BOKSINGERO, BAKLAAN, RELIHIYON AT HALALAN

ang walang katapusang sagupaan…

LGBT, BAKLA, LESBO, MANNY PACQUIAO, HALALAN2016… click agad kasi napapanahon at madami ang nakikiuso…

Walang nagtanong kung ano ang aking saloobin at walang gustong malaman kung ano ang aking pananaw, gusto ko lang isulat… epal lang, parang ilan sa mga kanditato at politiko… opinyon ko lang lahat ito… kung hindi mo magustuhan eh isarado mo na ito at isama mo na ang utak mo!

Malamang sa malamang alam mo na tungkol saan ito dahil ikaw ay isa sa responsable o mapanghusgang lipunan ng social media…

ito yung video clip na nailathala sa Facebook:

(c) Bilang Pilipino: http://on.fb.me/1SDQyj0

Samantalang ito naman ang kabuohan ng nasabing clip:

(c) Even Demata: http://on.fb.me/1oscgJQ

Siguraduhing napanuod at naintindihan ang laman ng bawat video bago magpatuloy…

Kung inyong mapapansin, ibang-iba ang mensahe ng bawat isang video dahil sa pagkaka putol nito. Madami ang nagbigay ng kani-kanilang saloobin base sa unang video (mas maikli)… May nagalit, nanggalaiti at nangutya laban kay Manny ngunit syempre meron ding mga tagapagtanggol. Ngayon inuulit ko, panoorin at unawain muli ang dalawang videos at tingnan kung ano ang akmang reaksyon.

Akin munang puptulin ito dahil gusto ko munang magmasid ulit. Maaring masundan ng ibang post o hindi na.

Bilang huli, tanong ko lang, sino nga ba ang may pagkukulang? nagmalabis? Ito ba ay may kinalaman sa relihiyon o sa halalan?