HINDI KO MAIPALIWANAG


Ang daming bagay ang tumatakbo sa loob ng utak ko ngayon at ang nag iisang paraan para mawala ito ay ang masabi ko lahat sayo.

Tuwing sinasabi mong mahal mo ako, pakiramdam ko ay mayroong mga balabiho ng ibon sa tenga ko pa parang gusto kong magtanim ng puno ng mangga sa akin dugo.

Ang pakiramdam ng mahalikan mo, ang pakiramdam na dumampi ang mga labi mo sa akin..

parang isang mahika na sa talim ng kutsilyong hawak ko na gumihit sa aking pulso, habang pinuputol nito ang buhay ko,

hindi dugo ang lumalabas kundi pawang mga bulaklak…

dilaw, pula at puting mga bulaklak na namumukadkad sa bawat salitang “ mahal kita” na lumalabas sa iyong mga labi.

Salamat sa Panginoon na ipinadala nya ang isang prinsepeng katulad mo, na syang sasagip sa akin sa balon ng mga paniki.

Ang tali na iyong gamit ay hindi gawa sa tinik.. kundi gawa sa lapis na nagtutulak sa akin para magsulat.

Ang pag hawak ko sa dibdib mo na mukhang gawa sa bakal ngunit kasing lambot ito ng ulap na gusto kong yumakap. Pag tinitingnan mo ako, pakiramdam ko ako’y nakakita ng tinapay sa gitna ng gabing puno ng gutom at luha.. napapawi lahat.

Oh Diyos ko, paano ba titigil ang puso kong mahalin siya?
One clap, two clap, three clap, forty?

By clapping more or less, you can signal to us which stories really stand out.