IA#8 MIND & BODY

Inner state of mind | Overcoming limits | Human as Flawed

INNER STATE OF MIND

Pag ngiti, karaniwang makikita sa taong mahilig mag pa picture at isa na ako don, pilit nating pinapakita na tayo ay masaya pero sa loob nito maraming istorya at maraming bagay na hindi masabi.

Naka ngiti ako, Masaya ako. Masaya ako habang lumalaban sa pagsubok ng buhay. Naka ngiti ako kasama ang tapang mula sa aking kalooban.

Sa bawat problemang mag daan, daanan lang ag tamabayan. Ngiti lang lilipas din yan.

OVERCOMING LIMITS

Ang larawan na iyan ay kuha noong byernes santo habang prusisyon ng nazareno sa Quiapo. Bilang isang litratista, Hahanap at hahanap tayo ng magagandang angulo hindi lang basta basta pindot lang ng pindot ng kamera.

Maraming limitasyon ang pilit na sinasagupa ng isang litratista lalo na pagdating sa prusisyon ng nazareno, sa pagsagupa ka-akibat nito ang Tapang at pagkadesidido sa ginagawa mo.

at kapag dumating ang araw na nalampasan mo ito at nakakuha ng magandang angulo, makakaramdam tayo ng saya sa ating sarili at sasabihin nating “Kaya ko pala, nakaya kong lagpasan”

HUMAN AS FLAWED

Walang taong perpekto, walang taong hindi nagkakasala pero hindi lahat tayo pare-pareho. May kakaibang taglay ang bawat isa at ang pagiging iba ay siyang nagbibigay pagkakilanlan sa atin.

Ang kalakasan at kahinaan ang nagsisilbing sandata natin upang tayo ay umunlad. Marami man ang manghila sa atin pababa tuluyan tayong babangon sa sarili nating mga paa.

Laban lang.