Minamahal kong Nanay, Tatay, Tito, Tita, Lolo, Lola (Canadian Version — Tagalog Translation)

Letters4BlackLives-Canada
9 min readJul 19, 2016

--

Ito ang bersyong Tagalog ng Letters for Black Lives, isang proyekto para sa mga taga U.S. at Canada para sa paglikha at pagsalin ng mga materyales tungkol sa anti-Blackness para sa mga kommunidad na nagkakaisa sa #BlackLivesMatter at mga kilusan para sa tunay na kalayaan ng mga itim o Black people. Ang mga letra ay isinulat at isinalin ng daan daang tao na gustong magkaroon ng makatotohanan at magalang na usapan kasama ang kanilang pamilya at komunidad tungkol sa sa isang isyu na malapit at mahalaga sa kanila.

Minamahal kong Nanay, Tatay, Tito, Tita, Lolo, Lola:

Mayroon po akong gustong sabihin sa inyo. Marahil ay hindi ninyo nakasama ang mga itim nung lumalaki kayo. Pero para sa akin, mahalagang bahagi sila ng buhay ko: ilan po sa kanila ay aking mga kalaro, kaibigan, kabarkada, kaklase, katrabaho at kapamilya. Ngayon, ako’y lubos na nag-aalala sa kanilang kalagayan.

Kamakailan lang sa U.S., pinatay ng mga pulis ang isang itim na lalaki, si Alton Sterling, habang siya ay nagbebenta ng mga CD sa labas ng isang tindahan. Kinabukasan, pinatay ng pulis ang isa pang itim na lalaki, si Philando Castile, pagkatapos siyang pinatigil para punahin ang kanyang sirang tail light. Kasama niya sa kotse ang kanyang nobya at ang anak niya na apat na taong gulang lamang.

Sa 2016, mahigit na 500 tao na ang pinaslang ng mga Amerikanong pulisya. Bente-singko porsyento (25%) sa kanila ay itim, kahit na ang mga itim ay bumubuo lamang ng labing-tatlong porsyento (13%) ng pangkalahatang populasyon sa Amerika. Dito sa Canada, ang mga itim ay hinuhusgaan na masama, pinupunterya at minamaltrato ng ating kapulisan, at ang kanilang bilang sa bilangguan ay labis. Kamakailan lamang, sina Andrew Loku, Jermaine Carby, Abdi Hirsi, Jean-Pierre Bony, at marami pang ibang itim, ay binawian ng buhay ng mga alagad ng batas ng Canada. Tandaan din natin sila Jeffrey Reodica, Christian Derro, Charles Dalde, Mao Jomar Lanot, Deeward Ponte at iba pang kabataang Pilipino sa Canada na pinatay o maling hinusgahan ng mga pulis. Kadalasan, hindi napaparusahan ang mga pulis sa pagpatay nila ng mga taong ito.

Ito po ang nakakilakilabot na katotohanang hinaharap bawat-araw ng karamihan sa aking mga kaibigang itim.

Kahit naririnig natin ang mga panganib na hinaharap ng mga itim, ang ating kaisipan at pakiramdam ay inuudiyok tayong mag-pokus sa mga iba’t-ibang paraan kung paano tayo iba sa kanila, at huwag bigyan pansin ang katotohanan, sa halip na makidalamhati sa kanilang kalagayan. Tuwing may nababaril na itim ang mga pulis, madaling isipin na ito ay kasalanan ng biktima, dahil marami tayong naririnig na negatibong kabulaanan tungkol sa kanila sa balita, telebisyon, at mismo sa ating sariling hapagkainan.

Gusto ko pong ipamahagi sa inyo paano ko nakikita ang sitwasyon. Tingin ko po baka magkatulad ang ating pananaw.

Tayo ay dumadanas ng diskriminasyon dito sa Canada dahil sa ating pagiging Asyano at Pilipino. Minsan tayo ay hinuhusgahan dahil sa ating pananalita, dinadamutan ng mga opportunidad dahil sa paningin na hindi natin kaya mamuno. Madami sa ating nakakatanda ay hindi pinagpalad na makapagtrabaho sa kanilang piniling at pinagaralang propesyon dahil ang kanilang edukasyon sa Pilipinas ay hindi kinikilala bilang sapat. Ilan sa atin ay nababaon sa hirap. Ilan sa atin ay trinatratong parang kriminal at pinamumukha na ‘di tayo karapatdapat manirahan dito sa Canada, lalo na ang mga walang papeles o permit at ang mga naghihintay ng kanilang Permanent Residency.

Pero sa kadalasan, hindi binabaril ng mga pulis ang mga anak o magulang natin dahil sa ating lahi, ‘di gaya ng kung paano nila tratuhin ang mga itim at mga Indigenous o mga katutubo ng Canada. Bukod pa sa roon, madalas tayong tinatratong mas mabuti ng mga employer, mga nagpapaupa ng tirahan at mga institusyon kumpara sa pagtrato nila sa mga itim o katutubo.

Ilan ang mga dahilan kung bakit iba ang mga karanasan ng ang ating mga kaibigan na itim. Sa bakasakaling alam niyo na po, sinakop ng mga taga Europa itong kontinenteng ating kasalukuyang tinitirahan, ninakaw ang mga lupain at likas na kayamanan ng mga katutubo at puwersahang kinuha ang mga itim sa Afrika bilang kanilang alipin. Daan-daang taon, ang kanilang mga angkan, pamayanan, pamilya at kahit ang mismo nilang katawan ay sapilitang ginamit at inabuso para sa pansariling pakinabang. Kahit pagkatapos ng slavery, patuloy silang nakakaranas ng diskriminasyon. Noon at ngayon, patuloy na ipinaglalaban ng mga itim ang kanilang mga karapatan sa pagboto, pagbili ng bahay at ari-arian. Noon at ngayon, patuloy silang namumuhay sa gitna ng karahasan.

Sa paglaban ng kanilang mga karapatan, ang mga aktibistang itim ay naglunsad ng kilusan para maisulong ang pagkakapantay-pantay, hindi lamang para sa kanila kundi para din sa atin. Bilang mga Pilipino at may kulay dito sa Canada, kailangan po nating maunawaan na ang mga karapatan na kanilang mga ipinaglaban ay atin ding tinatamasa ngayon. Lubos po nating pasalamatan at kilalanin ang kanilang mga pagpapakasakit at pakikibaka para makamit ang mga pangkalahatang karapatang pantao.

Pare parehas po tayo na lumalaban sa ‘di makatarungan na sistema na naghihikayat na tayo ay makipag-kompetensya at makipaglaban sa isa’t isa. Marami pong itim ay pumunta sa Canada bilang imigrante o refugees, na humahanap ng mas maganda at ligtas na pamumuhay para sa kanila at kanilang pamilya, tulad po ng nakakarami sa atin. Ang ating pasakit at paglaban, kahit man hindi magkaparehas, ay magkaugnay.

Sa lahat po ng mga dahilan na ito, sinusuportahan ko po ang Black Lives Matter at iba pang mga kilusan para sa tunay na kalayaan ng mga itim. Parte po nito ay ang paggamit ng aking boses kapag ako’y nakakakita sa ang aking komunidad — o sa aking sariling pamilya — na nagsasabi o gumagawa ng mga bagay na nagmamaliit sa katauhan ng mga itim. Taos-puso kong sinasabi ang mga ito upang ipa-unawa sa inyo ang kanilang tunay na kalagayan.

Sana po ay makiisa tayong lahat na makiramay sa galit at hapis ng mga magulang, kapatid, asawa, at mga anak na nawalan ng mahal sa buhay dahil sa karahasan ng pulisya. Sana rin po makisama kayo sa aking hinagpis at pagdamay at susuportahan ninyo ako kung pagmagpasiya akong ipahayag ang aking pagtutol sa karahasan ng pulisya sa pamamagitan ng aking boses o sa pamamagitan ng pagprotesta. Hinihiling ko po na ipakita ninyo itong sulat sa inyong mga kaibigan at himukin silang makisimpatya at gamitin ang kanilang boses para ipahayag ang kanilang pagtutol sa kalupitan ng pulisya. Alam ko po na nakakatakot na magpakita ng pagtutol sa mga alagad ng batas. Gayon pa man, hindi po pwede tayong manatiling tahimik at walang bahid na konsensya habang ang mga buhay ng ating kapwa tao ay nanganganib bawat araw, lalo na sa kamay ng isang sistemang may tungkulin na protektahin tayong lahat

Sapagkat ako po ay inyong anak, ipinagmamalaki ko kayo at habang-buhay akong magpapasalamat sa inyong mahaba at napakahirap na paglalakbay para makarating dito, at na kayo ay nagbigay ng inyong pawis at dugo sa isang bansa na maaring hindi naging mabuti sa inyo. Alam ko hindi ninyo ninais na pagdaanan ko ang paghihirap na dinanas ninyo. Sa halip, kayo po ay nagtiis at nagsikap dito sa Canada, sa kabila ng prehudisyo at diskriminasyon, para mabigyan ako ng mas mabuting buhay at kinabukasan. Sama-sama tayo dito, at hindi tayo pwede mapanata na tayo ay ligtas hanggat LAHAT ng ating kaibigan, mahal sa buhay, at kapit-bahay ay ligtas rin. Ninanais namin na ang Canada ay maging paraiso para sa lahat, kung saan bawat tao ay maaring manatili dito, malaya sa pangamba ng karahasan ng pulisya at lahat ng uri ng diskriminasyon, katulad ng diskriminasyon sa lahi. Ito ay ang kinabukasan na ninanais ko — sana ay ito rin po ang ninanais ninyo.

Pag-ibig at pag-asa,

Ang inyong mga anak

This is the Tagalog version of the open ​letters​ created by Letters for Black Lives, an ongoing project for people in ​the US and Canada​ to create and translate resources on anti-Blackness for their communities in solidarity with #BlackLivesMatter ​and other movements for Black liberation​. The letters were written and translated collaboratively by hundreds of people who want to have honest and respectful conversations with their ​families and communities​ about an issue important to them.

Dear Mom, Dad, Uncle, Auntie, Grandfather, Grandmother:

There’s something I’ve wanted to talk with you about. Black people are a part of my life in important ways: they’re my friends, my classmates, my partners, and my family. Today, I’m scared for them.

Last week in the United States, police killed a Black man named Alton Sterling while he was selling CDs in front of a store. The next day, police killed another Black man, Philando Castile, after pulling him over for a broken tail light while his girlfriend and four-year-old daughter were in the car.

This year, of the more than 500 people already killed by U.S. police, 25% were Black, even though Black people make up 13% of the population. In Canada, Black people are also negatively stereotyped, targeted and treated violently by the police, and are overrepresented in prisons. Canadian police have recently claimed the lives of Andrew Loku, Jermaine Carby, Abdi Hirsi, Jean-Pierre Bony, and many other Black people. Also, let us not forget Jeffrey Reodica, Christian Derro, Charles Dalde, Mao Jomar Lanot, Deeward Ponte and the Filipino Canadian youth who were slain or mistreated by the police. Overwhelmingly, police do not face any consequences for ending these lives.

This is a terrifying reality that many of my Black friends live with every day.

Even as we hear about the dangers that Black people face, our instinct is sometimes to point at the ways we’re different from them, and to shield ourselves from their reality instead of empathizing. When a police officer shoots a Black person, it’s easy to think it’s the victim’s fault, because we hear so many negative stereotypes about them in the media, and at our own dinner tables.

I want to share with you how I’ve come to see things. I think you might see things similarly.

We face discrimination for being Asian in this country. Sometimes people judge us negatively because of our different accents, or deny us opportunities because they don’t think of us as “leadership material.” Many of our elders have not been able to practice their chosen professions because their education from home was seen as inadequate. Some of us struggle with poverty. Some of us are told we’re terrorists, and made to feel unwelcome, especially those without status or open permit, and those waiting for Permanent Residency status.

But the police don’t regularly gun down our children and parents for simply existing to the same extent that they do with Black and Indigenous peoples. Employers, landlords and institutions also often treat us better than Black and Indigenous peoples.

There are reasons why our Black friends experience things differently. As you may already know, Europeans colonized this continent, stole land and resources from Indigenous peoples, and forcibly brought Black people from Africa as slaves. For centuries, their descendants, communities, families, and bodies were ripped apart for profit. Even after slavery, they continued to be treated as less than human and were given very little support to rebuild their lives. Black people had to fight for the right to vote or own homes, and faced constant threats of violence, which continue to this day.

In fighting for their own rights, Black activists have led the movement for equality not just for themselves, but for us as well. They’ve been beaten, jailed, and even killed, fighting for many of the rights that Asians in Canada enjoy today. We owe them so much in return. We are all fighting against the same unfair system that prefers we compete against each other. Many Black people come to Canada as immigrants or refugees, looking for a better life and safety for themselves and their families, just like many of you have. Our struggles, while not all the same, are interconnected.

For all of these reasons, I support Black Lives Matter and other movements for Black liberation. Part of that means speaking up when I see people in my community — or my own family — say or do things that diminish the humanity of Black people. I am telling you out of love, because I don’t want this issue to divide us.

I hope you join me in empathizing with the anger and grief of the parents, siblings, partners and children who have lost their loved ones to police violence. I hope you empathize with my anger and grief, and support me if I choose to be vocal or protest. I ask that you share this letter with your friends, and encourage them to be empathetic and vocal too. I know that it can feel scary to speak up. However, we cannot in good conscience stay silent while fellow human beings’ lives are endangered every day, especially by the very system that supposedly protects us.

As your child, I am proud and eternally grateful for your long, hard journey here, and that you’ve worked hard and lived in a place that hasn’t always been kind to you. You’ve never wished your struggles upon me. Instead, you’ve suffered through a prejudiced Canada to give me a better life than the one you had. We’re all in this together, and we cannot feel safe until ALL of our friends, loved ones, and neighbours are safe. We seek a place where everyone in Canada can live without fear of police violence, racism, and discrimination. This is the future that I want — I hope you do too.

With love and hope,

Your children

--

--