Umaasa

Heto nanaman ako.

Ulit ulit nalang.

Pero heto nanaman ako.

Umaasa sa mga bagay na di ko alam kung may pag asa.

Umaasa sa nararamdaman ko.

Umaasa na posible kahit hindi naman.

Umaasa na baka naman meron kahit wala naman talaga.

Umaasa, palagi nalang.

Sa kakaasa ko, nasasaktan lang ako.

Hindi ng mga taong inasahan ko.

Kundi ng sarili ko.

Sinasaktan ako ng pag iisip ko.

Sinasaktan ako ng puso ko.

Kasi lahat ng inaasa ko, taliwas sa realidad.

Lahat naman ay hindi totoo.

Pinapaniwala ko lang yung sarili ko na baka totoo.

Pero isa lang ang totoo, lahat ng yon ay di totoo at imposible.

Kaya ayn, naghihintay nanaman ako.

Naghihintay sa wala.

Naghihintay sa pagkakataong di ko alam kung darating pa.

Naghihintay sa posibilidad na mangyare lahat ng inaasam.

Naghihintay sa kasiguraduhang totoo na nga.

Naghihintay sakanya.

Oo sa taong di ko alam kung magiging akin ba.

Naghihintay nanaman ako sakanya.

Kahit di ko alam kung dapat ko nga ba siyang hintayin.

Naghihintay ako sakanya.

Kahit di ko alam kung may balak ba siyang puntahan ako.

Naghihintay ako sakanya.

Kahit mukhang imposible.

Naghihintay ako sakanya.

Kasi umaasa ako na pwede kame.

Naghihintay ako sakanya.

Kahit kaibigan ko pa siya.

Naghihintay ako.

Kahit sobrang tagal niya.

Naghihintay ako.

Kahit di niya pa ako nakikita.

Naghihintay ako sakanya.

Kahit hindi niya naman talaga ako hinahanap.

Kahit na ganito muna kame, kahit magkaibigan lang muna kame.

Hinihintay ko na siya.

Hinihintay ko ng sabihin niya sakin na gusto niya ko.

Hinihintay ko ng iparamdam niya sakin na mahalaga ako.

Hinihintay ko na siyang lumapit sakin.

Hinihintay ko siya.

Hinihintay ko siyang makita ako ng higit pa sa kaibigan.

Hinihintay ko siyang maging akin.

At hahayaan ko lang na mapagod tong puso ko.

Sa kakahintay sakanya para kusa na itong sumuko.

Hahayaan ko nalang ding magsawa ang isip ko.

Sa kakaisip sakanya para kusa na rin itong bumitaw.

Hahayaan ko ang pagod sa paghihintay sakanya ang maging dahilan para ako’y sumuko.

Hahayaan kong magsawa akong maghintay at bitawan siya.

Kasi kung hindi, baka habang buhay akong makulong sa mga bagay na akala ko posible.

Kasi kung hindi, sasaktan ko lang yung sarili ko.

Kaya kung di siya darating, alam kong magsasawa din akong mahalin ka sa kakahintay ko sayo.

Maghihintay ako hanggang sa mapagod ako.

Maghihintay ako hanggang sa magsawa ako.

Maghihintay ako hanggang sa sumuko nako.

Umaasa ako na darating ka.

Umaasa ako na makikita mo ko.

Umaasa ako na pahahalagahan mo ko.

Umaasa ako, kaya maghihintay ako.

Masakit.

Walang kasiguraduhan.

Pero umaasa pa rin ako.

Kaya sana dumating ka na.

Sana makita mo na ko.

Sana tama ang desisyon kong umasa sayo.

Maghihintay ako kahit parang wala naman akong hinihintay.

One clap, two clap, three clap, forty?

By clapping more or less, you can signal to us which stories really stand out.