Day 13: My Favorite Childhood Toy

Are you ready kids?! AYE-AYE CAPTAIN! ❤

Parte na sa isang bata ang magkaroon ng laruan habang siya ay lumalaki. Normal na sa mga kabataan na maglaro at maging masaya kapiling ang kanilang mga laruan. Napakaraming laruan ang naimbento sa mundo. Marami rito ay nagmula sa Amerika at Tsina. Hindi na mahalaga sa mga bata kung saan ito ginawa, basta may laruan silang hawak at ito ay sapat na. Halos nalulunod na ang bawat bata sa mga laruan na galing sa kanilang mga ninong at ninang. Hindi naman nagpapahuli ang kani-kanilang magulang sa pagbibigay ng mga ito.

Inaamin ko, napakarami kong laruan na naipon simula ng aking unang at pangalawang kaarawan.

Source: John Victor’s Camera Roll

Nakikita ninyo sa pinaka-itaas na larawan, kung gaano na karami ang aking mga laruan dito sa bahay. Hindi pa iyan lahat dahil marami pang nakatambak dito loob ng aming tahanan. Ang iba ngang laruan ay naipamigay ko na sa mga Donation box na nakakalat sa mga fast food chains tuwing sasapit ang pasko.

Pero alam niyo, mayroon akong paboritong laruan na hindi ko maipapamigay basta basta sa ibang tao. Marahil hindi ito ang aking unang laruan pero ito naman ang aking paborito hanggang sa ngayon.

Simpleng laruan lang siyang kung titignan, pero napakaraming mga alaala ang napaloob sa simpleng laruan na iyan. Ibinigay ito noong 2005.

Ibinigay ito sa akin ng aking mga magulang noong panahong kaya ko nang maglakad mag-isa at noong mag-iisang taon na ang aking kapatid. Halos labing isang taon na ang edad ng laruang ito, pero hanggang ngayon ay pwede pa rin itong gamitin.

Nasa loob ako noon ng kwarto at mapayapang natutulog katabi ang aking kapatid sa crib. Nagising ako noong bumukas ang pinto at may pumasok sa aming silid. Hindi ko naaninag kung sino ang pumasok sa silid kaya nagdesisyon akong bumalik sa pagtulog nang binuhat ako ng aking ina at sinabing may ibibigay raw siyang na tiyak na aking magugustuhan.

Lumabas kami sa silid upang hindi magambala sa pagkatulog ang aking munting kapatid.

Noong nasa labas na kami ng silid, ibinaba na niya ako. Sa itaas ng mesa ay may inilalabas siyang bagay sa puting plastic. May naaninag akong dilaw na kulay at puting antenna sa taas. Noong papalapit siya sa akin, ako ay napalundag sa tuwa noong nakita kong ang laruan na kanyang ibibigay ay ang aking paboritong cartoon character pinapanood sa telebisyon!

Source: John Victor’s Camera Roll

Si Spongebob Squarepants!

Ang theme song na ito ang tumatak sa aking kabataan. Nang dahil sa panonood ko nito, naging paborito ko si Spongebob Squarepants. Bago mag-umpisa ang isang episode, laging may panimulang kanta na naging trademark na paparating na ang aking paboritong cartoon character.

Tama! Sa simula’t sapul, si Spongebob Squarepants na ang aking naging paborito simula noong kabataan ko hanggang sa ngayon.

Ako ay tuwang-tuwa dahil sa unang pagkakataon mahahawakan ko na ang dating pinapanood ko noon sa telebisyon! Ayon sa aking pagkakatanda, binili raw niya ito sa isang fastfood chain na nagbebenta ng kid’s meal kasama ang laruang ito. Sinabi niya na isa itong “LIMITED EDITION“. Sinabi niya nag-iisa na lamang ito doon at maswerte siya na nakakuha siya noong panahong iyon. Niyakap ko siya at niyaya ko siya na pumunta sa “bathroom” at ako’y paliguan gamit ang aking bagong laruan.

Ito ay isang refiller bottle na pwede lagyan ng shampoo o bath soap. Gawa ito mismo ng orihinal na kompanya na gumagawa rin ng mga episode noon ng Spongebob Squarepants.

Tinulungan ako ng aking ina na lagyan ito ng bath soap bago ako maligo. Noong naliligo na ako, pinipisil ko ang itaas na bahagi ng laruang ito at ako’y namamangha dahil lumalabas doon ang sabon na aking ginagamit sa paliligo.

Araw-araw ay nagagalak akong maligo! Dito na rin ako nag-umpisa na maligo na hindi ko kasama ang aking mga magulang. Bawat sabon na lumalabas sa aking laruan ay tuwa’t galak ang aking nararamdaman. Natutuwa pa ako dahil nahahawakan ko ang kanyang malalaking mata at ang kanyang mahabang ilong.

Minsan pa nga ay dinadala ko ito hanggang sa pagtulog. Sinisigurado ng aking ina na wala itong laman kapag dinadala ko ito sa aming kwarto.

Lumipas ang araw at patuloy ko pa rin sinusubaybayan ang bawat kabanata ng Spongebob Squarepants. Kasama ko sa aking panonood ang kauna-unahang laruan na Spongebob sa aking talambuhay.

Noong taong 2007, sa araw ng aking kaarawan ay ibinigay ang isa pang Spongebob na laruan! Sa pagkakataon namang ito ay mayroon na siyang kamay at paa!

Sa loob naman ay may larawan ni Spongebob! Ako ay tuwang-tuwa nanaman ng panahong iyon! Padami na nang padami ang aking mga laruan.

Source: John Victor’s Camera Roll

Nalaman na rin ng aking mga Ninong, Ninang at aking mga kamag-anak na paborito ko si Spongebob! Tuwing kaarawan ko ay halos Spongebob ang aking mga regalo pati na rin ang aking mga cake!

Source: John Victor’s Camera Roll

Dito rin nagsimula na naging paborito ko na ang kulay na dilaw na sumisimbolo na kulay ni Spongebob! Kasabay na rin ng araw nito ay ibinigay nila sa akin ang isang malambot na unan na tahanan ni Spongebob sa Bikini Bottom.

Source: John Victo’s Camera Roll

Ang pineapple house ni Spongebob Squarepants! Hindi ko alam kung saan ko mailalagay ang aking kasiyahan noong panahong hinakawan ko ito gamit ang aking mumunting mga palad.

Ang dilaw na rin ang naging palatandaan ko na maging masaya sa lahat ng bagay! Lalong lumalim ang aking pagkagusto kay Spongebob!

Lumipas ang buwan at taon ay padami nang padami ang aking mga laruan na Spongebob! Kasama nito ang mga librong ginagamit ko sa pag-aaral.

Source: John Victor’s Camera Roll

Noong magsisimula na akong mag-aral ng high school ay naging sandata ko si Spongebob upang maging masaya at huwag isipin ang mga masasamang bagay.

Dala-dala ko ang laruang ibinigay sa akin ng aking ina noong 2005. Hindi ko na siya ginagamit upang lalagyanan ng shampoo kundi nagiging laruan ko na ito sa aking eskwelahan.

Kapag nabubunot nila ang aking pangalan para sa exchange gift. Alam na nila ang kanilang ireregalo sa akin, at ito ay ang Spongebob!

Source: John Victor’s Camera Roll
PS: Ang mga litrato sa taas ay iniregalo sa akin noong 2nd year at 4th year high school ko.

Malaki ang naging impluwensya ng laruang iyon sa aking buhay. Mula sa aking pananamit ay kitang kita ang itsura ni Spongebob at ang sinisigaw na kulay nito ay dilaw.

Source: John Victor’s Camera Roll

Suportado naman ako ng aking mga magulang sa aking paborito! Sa bawat kaarawan ko ay hindi maiaalis ang Spongebob o ang kulay dilaw sa aking handaan!

Kapag umaalis kami ng bahay at pumupunta sa iba’t ibang lugar at mall, ang aking pananamit ay may bahid ng spongebob!

Source: John Victor’s Camera Roll
Note: Ang lagi kong kasama sa picture ay ang aking kapatid na si “Jerome”.

Lumipas ang panahon ay mas lumalim ang ibig sabihin sa akin ni Spongebob Squarepants. Nakikita ko kasi ang mga butas nito sa kanyang katawan, kadalasan ang kulay ng butas ay kulay green.

Source: John Victor’s Camera Roll

Ang ibig sabihin nito sa akin, kahit na maraming problema ang dumating sa buhay (simbolo nito ay ang mga butas nito sa katawan) ay patuloy pa rin dapat maging masaya at tumayo kahit ang daming naninira sa iyo. Tulad ni Spongebob na laging masaya kahit maraming mga problema sa paligid.

Noong lumipat kami sa Antipolo, ako ay malungkot. Noong panahong lumipat kami ng bahay ay naging sandalan ko si Spongebob upang mapawi ang aking kalungkutan. Makita ko lang ang nakangiting laruan na Spongebob na ibinigay sa akin noong bata ay ako, ay ngumingiti at sumisigla ako.

Source: John Victor’s Camera ROll

Para na rin mapawi ang aking kalungkutan sa aming bagong tirahan, binilhan pa nila ako ng mga kagamitan ni Spongebob upang kahit papaano ay maalis sa aking isipan ang kalungkutang lumipat kami ng bahay.

Mula sa aking baso,

pati na rin ang aking silid-tulugan ay may makikita kang nakangiting mga Spongebob.

Source: John Victor’s Camera Roll

Ang aking unan ay punung-puno ng mukha ni Spongebob! Pati na rin ang aking kumot upang maramdaman ko ang kulay dilaw na nagbibigay saya sa akin.

Noong panahong nag-aaral ako rito sa Antipolo, ang aking baunan at tubigan ay Spongebob din! Kaya unti-unti ay napapawi na ang aking mga kalungkutan.

Source: John Victor’s Camera Roll

Tuwing umaalis kami ng bahay ay dala-dala ko pa rin ang kauna-unahan kong laruan na Spongebob na ibinigay sa akin ng ina. Ang kasuotan ko rin ay punung-puno ng Spongebob at minsan pa ay dilaw.

Kapag kumakain naman kami sa labas, mas gusto ko na pumupunta kami sa isang kainan na may binebentang Spongebob collectibles.

Source: John Victor’s Camera Roll
Mas pinipili ko na kumain kami sa mga kainan na may nauuwing laruan. Tulad noon sa KFC at sa Mister Donut.

Nagkaroon na rin ako ng alkansya! Bigay naman ng aking ama pag-uwi niya galing trabaho.

Source: John Victor’s Camera Roll

Naka-ipon ako dati ng humigit kumulang dalawang daang piso. Pinambili ko rin iyon ng iba’t ibang spongebob na laruan.

Ang aking lalagyanan naman ng aking mga medalya simula noong elementarya ay may bahid din ng dilaw at ni Spongebob.

Source: John Victor’s Camera Roll

Marami pa akong koleksyong naipon nang dahil sa simpleng laruan noon na iniregalo sa akin ng aking ina noong 2005.

Mayroong mga pencil case, picture frame at pati na rin ang lalagyan ng aking USB.

Source: John Victor’s Camera Roll

Ang lahat ng iyan ay regalo ng aking mga magulang! Alam niyo bang kada taon noong ako’y nasa hayskul ay mayroon akong bagong pencil case?!

Ang lalagyanan naman ng aking mga USB na nasa gitnang larawan ay dating naging wallet ko noong grade VI! Hanggang sa ngayon ay hindi ko pa rin nilalabahan ang wallet na iyan!LOL.

Lumipas ang mga buwan at may lalagyanan na ako ng aking mga Spongebob Collectibles.

Source: John Victor’s Camera Roll

Dito inipon ko ang mga ibinigay sa akin na Spongebob na laruan. Tuwing pumapasok ako sa aking silid ako ay natutuwa dahil nakikita ako ang mga laruang naging sandata ko upang mapawi ang aking pagkabagot sa araw-araw.

Noong ako’y Grade V palang, alam na ng mga kaklase ko na kinahiligan ko na talaga na mangolekta ng mga picture at pati na rin si Spongebob. Kaya isang beses ay pinag-isa namin iyon!

Source: John Victor’s Photo Album

Noong nasa high school rin ako, malaya akong nakasusuot ng damit na ang imprenta ay Spongebob! Natutuwa ako dahil nagiging masaya ang aking buhay kapag nasusuot ko ang mga paborito kong damit!

Source: John Victor’s Camera Roll
Iyan ang mga panahong nasa ikalawang taon na ako ng hayskul! Makukulit at masisigla kaming lahat kasama ang aming adviser.

Kapag pumunta naman kami sa iba’t ibang simbahan, kapag may mga pasyon kasama ang aking lola at pati na rin ang pagpunta sa probinsya upang mahalin at sambahin ang ating Panginoong Hesukristo, kasama ko si Spongebob. Nakakatawa man isipin pero ang makikita mo sa mga litrato sa ibaba kung ano ang aking tinutukoy.

Pati nga ang aking pamilya ay sumusunod sa color coding namin na dilaw! ❤

Noong 2012, Pumunta rin kami sa Grotto ng San del Monte, Bulacan! Tama kayo! Suot suot ko naman ang aking paboritong damit na bigay ng aking ina!

Noong katirikan naman ng araw noon ay napagdesisyunan namin na pumunta sa isang resort upang magswimming at mapawi ang init! Kasabay ng pagpunta namin sa resort malapit sa amin tirahan ay nagregalo muli ang aking ina ng Spongebob! Ito naman ay isang goggles!

Source: John Victor’s Camera Roll

Umakyat din kami ng bundok pagkatapos ng aming paswimming! Alam niyo bang suot-suot ko noon sa tuktok ng bundok ang damit na iyan! Naging taga-picture namin ang aking tita na humabol bago magdilim!

Source: John Victor’s Digital Camera

Pati ang aking shorts ay spongebob! Pati na rin ang aking damit! Hapong-hapo na kami diyan dahil halos 500 steps ang inakyat namin upang maabot ang tuktok ng bundok!

Source: John Victor’s Digital Camera

Noong araw na iyan ay ibinigay sa akin ng aking ina ang bagong shorts na Spongebob! Mayroon nang terno ang aking pang-itaas na damit.

Ako ay tuwang-tuwa dahil nagdagdagan nanaman ang aking koleksyon sa aking pinakamamahal na Spongebob! Suot-suot ko rin ang isa sa mga paborito kong damit na regalo ng aking magulang.

Noong 2013, ang kaarawan ng aking ina ay espesyal sa akin. Marami na siyang naitulong sa akin. Bilang kapalit ng kanyang kabutihan ng mga nakaraang taon ay napagdesisyuhan kong gumawa ng “personalized greetings” gamit ang aking talento sa pagkokompyuter.

Source: John Victor’s Camera Roll

Natuwa siya dahil naisipan ko siyang regaluhan kahit bata pa ako noon. Niyakap niya ako noon at nagpasalamat. ❤

Source: John Victor’s Camera Roll

Noong nagbabakasyon ako sa aking lola, ang aking mga damit ay puro Spongebob! Nakidalo pa ako sa taon-taon na pagpapasyon tuwing Semana Santa 2014.

Source: John Victor’s Camera Roll

Ang panahon naman ng palaspas at ng selebrasyon ng muling pagkabuhay ni Jesus ng taong 2014 ay suot-suot ko ang Spongebob na damit na regalo ng aking mga magulang.

Lumipas ang mga taon ay hindi nagbago ang aking pagkahilig sa laruan na Spongebob. Noong taong 2016, panahon kung saan nag-celebrate ako ng 17th Birthday, mayroon akong ikinagulat!

Source: John Victor’s Camera Roll

Noong nakaraan kaarawan ko nga, hindi ko inaasahan na may magreregalo ang aking college friends na Spongebob.

Ako rin ay nagulat dahil mayroon silang isang bag na punung-puno na Spongebob.

Source: John Victor’s Twitter Account

Mayroong toothbrush, notebook at ballpen. Lahat ng iyon ay Spongebob Collectibles. Isasama ko iyon sa aking koleksyon.

Source: John Victor’s Camera Roll

Eksakto pa ang kulay ng restaurant na aming pinuntahan sa aking paboritong kulay! Nagpakuha agad ako ng litrato sa aking kapatid sa dilaw na pader bago pa dumating ang aking mga bisita.

Source: John Victor’s Camera Roll

Kahit saan man ako pumunta, maski ano man ang aking ginagawa, hindi na maiaalis sa akin na mahilig ako sa kulay na dilaw. Dilaw na damit, dilaw na shades at dilaw na ngipin! XD. (Biro lamang ang pandulo.)

Maski nakatago na lamang ang ibang laruan kong Spongebob, hindi ko pa rin maiiaalis na naging sandata ko ito upang maging masaya sa buhay.

Hanggang sa ngayon ay buhay pa rin sa aking puso ang cartoon character na aking pinapanood ko lamang sa telebisyon, ngayon ay kasama ko na narin sa aking pagtulog.

Source: John Victor’s Camera Roll

Hindi ko rin makakalimutan ang laruang nagpasabik sa aking kabataan, ang pagkasabik ko sa paliligo upang magamit ko lamang ang unang Spongebob na laruan sa aking buhay.

Nagpapasalamat ako sa mga taong sumusuporta sa aking kahiligan. Alam niyo kung gaano akong kasaya habang nakikita ko ang mga regalo na ibinibigay ninyo sa akin lalo na kung ito ay Spongebob.

Ang simpleng laruan lang noon ay hindi ko aakalain na magiging kaagapay ko sa aking mga pagsubok at magiging parte ng aking buhay.
Source: John Victor’s Camera Roll

Nagpapasalamat rin ako dahil may Spongebob Squarepants na kumatok at nagpasaya sa aking buhay-kabataan hanggang sa ngayon. Naging malaki ang impluwensya nito sa akin.

Salamat sa pagbabasa! Stay tuned for my upcoming topics! God Bless! ❤

Show your support

Clapping shows how much you appreciated John Victor E. Rodriguez’s story.