Paano ako pwede mag start as a VA as a part time job?

QUESTION:

Paano ako pwede mag start as a VA as a part time job?

- i was an OFW in Kuwait

- i was working since high school to help my parents send me to school.

- i was an honor student, getting medals every year, and minsan uma-akyat sa stage na cardboard ang suwelas ng sapatos just to get my medal.

- in college, i was a working student, working during day and studying at night.

- pinasok na lahat ng klase ng work, quality control, salesman, counter sales person hanggang naging certified trainer.

- nag try magnegosyo, minalas, and i am back as an employee.

- 8 hours of work, hindi pwede malate

- sa liit ng sahod,madalas naglalakad para magkasya ang sweldo.

- inaaway pa ni misis dahil kulang ang sahod pambili ng gatas.

- trying to apply for a part time job, hindi matanggap dahil either over qualified or under qualified.

But over all, wala pa din naipon (butas pa din ang medyas, hehehehe), naghahanap pa din ng suweldo na mataas…..kaya nag-iisip ako mag-aral ng course ninyo as a VA. But, sabi ko nga, hindi ako makaka-afford ng training/ Seminar fee — kulang na nga ang sweldo, a-attend pa ng seminar…

May iba pa bang alternative on how i can learn (lagi ako nahuhuli sa webinar ninyo, coming from makati to cavite — traffic is horrific !!)..as fast as i can?

A Husband Fan

ANSWER:

Salamat sa mahabang email mo. Gusto ko yan. Kwento. At maganda ang kwento ng buhay mo. One day, magsasalita ka sa stage, ikukuwento mo yan lahat.

Dapat talaga iwan nyo na mag-asawa ang ganitong pag-iisip:

“Kulang na nga ang pera, magseseminar ka pa.”

Kasi ano ba gagawin mo para dumami ang pera?

Lahat ng nangyari mula noon hanggang ngayon di nag-work.

Dahil kulang pa rin ang pera.

Kaya nagseseminar.

Kung wala ka naman talagang gana — after the seminar- pwede mo naman makuha ang pambayad mo. Kasi may guarantee kami. Nga lang — pag nangyari yon- kulang pa rin ang pera mo. Kaya kami naman — we make sure ma kumita ka within 3 months. Kung susunod ka sa laman ng seminar.

Sa pinagdaanan mo, kaya mo na yan. Gusto mo naman umasenso eh.

Ang tanong ko lang — marunong ka bang mag computer?

Kung oo, pwede nang simula yun.

May bayad talaga ang mga seminars ko. At mataas — kasi we give the best of our abilities and talents. At may resulta. Hindi lang upo, makinig matuwa. Nagbabago mga buhay ng nagaattend.

WEBINARS — Laging may recording yan. So kung na miss mo, punta ka lang sa website ng recordings — naka announce naman sa FB.com/jomarhilario at ngayon lahat ng webinar recordings nasa http://virtualcareersacademy.com/p/datewithfreedomvirtualcareerssummit

So anytime pwede ka makinig at matuto. Libre.

Ngayon — marami din akong LUMANG webinar sa youtube.com/jomarhilario

Ikaw na maghahanap ng time para matuto.

More than 100 videos yan. Each more than 1 hour.

So 100 hours na libre.

So pwede ba matuto ng libre?

Yes.

Watch mo lahat ng free webinars ko.

Sundin mo.

Pwede rin may bayad, watch mo yung seminar or download mo yung seminar. Pwede naman din.

Magsisimula lang yan sa GUSTO MO BA TALAGA or GUSTO MO PANG MAGHIRAP NG MASMATAGAL?

P.S. Galing din ako sa hirap. Alam ko kung paano magpakain ng 12 na mag-anak -isa lang ako. Kaya alam ko ano ang kailangan mo.

Welcome to a place where words matter. On Medium, smart voices and original ideas take center stage - with no ads in sight. Watch
Follow all the topics you care about, and we’ll deliver the best stories for you to your homepage and inbox. Explore
Get unlimited access to the best stories on Medium — and support writers while you’re at it. Just $5/month. Upgrade