUCCESS is the best REVENGE.”

Iyan dapat ang lagi mong iisipin.

#4: Huwag ka agad na susuko.

Mahina kasi ako noong bata ako. Hindi ko lang natapos yung quiz ko sa ganitong subject, sobrang nadedepress na ako at nagmumukmok sa sulok. Kapag nahihirapan na ako, tumitigil na ako. Dapat isipin mo na hindi pa huli ang lahat para mabago ang sarili mo. Kung hindi mo natapos yung quiz mo, galingan mo sa susunod. Strive harder. Mag-review ka. Kapag nahihirapan kana, pahinga ka lang ng saglit, at lagi mong iisipin na madali lang ito at kaya ko itong tapusin. Dapat positive outlook lagi.

#5: Huwag mong hayaan ang ibang taong kontrolin ka.

Ako kasi noong nasa high school ako, sunod lang ako ng sunod, oo lang ako ng oo kahit mali na yung ginagawa nila. Wala kasi akong boses dati upang huminde sa ibang tao. Oo lang ako ng oo, kaya nabubully ako. Hindi ko kaya rati na ipaglaban ang sarili ko. Kaya ipapaaalala ko sa iyo na dapat hawakan mo ang sarili mong buhay, huwag mong hayaan ang tama ang manaig sa puso mo.

#6: More Time with Dad.

Aaminin ko, hindi ako masyadong close sa papa ko. Mas close ko ang lola at mama ko. Ni minsan hindi ako humingi ng tulong sa kanya, pwera nalang kapag may meeting at siya lang ang pwedeng pumunta ganun.

Nagkaroon kasi ako ng “outlook” na masasama lahat ng lalaki except nalang sa kapatid ko. Nagkaroon kasi ako ng masamang karanasan sa “stepgrandfather” ko, yung sinasaktan ako rati kasama rin ang kapatid ko…” BASTA. Matagal ko na siyang napatawad sa nangyari pero hindi agad-agad mawawala iyon. Sana kasi naging malakas ako ng panahong sinasaktan ako kaya sana naging kaclose ko ang “papa” ko ngayon. Sana may magpabago sa outlook ko na iyon.

Kung pwede ko lang ibalik si time para warningan ko na may mangyayaring ganoon sa amin. Edi sana..

PS: Pero ngayon nagiging kaclose ko na yung papa ko habang tumatanda na ako.

#7: Huwag tumakas ng bahay.

Sana hindi nalang ako pumunta sa may bangin noong elementarya ako. Naglalaro kasi kami ng kaklase ko na magpadulas gamit ang sako sa may bangin malapit sa basketball court doon sa San Mateo. Tumakas ako noon sa bahay kahit maulan. Pumunta ako doon upang maglaro.

Source: Google Maps
Nakikita ninyo ba ang puting L300 sa taas? Diyan nagsimula ang pagpapadulas ko noon sa bangin.

Noong oras para magpadulas ako, namali ako ng posisyon dahil first time ko lang gagawin iyon. Dumaudos ako hanggang sa tumusok sa akin ang nakausling bakal sa kaliwang tuhod ko. Bigla akong iniwan ng mga kaklase kong lalaki at naglakad ako papauwi na may putik at duguan. Dinala nila ako ospital pagkatapos na iyon.

NOTE: Nakikita niyo ang yellow na linya sa itaas? Ganyan kahaba ang nilakad ko papauwi sa bahay namin habang walang payong na dala at bago ako dalhin sa ospital.

Dito ako natuto na ayokong umalis ng bahay ng walang paalam sa magulang ko. Dahil dito, ayokong umalis nang hindi kasama ang family ko. Kaya gusto ko sanang paalalahanan ang dating ako na huwag tumakas ng bahay eh.

PS: May peklat ako sa kaliwang tuhod ko hanggang ngayon. Nagsisilbing tanda na naging sutil akong bata noon.

#8: Continue singing.

Noong high school ako, nakitaan na ako ng magulang ko na magaling akong kumanta. Nakakanta ko rati ang “Broken vow” na may matataas na nota.

Source: Youtube

Noong nag-audition ako sa choir, natanggap ako dito bilang “tenor”. Ang kinanta ko noon ay “Tayong Dalawa”. Nagulat ang mga kaklase ko dati na napili ako. Dahil nasa ESEP class ako noon, na ngayon ang tawag ay STEMP (Science and Technology, Engineering and Mathematics Program), sinabi sa amin ng guro namin na dapat tumutok kami sa academics at hindi sa mga extra-curricular activities kabilang na ang choir, kaya hindi na ako nagpatuloy.

Ang advice ko sa younger me, sana pinagpatuloy ko. Mayroon naman akong kaklase na nagpatuloy sa ambisyon niyang kumanta kahit nasa ESEP Class kami noon, sana hindi ako natakot na mag-risk.

#9: Don’t be too Talkative.

Ang daldal ko talaga noong bata ko pa. Siguro ito yung pumalit sa pagiging iyakin ko, naging madaldal naman ako.

Sana hindi ako naging madaldal, kasi minsan ang mga nasasabi ko na ay nakakasakit na sa ibang tao kaya minsan nakakaaway ko sila. Sana inisip mo noon ang mga sasabihin mo. Sana mas maaga akong naging aware sa mga sasabihin ko sa ibang tao.

#10: Don’t compare yourself to others.

Lagi mong iisipin na hindi ikaw iyon. Huwag mong gayahin ang iba. Huwag mong hayaan na maging isang kopya ka lang ng ibang tao.

“BE YOURSELF!”

Huwag mong ikumpara ang sarili mo sa iba kasi ikaw rin ang matatalo sa huli.

Source: Stock Photo

Dapat maging totoo ka sa lahat. Dapat maging honest ka. Dapat kapag nakikita ka ng iba sasabihin,

“Si VICTOR talaga ito!” Hindi yung, “Ginagaya niya si GANITO GANYAN.”

Dapat maging masaya ka at kuntento ka lang lagi sa nakukuha mo. Huwag kang maghahangad ng hindi naman sa iyo.

Source: Alice Through the Looking Glass Facebook Page

Kung may kakayahan akong balikan ang “YOUNGER ME”, iyan ang mga sasabihin ko sa kanya. Alam kong makakatulong sa kanya iyan upang maging maayos at masaya ang buhay niya.

Source: Google Images

Pero pagkatapos kong gawin itong paksang ito, may naisip ako, siguro yung iba rito ay dapat kong gamitin ngayon para sa “FUTURE” ko. Parang applicable rin siya ngayon, at maybe after 10 years na mababasa ko ito ulit, matatawa ako dahil nakatulong ito upang maging mabuting tao ako.

“YOU CAN’T CHANGE PAST, BUT PAST CAN CHANGE YOUR FUTURE BY LEARNING FROM IT.”

Oo, hindi ko na mababago ang nakaraan pero kung saka-sakaling man na makita ko si YOUNGER ME, sasabihin ko ito sa kanya.

Sana mabasa ito ng dating ako para hindi siya mapanghinaan ng loob.

Nawa’y may napulot kayong magandang lesson dito sa aking paksa! ❤

Stay tuned for my upcoming topics! God Bless! ❤

PS: Marami rin akong nabalikan na nakaraan dahil sa paksang ito, naalala ko ang aking munting kabataan. Pero gusto ko nang ibaon ito sa nakaraan. Lahat ng masasamang nangyari sa akin ay parte nalang ng “past” ko. Marami na akong natutunan. Salamat dahil nabuksan nito ang aking puso. :) Masaya na rin ako sa anong mayroon ako ngayon. ❤
One clap, two clap, three clap, forty?

By clapping more or less, you can signal to us which stories really stand out.