
Juan dela Cruz (2013)
Buod:
Ang Juan dela Cruz ay isang teleserye na pinagbibidahan ni Coco Martin, isang kalahating-tao at kalahating-aswang na sinanay upang maging susunod na Tagabantay at nagsisilbi bilang isang bayani upang protektahan ang mga tao mula sa mga aswang. Si Juan dela Cruz ay isang batang ulila na pinalaki ng isang pari na si Father Cito. Hindi nya alam na sya ang hihiranging tagabantay ng bakal na krus at isa din syang alagad ng dilim. Naging mahirap para sa kanya ang pagpuksa sa mga aswang lalo na’t kalahi nya ito at naging mahirap din para sa kanya na protektahan ang mga tao at mga mahal nya sa buhay. Kung kaya’t kinailangan nya ang tulong ng mga taong malalapit sa kanya na si Asiong, ang kanyang nobya na si Rosario at ang Kapatiran. Nakatulong ang mga ito sa pagpuksa sa mga aswang at sa pagpapalaganap ng kapayapaan sa lugar nila.
Mahahalagang tauhan:
- Coco Martin bilang Juan dela Cruz (Taga-bantay ay prinsipe ng mga aswang)
- Erich Gonzales bilang Rosario Galang (Nobya ni Juan dela Cruz)
- Albert Martinez bilang Samuel Alejandro (Ama ni Juan dela Cruz na hari ng mga aswang)
Kaugnay na Isyung Panlipunan:
Masasalamin sa teleseryeng ito ang isyu patungkol sa kapayapaan at pananampalataya. Alam naman natin na hindi na ligtas sa panahon ngayon, hindi lang tungkol sa mga aswang ang teleseryeng ito. Nirerepresenta ng aswang ang mga masasamang tao na silang dahilan ng kaguluhan na nangyayari ngayon. At si Juan dela Cruz naman ang nagrerepresenta ng isang simpleng mamamayan na handang tumulong sa mga nangangailangan sa lahat ng oras.
Mensahe:
Ang mensahe ng teleseryeng ito para sakin ay isang katanungan, "Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para sa lahat?" Madaling sabihin kung hanggang saan pero mahirap patunayan. Minsan lang tayo mabuhay kaya gumawa nalang tayo ng mabuti sa kapwa natin para magkaroon naman ng saysay ang teleserye ng buhay natin.