Oh kaytagal, din pala kitang Minahal

saewrites🎀
2 min readJun 10, 2024

--

(tagalog version of I’ve never love anyone how I love you)

You (movie scene)

Nung bata ako, madalang lang akong magkacrush at magkagusto sa isang tao. Kapag nagkakacrush ako, tumatagal iyon ng buwan o di kaya mahigit isang taon. Ganoon din noong high school, hindi ako madaling maattract sa iba kapag may crush o gusto akong isang tao. Oo, madali akong mapogian sa mga lalaki pero ang pagkagusto ay sa iisang tao lang talaga.

Hanggang sa nakilala kita.

Hindi kita pormal na kilala noon dahil yung dalawang kasama mo lang ang kakilala ko.

Hanggang sa nagchat ka sa akin.

Ikaw ang naunang nakipagkilala at nakipagkwentuhan. Halos araw-araw rin ang ating pag-uusap na umaabot na sa madaling araw.

Magmula noong pag-uusap natin, hindi na ako nakipag-usap pa sa iba at hindi na ako naattract pa sa iba. Sabi ko nga, munting paghanga lamang ito kasi nasa iyo ang standards ng lalaking gusto ko. Pareho tayong naglilingkod sa Panginoon at pareho tayong lumaki halos sa simbahan dahil sa mga magulang natin.

Ngunit, kapag talaga hindi pwede, hindi pa pwede. Akala ko yung munting paghanga na iyon ay hanggang doon lamang.

Hanggang sa hindi na tayo nag-usap.

Nalaman ko sa kaibigan ko na nagbalikan kayo ng ex mo. Pinalampas ko iyon at nagfocus ako sa ibang mga tao, lalo na sa pag-aaral ko.

May mga times pa rin na nag-uusap tayo minsan kapag babatiin natin ang isa't isa ng happy birthday.

Hanggang sa pareho tayo ng pinasukang paaralan nung college.

Doon nagkita muli ang ating landas at nagkamustahan, dahil ang ilang classmates ko ay naging classmates mo din. Doon ko napagtanto na gusto pa rin pala kita, at hindi iyon nawala. Narealize ko yun kasi never akong nag-entertain ng iba.

Ang tagal na pala noh? Ilang taon na rin pala kitang mahal. Nasasabi ko na nga rin sa aking dasal,

"Lord, kung hindi siya, wag nalang."

Ngayon, masasabi kong hanggang ngayon mahal pa rin kita. Alam kong alam mo na itong nararamdaman ko. Ikaw kaya? Kailan mo ako matututunang mahalin ng higit pa sa kaibigan?

Oh kaytagal na ring ikaw'y mahal.

--

--