Day 9 — They Don’t Care About Us

I’m tired of being the victim of hate.

Alam ko itong kantang ito pero ngayon ko lang naintindihan ang gusto nitong ibigay na mensahe sa tao. Ito ay lubos na kabaligtaran ng “La Vie En Rose” dahil ito ay patungkol sa mga nangyayaring pang-aabuso ng nasa may kapangyarihan tulad ng mga pulis, paninira ng bawat isa’t isa, pag-aalipusta sa maputi at maitim, ang hindi pagtanggap ng tao sa pangatlong kasarian, pag-aaway away dahil sa relihiyon, digmaan para sa relihiyon at iba pa. Lahat ng iyon ay hindi nagagawan ng paraan ng pamahalaan dahil puro salita lamang sila. Hindi nila nasosolusyan, wala talaga silang pake sa nararamdaman ng mamamayan nila. Naging susi ang kantang ito upang gisingin ang natutulog na diwa ng mga pulitiko para tulungan ang nasasakupan nila.

Napapanahon din ngayon dahil gabi-gabi may nababalitaan na may namamatay sa kamay ng mga pulis, sinasabing nanlaban pero maaring na “overkill” nila ang hinihinala na suspek. Sa Oplan Tokhang palang, humigit kumulang 5000 na ang napapatay, 80% ay inimbistigahan pa. Hindi ko naman sinasabi na masama ang pamahalaan, ang pinupunto ko lamang na hindi na sana humantong sa pagkitil ng buhay para masabing ligtas ang nasasakupan.

Ngayon kasi parang hayop nalang kung patayin ang tao. Wala na silang pake sa nararamdaman ng tao. Kaya nagsasawa na ang mga Pilipino na makinig sa balita dahil puro patayan, droga at minsan corruption.

Dapat inuuna nilang tulungan ang mamamayan nila. Dapat tulungan nilang iangat ang nasa mahihirap na sektor imbis na magpakasasa sa pera ng bayan.

Ang pinupunto ng kantang ito ay, parang nawawala na ang kalayaan ng bawat tao. Sobrang dami nang problema sa society natin.

BULLYING

  • Sa school, inaasar ang mga maiitim, matataba, pati ang mga kapansanan at pagkakaiba iba ng relihiyon. Hindi naman nabibigyan agad ng aksyon. Kapag nagpakamatay ang isang nabully, doon na lamang sila kikilos at magigising ang mga natutulog nilang diwa.

POVERTY

  • Ang mga nasa informal settler, imbis na bigyan nalang ng pabahay ang mga nandoon, minsan masusunog nalang bigla ang mga bahay sa informal settler. Mas nilubog pa nila. Nababalitaan natin na nasusunog ang mga lugar ng mga informal settlers, tapos magiging isang mall o magiging isang building. Nasaan doon ang pagmamahal sa mamamayan kung dahas at pera ang pinapairal?

HATE

  • Isa sa mga pinakamatinding problema ng society. Dito nagsisimula ang lahat sigalot ng mundo. Kung puro “LOVE” nalang ang nasa puso ng tao, edi walang problema.
  • Hindi nila matanggap na may LGBT Community. Hindi rin nila matanggap na may mas nakakataas sa kanila (minsan sa trabaho kapag may promotion ang isa, minsan sa ranking sa school). Walang mangyayari sa mundo kung puro “HATE” ang nasa puso.

Marami pang sinisigaw ang kantang ito. Sa pangkalahatan, sinasabi rito ang mga dahas, mga hindi makatarungan pangyayari at hindi patas na pagtrato.

Heto na lamang masasabi ko,

ALL WE NEED IS LOVE WITH ACTION TO HAVE PEACEFUL AND SUCCESSFUL NATION. ❤
A single golf clap? Or a long standing ovation?

By clapping more or less, you can signal to us which stories really stand out.