Rambling thoughts
Wala nang mas hihigit paSa pagibig na kayang yakapin ang sariling mga anino at lagimSumayaw kasama ang kahapon habang nakatalikod sa dilim
Sa pagibig na tanggap Ang mga di kaaya-ayaAng babawAng litoAng lahat ng pagkagulo
Hindi kawalan ng pake at pakiramdamAng ibig sabihin ng mga blangkong titig at tinginSa alumpihit na damdaminMaaring hindi na lang alam ng bibig ang dapat sambitin
Hindi kawalan ng alaala Ang kahulugan ng mga hubad na espasyoSa hindi mabilang na…
Sa tuwing iisipin mong sumukoAlalahanin ang mga kalyeng Dinaanan na at ayaw nang daanan paAng mga kinamumuhian na karakter Sa natapos nang palabas Ang mga bukang liwayway na pilit hinihila Dahil masyado nang mahaba ang gabi
Gusto kong sumulat ng isang akdangmakakapagsalaysay kung gaanokalalim ang pagodna nararamdaman
Pait at tamisang natikmannang muli kang masilayan.Tamis ng mga unang alaala,pait ng mga damdaming nalimot na.
Muling natikmanang pait at tamisnang di ka na makita.Pait na wala ng tayo,tamis ng muling paghanapsa ako.