Levana Talismans
“Tandaan mo ang mga salita kong ito, maaalala ng kasaysayan ang araw na nagsimula ang digmaang Faction sa Mars” — Sotira, ang Lumikha
Sipi Mula sa Ang Digmaang Faction — Levana, Aklat 2
Ang Mars ay nasa kaguluhan; ang paglitaw ng mga dragon ay naging paksang pampulitika, naging kontrobersyal, at talagang mapanganib. Apat na paksyon ang lumitaw, naligo sa dragonfire, upang ipahayag ang kanilang mga opinyon tungkol sa hinaharap ng Mars at kung ano ang magiging parte ng mga dragon. Hindi sila pumayag.
Ngayon ay naghahanda sila para sa pakikidigma…
Halika na sa Talisman Faction Wars. May nakalaan nang upuan para sa iyo.
Ipinapakilala namin ngayon sa inyo ang Talisman Faction Wars. Ito ay isang laro na kung saan ay may apat na pangkat: ang Council, Terrans, Free Martian, at Guardian ang magtutunggali para sa kinabukasan ng Mars. Ang mga manlalaro ay dapat sumali sa isang paksyon o pangkat upang magkaroon ng pagkakataong malaro ang iba’t ibang mga paligsahan kung saan sila makakakuha ng mga gantimpala, palaguin ang kanilang mga dragon, i-level up ang kanilang mga NFT, at, sa huli, makakuha ng kontrol sa hinaharap ng Mars. Ang mga paksyon ay napipilitang makipagkumpetensya upang isulong ang kanilang pampulitikang adyenda, kayamanan, o relihiyon. Naghihintay ang mga gantimpala sa mga pangkat na pinakamahusay na naglalaro.
Upang makalahok sa laban, kinakailangang pugaran ang iyong dragon egg.
Lahat ng Dragon Keepers ay ipapatawag para makilahok sa Faction Wars. Para makatanggap ng talisman sa pangkat, dapat mong simulan ang sagradong proseso ng pagpupugad ng dragon. Ang anting-anting na natatanggap mo sa sandaling nagpugad ka, ay ang iyong imbitasyon na magpatala sa pangkat na iyon at sumali sa Faction Wars. Panatilihing malapit ang iyong anting-anting, dahil ang bawat laban na iyong lalabanan, ang kumpetisyon na iyong napanalunan, o gawaing iyong natapos ay itatala sa loob nito.
Ang mga Dragon Keeper na pumugad ng maraming itlog ay makakatanggap ng maraming anting-anting. Ito ay nagbibigay pagkakataon sa kanila nag-aalok sa kanila na pumili at sumali sa anumang paksyon kung saan may hawak silang talisman. Gayunpaman, ang bawat Dragon Keeper ay maaari lamang sumali sa isang paksyon. Maging matalino sa pagpili dahil pinapayagan ang paglipat ng panig, ngunit ito ay limitado lamang.
Ang mga Pangkat o Paksyon
Ang Konseho o Council
Bilang mga master manipulator na maalam sa halos lahat, ang Konseho lamang ang nakakaalam kung paano tiyakin ang kapalaran ng Mars. Ito ang nais nilang paniwalaan mo. Sa loob ng maraming siglo, para silang nakikipaglaro ng political chess sa mga tao ng Mars. Ang bawat isa ay parang isang pawn sa hinaharap na sila lang ang nakakakita. Gayunpaman, ang paglitaw ng mga dragon ay nagdulot ng pagdududa sa kontrol ng Konseho sa Mars. Dahil sa desperasyon na mapanatili ang kontrol, nagsimula silang mag-ipon ng pagmamay-ari ng dragon bilang tunay na tanda ng kanilang kapangyarihan.
Ang mga Terrans
Ang mga Terran ay itinuring na mahihina, mga magsasaka at mga manggagawa ng Mars sa napakatagal na panahon. Kinokontrol sila ng Konseho sa loob ng ilang dekada. Minamanipula sila ayon sa kagustuhan ng Konseho ngunit hindi na sa ngayon. Dahil sa paglitaw ng mga dragon, muling nagkalakas loob ang mga Terran na balikan ang kanilang layunin, relihiyon, at maging ang kanilang mga kakayahan. Ngayong napatunayang mayroon ngang mga dragon, ang mga Terran ay may mga bagong pagkakataon at daan patungo sa isang bagong hinaharap. Sila ay mga likas na mangangalakal at hardinero. Mahilig sila sa pakikipagsapalaran, mabilis na natututo kung paano gamitin ang kanilang mga dragon para sa mas mataas na katayuan sa lipunan at kayamanan.
Ang mga Malalayang Martians
Ang kalayaan ang higit na pinahahalagahan ng mga Malalayang Martians. Sila ay kilala bilang mga ligaw, mapag-imbento, at hindi organisadong miyembro sa Mars. Madalas silang nakatira sa maliliit at nakakalat na komunidad sa buong crags at kapatagan ng Mars. Walang organisadong pamamahala ang nagdidikta sa kanilang buhay. Ang paniniwala sa relihiyon ang tangi nilang sinusunod. Laking pasasalamat nila nang dumating ang mga dragon sa Mars. Para sa mga Malalayang Martian, ang dragon ay ang purong representasyon ng pinagsamang kalayaan at mahika. Layunin nilang pag-isahin ang mga puwersa sa mga handang dragon upang matutunan ang kanilang mahika, baguhin ang Mars, at protektahan ang mga kalayaan ng lahat ng mga Martian.
Ang mga Guardians
Nabuo ang mga Guardians dahil sa pangangailangan noong nakaraang Martian Civil War. Sila ay mga mababagsik at walang-awa na mga sundalo. Sa loob ng mahabang panahon, hinahangad nila ang isang mas makabuluhang papel sa Mars ngunit naatasan sila bilang mga boarder patrol at pulis sa mga Terran. Kilala ng buong Mars ang mga sundalong Tagapangalaga bilang elite fighting force ng Konseho ngunit iba ang paniniwala ng mga Guardians sa kanilabg mga sarili. Naniniwala sila na ang mga dragon ay regalo mula mismo kay Elon. Kaya naman hinahangad nilang makuha ang mga ito bilang mga sandata sa isang makatarungang digmaan.
Mga Punong Pinuno
May ilang piling mga kalahok sa paligsahan ang tinawag upang gampanan ang mga pangunahing tungkulin sa Talisman Wars. Ang mga kalahok na ito ay tinatawag na Premier Leaders o mga Punong Pinuno. Ang mga Premier Leader ay gumaganap ng mga kritikal na tungkulin sa bawat paksyon. Sila ang mga lider at nagbibigay sigla sa mga tropa, nagbabalangkas ng mga pamamaraan o diskarte, at pagpapatupad ng mga desisyon na sila lang ang makakagawa.
Metadata at Rarity
Hindi tulad ng karamihan sa mga hanay ng NFT, lahat ng Talisman ay nagsisimula sa parehong pambihira (paghahambing ng isang Miyembro sa isa pa, o Premier sa isa pa).
Ang metadata sa Talisman ay magbibigay ng update sa paglipas ng panahon batay sa mga aksyon na ginawa ng manlalaro. Pinipigilan nito ang mga balyena na bilhin lamang ang suplay ng mas bihirang mga Talisman at ipitin ang merkado. Sa halip, ang mga tunay na bihirang Talisman ay ang mga nasubok sa labanan, ginamit, hinanap, at pinaunlad ng matatapang na mga Dragon Riders.
Sa bawat sandali na ang isang Talisman ay ginagamit para sa isang mini-game, o pakikipagsapalaran, o isang gawain, ang Talisman ay lalong nagiging mas bihira. Sa kabilang banda naman, ang sinumang Talisman na hindi gumagalaw sa isang pitaka ay mananatiling karaniwan. Naghihintay lamang ang mga ito ng pagkakataon para makuha, magamit, at mailaro ng mga magigiting na adventurer.
TL;DR
- Ang Talisman Wars ay isang paparating na paligsahan sa koordinasyon ng Levana NFT at backdrop sa isang serye ng mga laro.
- Ang mga manlalaro ng Talisman Wars ay makikilahok sa mga laro ng mga pangkat at mga gawain, na may mga gantimpala na mapupunta sa pinakamahusay na manlalaro sa isang paksyon o mga paksyon.
- Ang mga manlalaro ay dapat nagmamay-ari at handang tumaya ng Faction Talisman NFT para maglaro ng Talisman Wars.
- Upang makakuha ng Faction Talisman NFT, dapat na pugaran ng mga manlalaro ang kanilang mga dragon egg NFT o kumuha ng isa mula sa open market.
- Pugaran ang iyong dragon dito: https://dragons.levana.finance/
- Maaari ring bumili ng mga Talisman sa Random Earth o Knowhere Art Marketplaces.
- Ang Faction Talisman NFTs na hawak ng isang manlalaro ay nagdidikta ng mga paksyon na maaari nilang salihan.
- Ang mga manlalaro ay maaari lamang sumali sa isang pangkat. Limitado ang paglipat ng mga paksyon (ngunit papayagan ito sa hinaharap), kaya pumili nang matalino.
- Maaaring i-level up ng mga manlalaro ang kanilang Faction Talisman NFT sa pamamagitan ng paglalaro ng Talisman Wars at iba pang Levana Mini Games.
- Makakatanggap ka ng update habang kinukumpleto mo ang mga paghahanap o quest at mga gawain.
- Ang mga Premier Leader ay mga pinuno ng paksyon na may natatanging mga kakayahan sa paggawa ng desisyon.
Sundan kami sa mga updates:
Sumama sa aming Discord: https://bit.ly/discordlevana
Twitter: https://twitter.com/Levana_protocol
Telegram: http://t.me/levanaprotocol