I QUIT MY JOB! (Tagalog-English)

Photo © Pixabay

2012 — After graduation ko sa college, nag-decide ako agad na magtrabaho sa hotel kung saan mismo ako nag take ng OJT. Finally, after many years of studying napaisip ako na ito na ang simula ng pagpasok ko sa “realidad” ng buhay. At syempre finally, bukod sa makakapag trabaho na ako, kikita narin ako ng sarili kong pera.

2014 — Nagdecide naman ako na mag dagdag ng “source of income” by means of business and investing dahil pakiramdam ko palagi nalang kulang ang sweldo ko at para bang hindi naman ako umuusad sa buhay sa sistemang Trabaho — Sweldo — Bayad Bills — Gastos o mas kilala sa katawagang “Rat Race”…

2015 — Out of frustration, at pagod sa pagtatrabaho, I QUIT MY JOB! Para makapag focus ako sa business and investing… Kahit hindi pa naman ako sigurado kung magkaka resulta ba ako ng malaki o kung magiging successful ba talaga ako. Sa madaling sabi, nagswimming ako sa gitna ng dagat na puno ng pating at wala man lang kahit na lotion para hindi ako maamoy. Haha!

2015 (din)— Ayan na nga. Nilamon ako ng buhay at naubos lahat ng ipon namin ng asawa ko dahil sa walang habas na pag invest ko sa kung ano-anong business and investment schemes na hindi naman nag take-off. Tatawagin ko siguro itong “Entrepreneur’s Rat Race” na Invest — Execute — Lugi lang ang cycle.

Lesson: DO NOT QUIT YOUR JOB YET!

Photo © Pixabay
There’s a HUGE difference between the world of “Entrepreneurship” and a “Day Job”. Maraming adjustments sa work ethic, mindsetting, at marami pang iba. Yes! It’s true mga kaibigan na in order for you to become “financially independent”, you must learn how to invest your “hard earned money” or build your own business. But before that, you must learn the fundamentals of “Personal Finance” and consider having your own “properly” created “Financial Plan”. You also have to learn how to manage your “Time” while still working on a day job. Here are few things I want you to “TRY” if you really want to eventually become “your own boss”.
  1. Set aside atleast 10–20% of your monthly income for your investment fund. Wag gagalawin kapag hindi kailangan.
  2. Read Books about personal finance. Spend atleast 10–20mins. per day.
  3. If you have skills or talents, learn how to monetize it. Google it!
  4. After work, before or after mo manood ng #GoT at maglaro ng online games, spend atleast 2–3 hours of your time sa pag research ng additional income opportunities and find one na feeling mo fit sayo or kaya mo naman gawin sa spare time mo.
  5. Ask about it. Wag kang matakot na magtanong kung ano bang meron sa scheme na napili mo. Ano bang sistema, magkano investment, magkano possible income, etc. or “Due diligence”. Hindi mo malalaman kung maganda ba o monkey business lang ang isang opportunity kung hindi ka magtatanong. But then, don’t get hooked yet kung maganda nga para sayo. Just ask.
  6. Seek “Real” experts or mentor that will invest their precious time just to guide you. Sa panahon kasi ngayon, marami nang expert expertan dahil isang type nalang sa profile ng word na let’s say…“mentor” eh entitled na kaagad. Kahit ako kung nagbebenta ako ng funeral plan pwede ko ilagay sa profile ko na “expert” ako sa field na ito at ang services ng company namin ang pinakamaganda sa lahat. Haha! Know if a person is only selling you his/her product or services para kumita lang ng commission or kung talaga bang may experience sya sa mga pinagsasasabi nya. If ever na mahirapan ka mag hanap, I personally know someone na pwede kang matulungan. Click Here
  7. Execute. Apply what you’ve learned. Sabi nga nila, ‘experience is your best teacher’. Wag kang matakot or yung kung tawagin eh ‘Analysis Paralysis’ na wala nang ginawa kundi mag research ng tama at mali para makaiwas sa failures. Kung bata ka pa naman or hindi ka pa naman uugod ugod, kumpleto kamay at paa mo, marami ka pang panahon para matuto at makakabangon ka pa sa mga possible set-backs. ‘Take the leap of faith’ ika nga pero with parachute. (back to no. 6)
  8. Enjoy! — Ang mga tao na nagiging successful sa buhay ay yung mga taong passionate at mahal ang ginagawa nila. Kung hindi mo na e-enjoy ang ‘process’, I suggest na itigil mo muna then examine your motives, then look back kung saan ka ba nagkamali. Dahil kapag naka-experience ka na ng burn-out, panigurado gagawa ka lang ng sangkatutak na excuses at mga drama sa buhay na hindi naman makakatulong sayo and eventually, you will fail sa ginagawa mo. So just enjoy the process and ‘Rock On’!

As Gary Vaynerchuk says,

May natutunan ka ba sa blog na ito? Please feel free to share this content and tag your friends na sa tingin mo ay dapat makabasa nito. Sharing is caring! Thanks for reading, good luck sa iyong journey and God Bless!

Follow me!

IG: @m.amoroso14

Twitter: @MattAmoroso14

Facebook: https://www.facebook.com/matthew.amoroso