
Day 15: Valuable Lessons From This Blog
Dream Big, Inspire Others, AND Together We will RISE. ❤
Sharing your thoughts comes with responsibility.
Marami akong natutunan habang gumagawa ako dito. Noong una inaamin ko nahihirapan ako pero noong nasasanay na ako’t nasisiyahan na ako sa ginagawa ko. Marami akong natutunan sa aking sarili. Nasasabi ko ang gusto na ng maayos at malaya. Walang nagdidikta sa aking tao kundi ang aking emosyon at sariling kaalaman. Maraming naitulong sa akin ang paggawa ng blog. Alam niyo ba na hindi ako akalain na magagawa ko ang lahat ng ito. Simula Day 1 hanggang ngayon sa Day 15?
Nasabi ko sa sarili ko na:
“Kaya ko palang gawin ito.”
Blogging is the best way to introduce yourself to others.

PS: Bachelor of Science in Construction Engineering dapat po yung nasa may taas. LOL. Hindi ko na po mapalitan. LOL.
Pinakakilala ka nito sa mundo. Katulad na rin ng Facebook at iba’t ibang social media sites. Sa tuwing nagkakaroon ako ng “free time” ginagawa ko gamit ang puso at utak ko. Lahat ng nararamdaman ko ay nasasabi ko rito at ang utak ang mag-aayos ng “sequence of events” at taga-check kung tama ba ang aking sinasabi.
Nagpapasalamat ako dahil nabigyan ako ng pagkakataon na maipamahagi ang aking sariling “insights” sa mga paksang ibinigay sa akin ng aming instructor. Hindi ko akalain na sa simpleng paksa na ibinigay ay naipapalawak ko pa ito.
My blog can inspire everyone.

Ang paggawa ko dito ay maaring tumatak sa mga mambabasa. Halos ng aking ginawa rito ay may kakapulutan ng aral. Sa simpleng pagbabasa ng aking gawa, may makikita kang kukurot sa iyong puso, mga leksyon sa buhay, mga totoong pangyayari at papaano ko ito nalagpasan.
Nagkakaroon ng kabuluhan ang aking mga libreng oras. Dati kasi kapag libreng oras ko, inuubos ko lang ito sa paglalaro, pagbabasa ng status ng iba at pagpopost sa iba’t ibang social media sites. Nagkakaroon din ako ng pagkakataon na maipataas ang aking “creativity skills”. Natutunan ko rin kung papaano ko uumpisahan ang bawat paksa at kung papaano ko ito tatapusin.

Pero alam niyo, tulad ng ginagawa natin sa ibang social media, kailangan natin pangalagaan ang ating “PANGALAN”. Kasi iisa lang iyan, kapag nasira iyan sa ibang tao at nabahidan ng kontrobersya ay hindi mo na maiiaalis iyon. Parang isang malaking mantsa na hindi na maiaalis kailanman. Sa pamamahagi ng sarili mong kuro-kuro dapat isipin mo na maraming makakakita ng iyong gawa.
Fact-checking.

Dapat alalalanin mo na dapat hindi ma-misinterpret ang iyong gawa. Lagi mo dapat isaalang-alang na maitama ang iyong sinasabi. Hindi ka dapat nag-iimbento ng impormasyon. Kaya nga ako, bago ko umpisahan ang “blog”, kumukuha ako ng data, pictures at konting research patungkol sa paksang iyon. Kinakailangan mong maging responsable sa lahat ng ginagawa mo. Natuto rin akong hanapin ang tamang impormasyon sa aking isipan.
Think before you click, kumbaga.
Maski ako ay mayroong natutunan sa aking ginagawa. Nababalikan ko aking mga nakaraan, nalalaman ko ang dati kong buhay at papaano iyon makakaapekto. May ibinigay din na paksa na papaano kung mawawala ang ganito, paano ito makakaapekto iyon sa iyon. Masaya ako dahil may mga ganitong mga paksa na nakakatulong sa aking buhay.
Sa blog na ito, nakakatuwang isipin dahil nakikita nila ang aking paglalakbay sa aking buhay. Naipapakita ko sa kanila ang aking sarili at minsan naman ay naipapakita ko ang mga kaya kong gawin.

Hindi naman mahalaga sa akin kung anong makukuha kong premyo sa ginagawa kong ito. Maski naman walang kapalit ay gagawin ko ang pamamahagi ng sarili kong kuro-kuro.

Para kasing reward nalang ang cupcakes o libro na ibibigay sa amin. Katulad ng regalong natanggap ko noong kaarawan ko, surprise nalang ang ibibigay sa iyo.
Yung naging masigasig ka at naging matiyaga upang matapos mo ang labing-limang araw. Araw-araw na pag-iisip, kung ano ang pwede mong ilagay. Yung pagkakataon magiging masaya ka sa buhay.
Natikman ko na ang cupcakes na gawa ni Ma’am Doreen at masasabi ko na ayos lang sa akin kung ano ang matatanggap ko. Ginagawa ko ito upang maging masaya at malaya.


Naging mahilig rin ako sa libro dahil noong akala ko na hindi ko kayang basahin ang dalawang librong ito, pero natapos ko sila bago matapos ang bakasyon! ❤


Natapos ko na pati ang isang english novel. Hindi ko akalain na magugustuhan kong basahin iyon. Alam niyo ba kamakailan ko lang nabuksan librong “IN SILENCE”? Hinanap ko ito sa aking cabinet upang ipakita sa aking blog ang kauna-unahan kong biniling libro na English noong 2012. Kung sinusundan ninyo ang aking blog naipakita ko ito sa Day 12 at sinabi kong sa mga oras na iyon ay hindi ko pa ito natatapos basahin. Pagkatapos kong gawin ang Day 12, napaisip ko na basahin iyon bago matapos ang bakasyon dahil sayang naman kung hindi ko babasahin at sa tulong din ng blog na ito, na-enlighten ako at natapos ko na ang librong ito.
Alam ko pagkatapos kong gawin ang Day 15, may garantiya na ako na may tatlong cupcakes na ako. Pero kung saka-sakaling cupcakes ang nakuha, ipapamahagi ko rin iyon sa aking dalawang kaibigan, si Sam at Eunice.

PS: VICTOR-EUNICE-SAMANTHA (ang tamang ayos namin diyan sa litrato maski mga sapatos lamang ang nakikita diyan)
Dahil tatlo kami, sakto ang tatlong cupcakes para sa amin. Pero kung swe-swertehin ako, ang libro ang aking makukuha.
Pero hindi na mahalaga sa akin ang aking makukuha premyo, ang importante sa akin ay naging makabuluhan ang aking bakasyon dahil sa paggawa ko rito sa blog.
Maraming salamat dahil ang dami kong natutunan na bago. Hindi ko akalain na marami akong tinatagong talento na ngayon ko lang naipamalas. Magiging maganda pala ang resulta ng lahat.
Hindi pa ito ang huli kong gagawin. Simula na ang pasok ko bukas, at nagpapasalamat ako dahil naging parte ito ng aking bakasyon.

Nawa’y hindi pa ito ang huling pagkakataon na gagawa ako rito!❤
Pwede niyo rin naman bisitahin ang aking iba pang Social Media Accounts! Para makita niyo rin ang iba ko pang ginagawa.
Maraming salamat! God Bless! ❤
