"Pagmamahal na hindi inaasahan"

Paano ko ba ito uumpisahan? 
Ang pagsabi nitong aking nararamdaman
Na sa 'iyo ay naramdaman

Kahit alam kong ako'y masasaktan
Na kapag ako'y nagtapat
Ako'y iyong iiwasan

Hindi na baleng ako'y masaktan
Huwag mo lang itong maramdaman,
Dahil ang kasiyahan mo'y 
Kasiyahan ko din naman

Hindi ko alam kung bakit?,
Hindi ko alam kung paano?
Hindi ko alam kung saan,
At lalong Hindi ko alam kung kailan,
Basta ang tanging alam ko lang?
Kusa ko itong naramdam

Patawarin mo ako kaibigan
Hindi ko sinasadyang ika'y 
Aking maibigan,

Ayoko na masira ang ating pagkakaibigan,
Kaya't itong aking nararamdaman ay akin ng pipigilan at aking kalilimutan

Wala man tayong gaanong pinagsamahan 
Ngunit alam kong Higit na mas mahalaga pa rin ang ating pagka-kaibigan na naumpisahan 
Higit pa sa ano pa man

Nakakatawang isipin na noong tayo'y mga wala pang masyadong alam,
Tayo ay hindi lubos na nagkakilanlan,
Bakit ngayon pa? 
Ngayon pa na may mga bagay na tayong dapat limitahan
At isa-alang alang

Ngunit Masaya pa din ako na ika'y nakilala
Sapagkat ng dahil sa'yo
Ako'y ngayon lang nagmahal ng ganito at sobra

Ang Panginoon ang tanging nakaka-alam ng aking tunay na nararamdaman,
Kaya't sa kanya ko idudulog na 
Pawiin itong nararamdaman

Sapagkat higit na mas may tiwala ako sa kanya
Higit na kanino pa man.

One clap, two clap, three clap, forty?

By clapping more or less, you can signal to us which stories really stand out.