Mercury Is Mine Movie Review

Isang pangkatang pagsusuri sa asignaturang KPWKP

5 min readJun 27, 2018

--

STEM 175 — CARAGDAG, HASSAN, LANGCAUON, MIRANDA, SANTOS

Sa pagiging isang Filipino indie film, ang pelikula na “Mercury Is Mine” ay nagpakita ng isang kapansin-pansin na kuwento na tumama sa pananaw ng mga manonood tungkol sa estado ng kultura ng Pilipinas at mga dayuhan.

Ang pelikula ay nagbigay pansin sa mga problemang hinaharap sa lipunan ng Pilipinas at kung paano nabubuo ang ugali ng mga Pilipino. Kasama dito ang pagpapakita ng satirical na katatawanan na tumatalakay sa mga paniniwala ng Pilipino sa mga dayuhan at ang diskriminasyong nakapaloob sa kultura.

Ang mga miyembro sa aming grupo ay may iba’t-ibang pananaw tungkol sa pelikula:

Ang aking pananaw sa pelikulang “Mercury Is Mine” ay napakaganda ng pag papakita nito ng kultura ng mga Pilipino na pagiging mapag-asikaso at mayroong mabuting pakikitungo sa kapwa. Napansin ko rin sa pelikula na mayroon itong pinapakitang popular na konsepto na kung saan makikita natin ang realidad kung paano makitungo ang mga Pilipino sa tuwing sila’y makakakita ng dayuhan. Masasabi ko rin na may konsepto ng “white privilege” na ipinakita dito. Bilang wakas, ang pelikulang ito ay napakaganda dahil pinapakita nito ang realidad na kinakaharap ng ating lipunan

— CARAGDAG, Francis Manuel S.

Sa pelikulang ito, makikita natin ang kultura ng Pilipino, ugali at pakikitungo sa kapwa Pilipino at pakikitungo sa mga dayuhan. Makikita rin dito ang negatibong ugali ng mga Pilipino, gaya ng pagsa-sarili, pagnanakaw ng pera at sa huli ang pag-patay ng mga masasamang tao sa mga inosenteng tao. Sa huli, ang masasabi ko ay napaka-ganda ng pelikulang ito dahil eto ay pa-tungkol sa iba’t ibang uri ng pamumuhay bilang Pilipino.

“Mercury WAS Mine”

— HASSAN, Miguelangelo Iñigo T.

Ang ating kultura bilang Pilipino ay nakapaloob sa mga mensahe at birong inilahad sa pelikula. Masasabi kong natutuwa ako sa madalas na pagbibiro kahit nakikita rin dito ang mga problema ng ating kultura dahil ganito ang naging perspektibo ng mga Pilipino sa kung ano ang mga pamantayan sa lipunan. Hindi na natin kayang kontrolin ang mga pananaw ng tao kaya ginagawan nalang natin ng mga biro ang problemang ito. Ngunit kahit ang ating ugali ay napakita sa isang tumpak na paraan sa pelikula, nakakatuwa rin ang patuloy na pagiging masipag ng Pilipino at sa ibang pagkakataon nagiging mabait sa mga sitwasyong may taong nangangailangan ng tulong.

Ang pelikulang “Mercury Is Mine” ay may nakakalugod na screenplay. Ang paglalahad ng kapaligiran ng Pilipinas ay nakuha sa marikit na sinematograpiya at editing. Ang iba’t-ibang parte ng pelikula ay may itinalagang kulay at damdamin na nagpapaunlad ng mensahe ng kwento.

— MIRANDA, John David S.

“Mercury is Mine” ay isang Filipino indie film na under-appreciated at kailangan talaga ng rekognisyon. Bakit? Ito ay mga ilang punto na aking maiibibigay tungkol sa pelikula.

Una sa lahat, pinapakita dito ang kabutihang asal na nakikita sa ating mga Pilipino. Isa lamang itong malaking parte ng ating kultura sapagkat kilala ang mga Pilipino sa kanilang pakikipag kapwa at kabutihang loob. Bukas ang mga Pilipino sa mga nangangailangan dahil sa ating pagbabayanihan. Ang pagtulong ni Aling Carmen at pagpapatuloy niya kay Mercury sa kaniyang tahanan ay isang simbolo nito.

Ngunit hindi lamang ang mabubuting asal ang pinapahiwatig ng pelikulang ito. Makikita rin ang realidad na nakikita natin sa araw araw.

Ito’y sisimulan ko sa ang mga Pilipino ay tunay na natutukso sa mga banyagang opurtunidad na nahaharap nila. Minsan ay minamaliit nila ang kanilang sarili na tila kailangan nilang makamit ang “mataas” na tingin nila sa mga dayuhan. Ito ay ang paraan na ginawa ni Aling Carmen sapagkat ito ang nakikita niya sa kanyang sariling mga anak — hindi magiging kasing galing kay Mercury. At ito ay isang malungkot na halimbawa na hinaharap ng mga Pilipino.

Hindi sa pagmamaliit ng ating sarili kung hindi gusto ko ay makita ninyo ang tunay na mga pangyayari. At ang pelikulang ito ay ang nagbibigay ng opurtunidad na ito. Ang nakakatuwang teksto ay hinahaluhan ng malalalim na aral o realisasyon na maaaring magamit upang magsimula ng ibang pag tingin at pagsisimula.

At ilang mga dagdag pa dito ang magandang cinematography at pagmamalaki pa ng isang wikang binakular ng ating bansa. Ang mga plot twist na hindi mo aakalain ay nagbibigay ng pahabol na thrill o inis o kaya’y tuwa habang pinapanood ito.

Sa pagiging mulat at gustong maaliw, ito ang isang pelikula para sa inyo.

“Mercury is Mine”.

— SANTOS, Mary Sunday

Ang pelikulang “Mercury is Mine” para sakin, ay isa sa mga pelikulang Pilipino na nagbibigay ng pag-asa sa industriya ng pelikula dito sa Pilipinas, na hindi lang paulit-ulit na tungkol sa pag-iibig ng mga kabataan ang ating mga pelikula, na meron rin tayong mga pelikula tungkol sa ating kultura, ugali, at iba pa. Itong pelikula ay isang halimbawa ng pelikula na nagpapakita ng ating kultura, ugali nating mga Pilipino sa isa’t isa at sa mga taong taga ibang bansa o foreigner. Masasabi ko lang na nakakatuwa panoorin tong pelikula na to kasi makikita mo na kahit na sobrang daming problema ang dinadaanan nating mga Pilipino ay nagagawa parin natin idaan sa biro ang ating mga sitwasyon. Na kahit na nilalayo natin ang sarili natin sa lipunan ay kaya parin natin magbigay tulong sa mga taong nangangailangan nito.

Para sa isang indie film lamang na muntikan na hindi matuloy, naipahayag naman ng pelikula ang mga mensahe nito sa iba’t ibang paraan at ang kalidad ng produksyon nito ay maayos at kakaiba. Sa huli madaming naipahayag ang pelikula na to, at sana ipagpatuloy pa ang paggawa ng mga pelikula na konsepto na kasing tulad nito.

— LANGCAUON, John Christopher T.

Wakas.

--

--