Ako: Natutuwa ako’t katabi kita.
Ikaw: Ito na ang huling beses na magkakatabi tayo.
A: Sa kabila ng ingay ng mga tao, kaluskos ng mga dahon,
yabag ng mga nagmamadali, at hudyat ng dapit-hapon
ay naririndi ako. Naririndi ako sa saliw at daloy ng mga tinig mo…