Buhay sa Gabi (Photo Essay)

Michelle Mabingnay
2 min readJun 8, 2022

Nawalan ng sigla ang kahabaan ng BF Homes Road sa Holy Spirit, Quezon City simula nang ipinatupad ng pamahalaan ang curfew. Maaga nang nagsasara ang mga tindahan at mangilan-ngilan na lang ang mga taong dumadaan. Ibang-iba ito sa dating buhay ng mga residente at nagtatrabaho sa lugar dahil magdamagan pa ang pamilihan noon.

Ipinatupad ang curfew upang masigurong nasusunod umano ang mga hakbang para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa. Gayunpaman, matapos ang mahigit isang taon ng mahigpit na mga restriksyon, patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa sakit.

Isa si Aling Lorelyn sa mga apektado ng curfew. Balut at penoy ang kanyang pangunahing itinitinda. Aniya, “Halos sakto lang talaga ang kita (ngayon) kaysa sa dati. May benta (kami) kaya lang talagang kulang.”

Patuloy na naghihintay ng mga kostumer si Aling Lorelyn, isang oras bago mag-curfew.
Mabagal ang usad ng pila ng mga tricycle.
Matumal ang benta ng isang sari-sari store malapit sa terminal ng mga tricyle.
Nanonood ng paggabing talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang manggagawa.
Nagsisimula nang isara ng may-ari ang kanyang kainan.
Ang ilang residente at naghahanapbuhay sa Holy Spirit, Quezon City.
Binabantayan ng dalawang alagang aso ang isang tindahan.
Saradong pagawaan ng mga appliances.
Maagang nagsara ang kilalang bakery sa lugar.
Ang isang eskinita sa may BF Homes Road.

[Ang photo essay na ito ay nalikha noong Oktubre 2020. Nagwagi ito sa nagdaang Philippine Journalism Research Conference 2021 sa Photo Essay category. Nailathala rin ito sa Liwayway noong Setyembre 2021.]

--

--