Hindi lahat ng aral nakukuha sa Isang pasada

Hindi lahat ng aral nakukuha sa pisara

Hindi lahat ng makinarya nanggagaling sa makina

Hindi lahat ng robot nanggagaling sa pabrika

Yung iba, wala lang puso

Tao naman Dati, naging Tuso

Nakisabay sa uso

Dinoktor ang resulta parang Macau na Luto

Tiniris na parang kuto ang natitirang pag Asa ng mga inaapi at inuuto

Hustisya

Pero teka. Mama, para.

Huminto ka Muna ano ba Dapat ang mauna

Dahil iba iba ang lebel ng binanggit mo, ibat iba ang pahina

Mahina na ang limang libong opinyon na binabayad nila

Na tila wala namang May gusto kaya wala ding nangungulekta

Hustisya

Ang nais kong pag usapan ay dalawa

Hindi yung labis at kulang

Ito ay tunog na lumang luma

Pinapaulit ulit lamang hanggang sa magpalit ng pwesto

Pero kahit ano pa ang sabihin mo, sila pa din ang nakaupo

At silya ka lang

Ginagamit, sinasandalan, pero pansamantala lang naman

Sila rin naman ay tumatayo ang inang bayan na minsay sandalan ay tuluyang nilisan

Wag na tayong magpanggap.

Pag tinanong ka Kung ano ang tunay na hitsura ng tagumpay sa buhay

Ang una mong naiisip ay mangabilang Bahay

Walang masama don. Walang masama sa Hong Kong o Singapore. Hindi ang pinupuntahan ng problema. Ang problema ay yung sistema.

At bago mo ako bigyan ng sintensya

Dahil sa pagsisi ko sa sistema

At wala na akong pinagkaiba sa mga walang kwentang mga nagmamahal daw sa demokrasya pero reklamo lang ang alam nila.

Hindi po ako ganun. Hindi na. Bakit ko sisisihin ang iba sa kasalanan na ako din ang gumawa?

Ang katotohanan, wala namang May gusto sa hustisya. Ang gusto lang ng karamihan ay ang sa tingin Nila ay nararapat na para sa Kanila.

Yun ang Mali.

Tayo ay alipin sa sarili nating interes at kapakanan. Sa dayuhan mabilis magmayabang pero sa isat isa mas mabilis maghatakan.

Pag sarili ang iniisip mabilis tayong masaktan pero kapag Bansa na ang iniisip mas mabilis Magsisihan.

Walang Bansa ang tunay na Malaya. Nag-iiba lamang ang mananakop. Kung Dati dayuhan, ngayon tayo tayo.

Kahit ilang beses magpalit anyo,

Ang multo ay multo

Kahit Hindi mo sambahin ang rebulto ay rebulto

Kahit Hindi mo diligan, ang puno ay puno

Kailanman Hindi naging Sanhi lamang ang pinuno

Pero bunga din siya ng milyong mga bumoto

Kaya bago natin sisihin ang iba o kaya magpakatanga

Tandaan.

Ang unang rebolusyon ay nasa loob ng puso

Bago lumaban at sumabak sa Laban na Hindi naman sayo

Bago masaktan lumuha at manlumo

Ang puso ng Bawat Pilipino ang Dapat bantayan

Dahil pag tayo nasaktan

Ayon sa karanasan at sa nakaraan mabilis tayong magreklamo

Pero pag tayo ang nakasakit at sa sukatan ay sumabit mabilis manisi at magturo.

Madalas Hindi Muna ang pilipinas ang problema, kundi ang Pilipino.

Pustahan ang makarinig o makabasa nito magrereklamo

Pero Kung tama ang ginagawa mo alam mo na palatandaan lang Ito

Na Hindi lahat ng Ingay, gulo

At Hindi lahat ng kilos, nakakatulong.

Hindi lahat ng gumagamit ay lulong,

At Hindi din lahat ng May pinaglalaban ay May dunong.

isa na ako doon.

Mag aminan Man tayo o Hindi alam natin ang ating nagawa sa isat isa.

At imbis na baguhin ang ugali ng kapwa sa sarili natin tayo Magsimula

Bago tangkillikin ang sariling atin ang sarili Muna natin ang tangkaing baguhin.

Ang tunay na hustisya ay Hindi lamang ang pag-gawa ng tama

Ito rin ay pag-Amin ng pagkamasama

Pagtanggap ng parusa

Maging sino ka pa.

Walang takot na pag Amin Tulad ng walang takot na pagpuna

Ang tunay na kalayaan ay Hindi lamang ang pagkamit ng hustisya pero ang pagkamit ng bayanihan

Pag tayo ay nagpakatotoo totoong magkaka hustisya ang bayan

One clap, two clap, three clap, forty?

By clapping more or less, you can signal to us which stories really stand out.