Paano i-automate ang pagbibigay ng M365 accounts sa mga learners (3 easy steps)

Kristian Catahan
3 min readSep 23, 2021

Ang tutorial na ito ay tulong sa mga school heads at school ICT coordinators na humahawak at nagbibigay ng mga M365 accounts sa kanilang mga learners. Sundin ang instructions sa ibaba:

STEP 1: Pumunta sa https://aka.ms/DepEdM365AccountListTemplate para makuha ang template na gagamitin. Dito natin ilalagay ang mga student details.

Tandaan: Huwag diretsong mag-edit sa browser. Mag-download ng copy ng template na ito at doon mag-edit (see below)

https://aka.ms/DepEdM365AccountListTemplate
I-click ang File > Save As > Download a Copy para may sarili kayong copy ng template

STEP 2: Kapag na-download na natin ang template, pwede na natin i-edit ito. Ilagay ang mga detalye ng bawat learner na bibigyan ng account (see below).

School ID = ID ng buong paaralan na nakarehistro sa DepEd
Email = M365 account na matatanggap ng mga learners
Password = Temporary password na kasama ng M365 account
First Name = Pangalan
Last Name = Pangalan
Learner Reference Number (LRN) = ID ng bawat learner sa paaralan
Grade = Kasalukuyang grade level ng learner
Personal Email = Email kung saan automatic na ipadadala ang M365 account ng learner
Mobile = Phone number na naka-rehistro
JoinCode (Optional) = Maaring gumawa ng MS Team para sa inyong paaralan na magsisilbing online community ng lahat ng mga learners at teachers. Kapag nakagawa kayo ng Team, maaari natin isulat ang join code.

Tandaan: Iwasan ang mga ganitong pagkakamali sa paglalagay ng mga detalye sa inyong spreadsheet:

Iwasan ang mga ganitong pagkakamali

Tandaan: Mahalaga ang paglagay ng personal email at mobile dahil dito automatically ipadadala ang mga M365 accounts ng mga learners. Hindi gagana ang automation tool kung walang parehong personal email at mobile na nakasulat sa spreadsheet.

STEP 3: I-upload ang natapos na sheet sa online submission form na ito (see below). Makukuha natin ang submission form sa https://aka.ms/DepEdM365AccountListSubmission

Piliin ang regional tenant na kinabibilangan.

I-click ang upload file at i-attach ang spreadsheet.

Ilagay ang pangalan ng paaralan niyo.

Tandaan: Gamitin lamang ang school account (deped.gov.ph) sa pag-upload ng spreadsheet.

At sa wakas! Maipadadala agad sa inyong mga learners ang kanilang mga M365 accounts. Maaari tayong magsubmit ulit at ng maraming beses sa form na ito (kung sakaling may iba pang accounts na kailangan ibigay sa ibang learners). Kung sa email ipinadala, ito ang kanilang makikita (see below).

At ito ang instructions kung paano i-automate ang pagbigay ng M365 accounts sa mga learners. Salamat!

— Kristian Catahan

--

--