top philippine model city

By Hezron Pios

walang patayan dito. patay-
patayan, meron. patay na 
patay, meron din. mukhang 
patay, medyo mahihirapan
tayo diyan. sabi nila, livable
urban center daw tayo. pero
nung dumaan ang dyip sa san
sebastian-araneta, siksikan
‘yung mga miron. gigil na gigil
sa eksena. sa isip ko, anong 
meron? ‘tas lumitaw ang tape. 
dilaw. police line do not cross. 
‘yung aleng katabi ko bumaba
insigida para umusisa. parang
ibong sabik na sabik makatuka
ng uod. kaya ang pananalig ko’y 
‘di na sigurado. ating seguridad
ay ‘di na sigurado. paano ko pa
masasabing ansarap ng buhay
kung buhay na buhay din lang
naman ang pagpatay?

From Scribe — The Spectrum