Day 4 — Ours

I love the gap between your teeth. ❤❤❤

Ito ay tungkol sa isang taong may iniibig nang lubos at yung mga taong nakapaligid sa kanila ay sinisiraan sila. Minsan pa ay nilalait, pinagtatawanan at pinag-uusapan pa ng kung ano ano. Pero hindi na nila iyon pinapansin, dahil mahal naman nila ang isa’t isa, at sapat na iyon sa kanila.

The seven words above have similarities in me. Akala mo hindi ka kamahal-mahal kasi may kapansanan ka o may kakulangan ka sa pisikal na kaanyuhan. Minsan pala hindi na iyon mahalaga, dahil minamahal na pala niya ang lahat lahat sa iyo kahit hindi ito perpekto, basta’t totoo ka sa pagmamahal mo sa kanya.

This song was made by Taylor Swift in her album “Speak Now”. I am Taylor Swift’s fan because her country songs were amazing and lots of symbolisms. [i like hidden meanings! ❤]

For me this song is all about love and no one can take it away from them. Kahit anong mga hadlang at problema na makakaharap nila, hindi agad matitibag ang pagmamahalan nila.

Parang sa sumpaan sa simbahan,

“…for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death do us part…”

Minsan may pagkakataong may mahal ka, pero pinagbabawalan ka ng ibang taong nakapaligid sa iyo. Ang daming sinasabing hindi magaganda dun sa “mahal” mo para masira ang tingin mo sa kanya.

Ngunit may pangako kayo sa isa’t isa na kayong dalawa lang ang nakakaalam. Ano man ang sabihin ng iba sa pagmamahalan niyo, isasawalang bahala nalang iyon lahat. Dahil pagmamahalan niyo iyan eh.

Maraming nasasabing hindi kayo bagay, hindi kayo para isa’t isa at minsan sasabihin pa yung mga dati niyong mga naging kasintahan upang mawala ang tiwala niyo sa isa’t isa.

Kung ano man ang pangbabato nila ng mga masasakit na salita sa pagmamahal ninyo at sa panlalait nila sa inyo mula ulo hanggang paa, hindi iyon mapapantayan ang pagmamahalan niyo sa isa’t isa.

Kahit na ang mundo ay hindi perpekto, ang daming mga political and economical issue, hindi iyon magiging hadlang upang magmahalan kayo.

YOUR LOVER IS PERFECTLY IMPERFECT IN YOUR EYES AND IN YOUR HEART. ❤

Kahit na ang daming mga etchoserang palaka na magsasabi na:

  • 2 months lang ‘yan.
  • Ang panget nung lalake eh! Paano niya nagustuhan ‘yan?!
  • Bungal yung lalake yun diba?! Kadiri.
  • WTF. Papaanong naging sila? Pwede ba ‘yan?!
  • Etc.

Parang sa pelikulang “Kita Kita”, minsan ang taong may sense of humor ang mas nagugustuhan ng babae kaysa sa may gwapo o may appeal lang.

Ang magiging sagot niyo lang sa mga bashers na iyan,
“WALA KAYONG PAKE. KUNG HINDI MAN SIYA PERPEKTO SA PANINGIN NIYO, SA PERSPEKTIBO KO PERPEKTO SA SA AKIN AT WALANG MAKAKAPIGIL DOON. ❤”

“YOU CAN’T TAKE WHAT’S OURS. THIS LOVE IS OURS. ❤❤❤”

One clap, two clap, three clap, forty?

By clapping more or less, you can signal to us which stories really stand out.