DAY 1: Your Bestfriend

Dear Che,

Naalala mo pa ba yung nagpaulan ka noon at hinila kita pabalik sa silong sa school? At pinagalitan kita kase masyado kang emotera pero kinalaunan pinunasan ko na yung buhok mo? Gusto ko lang ipaalala kase hanggang ngayon kahit ilang beses ka pang magpaulan, nandito lang ako lagi para sayo. Handang dumamay sa lahat ng ulan na sasaluhin mo.

Naalala mo yung tinuruan kita magbike? Tapos bumagsak ka? Tinakbo agad kita at inalalayan kase grabe alala ko nung bumagsak ka. Nagkasugat ka lang sa tuhod non. Nagsorry ako kase napilit kita pero sinubukan mo pa rin kahit alam mo yung consequences. Kahit ilang beses ka man madapa o bumagsak nasa likod mo ko lagi para sundan at tulungan ka.

Naalala mo yung time na debut mo tapos kaka-opera lang ni Papa tapos pumunta pa rin ako sa debut mo kahit di mo na ko pinapunta kase dahil nga sa kakaopera lang ni Papa pero dahil mahalaga din sakin birthday mo,pumunta pa rin ako. Ayaw ko kasing mawala sa mahalagang araw sa buhay mo.

Naalala mo pa yung time na umiiyak ka kase nasasaktan ka sa nangyayari sa inyo ng iba mong friends? Wala akong ginawa kundi pakinggan ka sa lahat ng sakit na nararamdaman mo. Kung pwede lang kunin ko lahat ng sakit na nararamdaman mo yung time na yon. Kung pwede ko lang sila sabihan ng sana mangyari rin sa kanila yung ginawa nila sayo. Kaso ayaw ko pinagpray ko na lang sila. Di ka nila deserved. Di sila worth it sa friendship na kaya mo pa sanang ibigay para sa kanila.

Gusto ko lang paramdam sayo na I’m always here for you no matter what kahit ilang seven years pa lumipas. Walang magbabago. Mas magigng love pa kita sa susunod pang years. Hind ako mawawala, promise. Mawala man ang ilan sa iba mong friends, nandito lang ako lagi hannggang kahit sa pagputi ng buhok natin. Hindi kita pababayaan kasi love na love kita. ♥

Like what you read? Give Rachelle a round of applause.

From a quick cheer to a standing ovation, clap to show how much you enjoyed this story.