Honor Thy Father Reflection

Ang Pelikulang Honor thy Father tungkol sa isang pamilya na iba’t ibang trahedya ang nangyari. Pinapakita din dito ang pagmamahal ng isang Ama na si Egay sa kanyang pamilya na handa siyang gawin ang lahat upang maitaguyod at maprotektahan ang kanyang pamilya. Ipinapakita rin ang iba’t ibang problema sa pelikula mapa problema sa relihiyon,pera o maging Problema sa tao/sarili. Ipinapakita na ang problema ay nagsimula nang namatay ang kanyang biyenan dahil sa systemang pyramiding na negosyo na Hindi nila malaman kung saan itinago o idinala ng kanyang biyenan kaya ang mga taong nag invest ay nagalit dahil sa tingin nila ay ninakaw ang kanilang perang ibinigay kay Kaye (asawa ni egay). Ipinapakita din sa pelikula ang Napakalaking impluwensya ng relihiyon sa ating mga tao kagaya saatin mapa ano mang relihiyon mo mayroon itong epekto sa ating mga gawi at pag-iisip. At Ang problemang umakit saakin ng pansin sa pelikula ay ang pagkapit sa patalim ng bida na si egay. Dahil sa takot na mawala ang kanyang pamilya dahil nagbabanta ang isang mag asawa na kapag hindi nabayaran ang utang na anim na milyon sa sa ibinigay na deadline ay papatayin Ang kanyang pamilya. Sa takot na mangyari ito ay kumapit siya sa patalim at gumawa ng mga bagay na ikabubuwis niya ng buhay. Kagaya na lamang ng pagnanakaw niya sa isang bangko ngunit wala siyang napala. Isa pa sa ginawa niyang pagnanakaw ay ang pagnakaw niya sa isang simbahan ng church of yeshua. Sa panahon ngayon kapag tayo ay nagiging desperado tayo ay gumagawa na minsan ng mga bagay na nakaka apekto na ng masama sa ating kapwa kagaya nablamang ng aking naranasan sa isang pila sa isang limited edition na isang gadget may isang tao na sumingit sa pila Hindi niya inisip Ang mararamdaman ng taong siningitan niya basta lamang makabili siya. Ito ay isa lamang sa mga nangyayari na nagpapakita ng ugali na pagiging desperado sa buhay. Isinisimbolo ko si Egay bilang isang baril dahil sa oras na may humila ng gatilyo ay papatayin niya kung saan siya nakaturo kagaya ng pag tulak sakanya ng pagnanakaw Ang problema na pagbabanta ng mag asawa sa kanyang pamilya ay nag silbing gatilyo para gumawa siya ng masama.