Levana Disyembre 2021

Levana Tagalog
16 min readJan 26, 2022

--

Sa papalapit na bagong taon, ang grupo ng Levana ay labis na nagsusumikap upang bigyang-buhay ang ating pananaw. Narito ang isang mabilis na recap at roadmap ng kung ano ang ginagawa namin. Para sa karagdagang detalye, tingnan ang aming pangalawang Town Hall, at basahin ang Levana Litepaper dito.

Ano ang Levana: TLDR

Ang Levana ay isang protokol para sa pagbuo ng pakikinabangan sa anumang ari-arian. Ito rin ang acronym: Leverage Any Asset. Kami ay isang teknolohiya na ang layunin ay bumuo ng mga pamamaraan upang maipakita ang pagkakalantad sa presyo sa pamamagitan ng leverage sa Terra blockchain. Malawak ang praktikal na aplikasyon para dito. Magagamit ito para palakasin ang isang leverage exchange ng Perpetual Swaps, at magagamit din ito upang makagawa ng pagsasaka at mga gantimpala para sa mga produkto sa industriya ng Play 2 Earn Gaming.

Gaya ng makikita sa lahat ng aming ginagawa, ang grupo sa Levana ay masigasig tungkol sa pakikipagsapalaran at pananaliksik. Ang isang halimbawa ay sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa pabagu-bagong merkado at pinalawig na mga merkado gamit ang mga kasangkapan tulad ng leverage. Idagdag pa rito ang paglikha ng isang evolutionary NFT game na patuloy na sumusulong at gumugulat sa marami. Ang isang karagdagang halimbawa ay ang aming paglikha ng isang epikong kuwento, ang kaligtasan at terraforming ng ating kapatid na planetang Mars. Lahat ng ginagawa namin ay nakatuon sa paghahatid ng ibayong pakikipagsapalaran at kasiyahan sa mga tumtangkilik sa amin.

Sa aspetong teknikal, ang Levana ay isang Delphi incubated protocol na pinamumunuan ng isang pangkat ng mga beterano ng crypto na nauunawaan na ang leverage trading ay nagbibigay ng malaking pagkakataon para sa crypto space. Ang mga inaalok ng Levana na mga token ng leverage at perpetual shares ay nakaposisyon upang makuha ang malaking bahagi ng merkado. Ang Levana ay idinisenyo din bilang isang ganap na pinamamahalaan na DAO. Ang merkado para sa mga derivatives ay sadyang napakataas — ang spot market ay 80–90 trilyong dolyar, at ang derivatives market ay 40–200x ang laki. Binibigyang-daan ng Levana ang mga gumagamit nito na hindi na lamang basta tumingin sa merkado batay sa kanilang kasalukuyang katayuan sa pananalapi. Ang natatanging limitasyon sa iyong pananagumpay sa trading market ay ang iyong antas ng kumpiyansa at tiwala sa sarili.

Ang pangunahing produkto ng Levana DeFi ay isang leveraged synthetic asset trading platform para sa walang hanggang palitan. Iyan ay isang mahabang paraan upang sabihin na binubuo namin ang pinaka-advanced na desentralisadong palitan sa Terra Ecosystem. Sa likod ng Levana ay isang may karanasan at mapagkakatiwalaang grupo ng mga eksperto, matatag na mamumuhunan, at isang komunidad ng mga nasasabik na tagasuporta.

Ang grupo ng Levana ay binubuo ng mga taong mahilig sa sci-fi, pantasya, at kahalintulad na mga pakikipagsapalaran. Nakita namin ang mga katulad na protocol na nahihirapan sa pagba-brand sa pagsisikap na ihiwalay ang kanilang mga sarili habang ginagawa ang palitan. Samakatuwid, napagpasyahan naming i-trailblaze ang Terra NFT space bilang suporta sa aming pananaw na gawin ang aming proyekto sa NFT.

Nagtatag kami ng buong mundo ng backstory at lore tungkol sa mga dragon (leverage), dragon riders (leverage traders), at bumubuo kami ng isang malakas na komunidad ng mga dragon keepers na nagbibigay-daan sa plataporma. Inilunsad noong nakaraang buwan ang proyekto ng Levana Dragons NFT kasama ang aming mga natatanging evolutionary NFT sa isang 44 na oras na paglulunsad ng Meteor Shower. Sa pagtatapos nito, nakatanggap kami ng humigit-kumulang $4M at nakagawa kami ng higit sa 41,000 NFT ng +6.3K na miyembro ng komunidad.

Ito ang pinakamalaking paggawa ng salapi o mint sa kasaysayan ng Terra, na may pinakamalaking bilang ng mga natatanging pitaka. Ang mga nalikom na pondo ay ginagamit upang lumikha ng isang trading pool para sa unang produkto ng DeFi na dadalhin namin sa merkado, ang Levana Leveraged Index token (LLI’s), ang una ay ang Luna2X.

Mula nang ilunsad ang NFT, ang aming mga NFT ay patuloy na isa sa pinakamalaking proyekto ng NFT sa Terra. Mayroon itong pinakamalaking bilang ng mga pitaka at laging nasa pinakamataas na dami ng pang-araw-araw na kalakalan sa bawat linggong lumilipas.

NFTs

Pag-ulan ng Meteor

Ang layunin ng meteor shower ay lumikha ng isang matatag na komunidad na nasisiyahan sa pakikilahok sa mga kapana-panabik na gamified na karanasan, habang sa parehong oras ay gumagawa ng paunang pool ng Luna na gagamitin para sa pagbuo ng LUNA2x.

Nakakatuwang Katotohanan: Ang metodolohiya ng meteor shower ay isinulat noon pang 2019 bilang isang papel ng pananaliksik para sa pamamahagi ng mga collateralized na NFT para sa collaborative gaming. Mahigit dalawang taon itong nanatiling isang maalikabok na dokumento na may mga komento mula sa maraming mga ekonomista at mananaliksik sa crypto na naghihintay hanggang sa mahanap nito ang tamang proyekto para maipatupad.

Bago ang shower, naglabas kami ng isang malalim na artikulo, Paano Makilahok sa Levana NFT Meteor Shower. Ang kaganapan ay nagresulta sa paglikha ng higit sa 41,000 NFT, kung saan 8,888 ang may hawak na mga itlog ng dragon sa iba’t ibang baitang at humigit-kumulang 32,000 ang may hawak na meteor dust. Sa kabuuan, mahigit 6,300 katao ang lumahok, kabilang ang 20 manlalaro na nagbi-bid sa bawat isang oras ng 44 na oras na shower. Ang mga pondong naibigay ay may kabuuang 3.98M UST, kabilang ang $110,262 mula sa Levana team para sa mga meteor na pinaplano naming gamitin para ipamigay at iba pang mga kaganapan sa kalakalan.

Walang konsepto ng isang ‘panalo’ at ‘talo’ sa paglalakbay na ito. Mayroong iba’t ibang mga landas sa isang symbiotic na laro na nangangailangan ng pagsasanib, integrasyon, komunikasyon, at pagbuo ng pangkat sa mga kalahok na may iba’t ibang pag-aari sa loob ng ekosistema.

Meteor Cracking

Pormal na binuksan ang Meteor Cracking noong Nob. 30, 2021. Ang pagbasag sa mga meteor ay upang malaman kung ito ba ay isang itlog ng dragon o meteor dust, na parehong may mahlagang papel na ginagampanan sa laro. Tinitiyak ng mekanika ng laro na ang lahat ng alikabok ay mauubos sa pamamagitan ng iba’t ibang mekanismo at paggawa, upang makalikha ng 8,888 na kumpleto sa gamit na dragon riders.

​​Sa pagtatapos ng larong ito, ang layunin ay walang mga bulalakaw, alikabok, o hindi pa napipisang mga itlog ng dragon na matitira. Sa halip, magkakaroon ng 8,888 na kumpleto sa gamit na mga dragon riders na mananatili sa iba’t ibang paksyon (mga koponan) at patuloy na maglalaro at makikipagkumpitensya sa ibat-ibang karanasang nakabase sa Levana.

Crafting

Ang mga laro ng Levana Dragons ay idinisenyo upang gamitin ang crafting. Sa pamamagitan ng alchemy, makakagamit ang isang manlalaro ng meteor dust upang lumikha ng maraming iba’t ibang uri ng mga bagay.

Sa kabilang dako, ang mga bagay na ito ay magagamit sa iba’t ibang paksyon: Mga Tagapangalaga, Malayang mga Martian, Mga Miyembro ng Konseho, at mga Terran. Depende sa nalikom na mga alikabok, makikita ng mga manlalaro kung ano ang kaya nilang gawin, at kung ano ang kakailanganin nila upang makipagtulungan sa iba pang miyembro ng komunidad upang makipagkalakalan at mangolekta, upang makuha ang alikabok na kailangan ng kanilang avatar at paksyon.

Ang alikabok ay hindi idinisenyo upang maging isang salat na yaman. Nangangahulugan ito na ang mga pag-ulit ng software sa hinaharap ng Levana Team o iba pang mga koponan ay magbibigay-daan para sa pag-minting o pagsasaka ng mas maraming alikabok. Ang mekanismong ito ay magbibigay daan para sa paglikha ng higit pang mga bagay na maaaring gawin.

Avatar

Ang karakter ng isang manlalaro ay isang pigurang maaaring magamit sa maraming pamamaraan ayon sa nais nilang papel sa laro. Ang isang manlalaro ay maaaring magkaroon ng higit sa isang avatar, higit sa isang dragon, at maaaring nasa higit sa isang pangkat.

Nakikipagtulungan kami kay Joseph the Penguin, isang mahuhusay na miyembro ng grupong Delphi para sa mga avatar . Ginawa ni Joseph and konsepto para sa mga avatar kaugnay sa kung ano ang pampublikong pagkakakilanlan ng iyong wallet. Ito ay maaaring langkapan ng iba’t ibang mga bagay na naaayon sa iyong kapaligiran. Ito ay maaaring isang proto-asset sa isang metaverse, na magbibigay-daan para sa iba’t ibang mga protocol na lumahok. Ang aming mga kapatid na protocol, ang Mars at Astroport, ay tumitingin din nang mabuti sa pamantayan ng avatar. Ito ay upang matukoy kung paano magagawa ang isang interaktibo at mayamang karanasan sa on-chain gamit din ang kanilang intelektwal na ari-arian.

Hatching

Ang bawat Bote ng Alikabok at Itlog ng Dragon ay may sariling antas ng kaibahan at meta na lumilikha ng mga kinakailangan upang mapisa ang mga itlog ng dragon. Ang alikabok ay naglalaman din ng iba’t ibang komposisyon, pagbubuhos, at hiyas. Mayroong maraming mga ari-arian sa bawat bote ng alikabok at para sa bawat itlog. Ang paraan ng pagkapisa ang Itlog ng Dragon at ang mga katangiang makikita sa loob mismo ng itlog ay makakaapekto sa huling dragon na nilikha sa loob. Kasama rin dito ang mga espesyal na kasanayan at kasaysayan nito, at ang hitsura at pakiramdam ng dragon na lumalabas mula sa loob.

Mangyayari ang pagpisa sa tatlong yugto. Ang bawat isa ay mangangailangan ng manlalaro na maghalo ng alikabok at itlog:

  • Pugad
  • Pagpapasadya
  • Pagpisa

Ilalabas ang higit pang mga detalye sa paksa ito sa isa pang post sa blog.

Mga Paghahanap

  • Ang iba’t ibang bagay na ginawa mula sa alikabok ay tutukuyin ang kakayahan ng manlalaro na maging miyembro ng ilang mga paksyon. Ang mga manlalaro ay magpapatuloy sa kanilang mga pakikipagsapalaran kasama ang kanilang kanya-kanyang grupo na sa una ay isang sanggol na dragon. Ang mga pakikipagsapalaran na ito ay magbibigay-daan sa sanggol na dragon para maging ganap na ang laki. Ang dragon at avatar ay magkakaroon ng magkakaibang mga puwang na pupunan para sa pagpapasadya at pagiging natatangi. May mga antas ng espiritu ang meteor dust mula sa mga meteor shower, at mamanahin ng isang player ang mga antas ng espiritu ng alikabok kapag inilapat. Ang mga antas ng espiritu ay dinadala sa paggawa, kaya naman ang iyong karakter o dragon ay magkakaroon ng pangkalahatang antas ng espiritu, na magiging kabuuan ng lahat ng bahagi nito.
  • Sa domain ng Meteors.Levana.Finance, naikalat namin ang Cave, Cracking Station, at mga preview ng Crafting at Avatar Stations. Ito ay iba’t ibang paraan para gumawa ng mga ari-arian, na gagamitin kalaunan sa mga aktibidad na multi-project metaverse.
  • Bilang tugon sa mga tanong tungkol sa pagkakaroon ng pinagsama-samang marketplace, wala pa kaming mailalabas na handang impormasyong patungkol sa isang marketplace sa loob ng UI para sa pangangalakal. Gayon pa man, nakatanggap kami ng mga tawag mula sa isa sa mga sikat na Terra NFT marketplace. Ang ideya ay paliitin ang 4th wall hangga’t maaari at lumikha ng nakaka-engganyong karanasan na nagbibigay-daan sa mga manlalaro na magawa ang lahat ng kailangan sa loob ng isang quest o misyon nang hindi kinakailangang umalis sa anumang kapaligiran. Marami pa ang mabubunyag habang patuloy tayo sa pagbuo ng ating laro.

Dragon Riders

Bagama’t limitado ang bilang ng mga dragon, magagawa ng lahat ng manlalaro na makipag-ugnayan sa aming lumalaking hanay ng mga karanasan. Nangangahulugan ito na ang laro ay magiging bukas din sa mga manlalaro na wala pang dragon. Nilalayon naming maglabas ng iba pang mga uri ng mga kasama, (tulad ng iba pang mga hayop) at ang mga manlalaro ay magkakaroon ng kakayahang makipag-ugnayan sa kanila at lumahok sa metaverse.

Leverage

Nagsimula ang Levana sa konsepto ng paggawa ng mga leveraged asset na magagamit ng sinuman. Ang unang pagsasaayos ng bersyon ay sa pamamagitan ng mga leverage na basket. Ang aming panimulang post sa blog ay nagpapaliwanag sa pananaw na ito. Ang maikling video na ito ay mahusay din sa pagpapaintindi ng konsepto ng LLI token ng Levana.

Perpetual Swaps

Ang Levana ay gumagawa ng isang plataporma para sa perpetual swap. Ang mga perpetual swap ay ang pinakamatipid sa gastos na mekanismo para sa paglikha ng mga leveraged na asset. Sa kasalukuyan, mayroong anim na dev sa buong mundo na nagtatrabaho sa proyektong ito. Nakumpleto na namin ang trabaho sa virtual AMM, na inilunsad sa mga kontrata ng vault. Ang mga balakin sa pagbubukas at pagsasara ng isang posisyon ay tapos na. Kabilang ang suporta para sa maraming posisyon, bawat gumagamit, at bawat ari-arian.

Para sa paunang presyo ng pwesto, ginagamit namin ang Chainlink sa Testnet sa Terra.Nasasabik din kaming galugarin ang potensyal na pagdaragdag din ng iba pang Oracles.

Ang gawaing teknikal na disenyo ay nagawa na para sa liquidation logic at sabay-sabay kaming nagtatrabaho para sa dokumentasyon nito.

LLI’s

Nagsimula sa Luna2X, ang Levana ay naglulunsad ngayon ng Levana Leverage Index token (LLIs). Natapos na namin ang auto-staking, kumpleto na ang core-staking page, at pareho na silang naging live sa Testnet.

Nakumpleto na rin namin ang unang yugto ng mga pag-audit at tinutugunan ang mga pagbabago batay sa mga katugunan o puna sa pag-audit.

Mahalaga at kritikal sa Levana na ang lahat ng maaaring gawin upang mabawasan ang panganib ay tapos na. Kasalukuyang nakaplano ang Luna2X para pormal na mailunsad sa ilang sandali matapos ang paglulunsad ng Mars Protocol sa unang bahagi ng 2022.

DeFi and NFTs and Gaming

Sino ang nakagawa nito ng maayos? Mga kaharian ng Defi

At present, it does not appear that anything like this can replace a traditional DeFi user interface, but it can connect to it, expand upon it, and make it approachable, palatable, and understandable to a gaming audience that is roughly 100x as large as the audience currently participating in DeFi today.

Sa aming pananaliksik at paghahanap ng inspirasyon upang bumuo ng isang bagay na makabago sa mundo ng DeFi na may kaugnayan sa Metaverse, maraming tagasuporta ang nagturo sa DeFi Kingdom. Ang mga miyembro ng Levana team ay naglalaro ng DeFi Kingdoms at iba pang mga halimbawa ng gamified DeFi. Ito ay upang magkaroon ng sapat na kaalaman at karanasan sa larangang ito. Ang mga larong ito ay mahusay na inspirasyon para higit na lumawak ang aming pananaw. Sa kasalukuyan, hindi lumalabas na alin man sa mga ito ay maaaring pumalit sa tradisyunal na DeFi user interface, ngunit maaaring makahanap ng koneksyon dito, mapalawak ito, at gawin itong kasiya-siya, at naiintindihan ng isang gaming audience na humigit-kumulang 100x na kasing dami ng mga audience na kasalukuyang kalahok ngayon sa DeFi.

The DAO

Sa halip na ulitin and mga nagawa na noon, naniniwala ang Levana na ang pagkamalikhain at panganib ay kritikal sa tagumpay sa DeFi. Ang damdaming ito ay isa sa mga value drivers na laganap sa Levana DAO. Ang Levana ay isang mabilis na lumalagong Protocol at ang iyong tulong ay kailangan. Kung sa tingin mo ay maaari kang maging kapaki-pakinabang, mangyaring sumali sa Discord. Sa Levana, ang turingan namin ay pantay-pantay. Naniniwala kaming ang mga taong nagpapakita at nag-aambag ay ang mga taong nagiging bahagi ng DAO.

LVN tokens

Mga Liquidity incentives: May mga pagkakataon para magbigay ng liquidity sa plataporma. Magkakaroon ng liquidity reward para sa pagbibigay ng pondo sa protocol maging ito man ay Liquidity para sa UST sa LVN o sa Luna para sa Luna2X pool, .

Airdrops

LVN token airdrops: Ang LVN ay ang governance token ng Levana. Walang nailathala na impormasyon tungkol sa mga kinakailangan para sa pagtanggap ng LVN token airdrop. Kapag ang impormasyon ay naging pampubliko, ito ay ilalathala sa blog na ito at ipapamahagi sa komunidad.

Kasalukuyan ng gumagana ang kontrata ng LVN airdrop at ang pagsasama sa kontrata ng vesting ay kasama na rin sa disenyo. Ang balancer, na siyang pinakamalaking blocker na nangangailangan ng muling pagsulat, ay matagumpay na na-update at naisama pabalik sa proyekto.

Ang UI ay kasalukuyang gumagana sa Testnet at kasama na rin dito ang pagpapalit, pagsasaka at pamamahala.

Ang UI ay simple lamang. Ang pangunahing layunin nito ay bigyan ang mga gumagamit ng kakayahang pumunta mula sa paghawak sa Luna hanggang sa paghawak sa Luna2x sa isang click lamang. Ang pagiging simple ay susi, kapwa upang maging isang tagapagbigay ng liquidity ng Levana, at sa pagsasaka ng mga token ng LVN.

Ano ang susunod?

Libro

Gumawa at naglabas kami ng Levana Lore na mga kabanata 1–5. Ito ay mga maiikling kwento na nagbabalangkas sa salaysay ng isang batang Terran na nagngangalang Zahava, na nagpalaki ng dragon na nagngangalang Levana at nangangarap ng isang bagay na higit pa sa buhay kung saan siya ipinanganak.

Pinagsasama-sama ng isang grupo ng mga manunulat ang mga unang post sa blog na ito sa isang 1000 page na novel trilogy. Ang plano ay gawin itong isang trilogy na bubuo ng tatlong aklat na ang layunin ay mailapit ito sa mga kabataan at antigin ang kanilang kuryusidad.

Ang mga aklat na ito ay unang ipapamahagi bilang mga NFT, at sinuman ang may pangunahing pagbebenta ng NFT ay makakakuha din ng naka-print na kopya ng lavender-scented na aklat.

Para sa mas mahabang nobela, nakumpleto na namin ang mga buod ng kabanata para sa 1–30 samantalang patuloy na sinusuri ang unang balangkas ng simula ng aklat.

Disenyo ng Laro

Ang Levana ay maglalabas ng dalawang minigames sa paglulunsad: isang “Mario-style” na larong platformer at isang larong Piliin ang Iyong Sariling Pakikipagsapalaran.

In anticipation of releasing more games, Levana interviewed 26 gaming studios and engaged the top two to design a Play 2 Earn, Player vs Environment, Terra-based game.

Sa kagustuhan na maglabas ng higit pang mga laro, nakapanayam ng Levana ang 26 na gaming studio at nakipag-ugnayan sa dalawang nangungunang magdisenyo ng Play 2 Earn, Player vs Environment, na nakabase sa Terra na laro.

Piliin ang Iyong Sariling Pakikipagsapalaran

Nakumpleto namin ang decision tree-map at mga likhang sining para sa isang maikling “pumili ng sarili mong pakikipagsapalaran mini-game.” Ito ay binuo sa isang Discord bot. Ang laro ay ipinasa sa isang manunulat na kumukuha ng bawat bahagi ng mga decision tree at ginagawa ang mga ito sa halos isang pahina ng teksto lamang habang ang isang comic book artist ay magdaragdag ng mga guhit sa bawat bahagi ng decision tree. Ito ang susunod na bahagi ng lore, at umaasa kaming maipalabas ito bago matapos ang taon.

Ang disenyo ng laro ay magmumula sa parehong mga studyo na ito na nagtatrabaho nang sarilinan upang makagawa ng iba’t ibang ideya. Ang kakaibang workstream na ito ay umaangkop sa desentralisadong kalikasan at DNA na dinadala ng Levana sa talahanayan. Ang paunang disenyo ng laro, kabilang ang pagmamapa ng mechanics, concept artwork, at fundamentals ng Play 2 Earn work game ay halos isang dalawang buwang proyekto. Kapag kumpleto na, pinaplano naming ibahagi sa komunidad ang pananaliksik na nakuha mula sa pagtatrabaho sa mga gaming studio na ito.

Nagdala kami ng ilang kinakailangan sa mga studio ng laro, gaya ng ipinapakita sa graphic na ito:

Mayroong iba’t ibang mga paksyon sa ating salaysay. Ang mga Terran (na maaaring ituring na mga mangangalakal o magsasaka), ang Konseho (mga wizard), ang mga Tagapag-alaga (mga mandirigma), at ang mga Libreng Martian (katulad ng mga rangers/ninja).

Plano naming isama ang iba pang mga koponan ng NFT at DeFi sa metaverse, na magbibigay-daan sa isang low barrier of entry para sa disenyo ng laro. Nangangahulugan ito na kung ang isa pang organisasyon ay gustong lumahok, tulad ng Galactic Punks o Space Loot, hindi sila kinakailangan pang bumuo ng isang buong laro o mas malawak kaysa sa nauna. Maaari rin silang lumikha ng isang mini-game na maa-access sa aming platform.

Huling mga kaisipan

May malalaki at kapana-panabik na mga bagay ang nangyayari mula sa disenyo at operational perspectives. Ang Levana ay hindi lamang isang konsepto, bagama’t ang aming mga produkto at pakikipagsapalaran ay may parehong mga value drivers. Nakikita namin ang mga umuusbong na merkado, at ang Levana ay nagsusumikap na pagsamahin ang mga merkado na ito. Paniniwala namin na ang kumbinasyon ng DeFi, gaming at NFT ay ang susunod na pangunahing pagbabago sa loob ng espasyo ng crypto at nilalayon ng Levana na magawa ang lahat ng tatlong kategoryang ito.

Batid din namin na ang aming paglalakbay ay eksperimental at nangangailangan ng oras at ilang mga pagbabago. Ang lahat ng kasangkot sa proyekto ng Levana ay masigasig sa pag-imbento ng bago na hindi pa nagagawa noon. Salamat sa paglalaan ng oras upang manatiling napapanahon sa aming pag-unlad at mangyaring huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng mga direktang mensahe sa Twitter o sumali sa aming Discord, kabilang ang mga pribadong chat para sa mga may hawak ng NFT.

Kung gusto mong makilahok, maaari mong tingnan ang aming mga bukas na posisyon:

Sundan kami para sa mga updates:

Sumali sa aming Discord: https://bit.ly/discordlevana

Twitter: https://twitter.com/Levana_protocol

Telegram: http://t.me/levanaprotocol

--

--