I miss him.

That guy is Allen. He is my dearest boyfriend, the love of my life, the blessing I never deserved. If I have something to tell him, it will be…

I miss you.

Sa totoo lang, hindi ko rin alam anong nangyayari sa akin. I just do not feel passionate about the relationship for the past week. I am usually understanding at naiintindihan ko madalas kapag may kailangan siyang gawin. Alam kong may mga bagay na hindi ko kontrolado kaya may mga oras na hindi ako pwedeng maging priority.

Ano na naman ba itong iniisip ko? Ang childish.

Magkasama kami kanina. Gustong gusto ko siyang makita. Pero kanina, I just do not feel like it. Parang may kulang. Parang may iba. Hindi ko alam kung ako lang to o baka kasi namatayan siya kaya ganoon yung aura ng date namin kanina.

But it is usually happy.

We usually set aside issues and bond. Anong nangyayari?

Is it just me?

For the past week na napapagod ako sa work at feeling ko lonely ako, ito rin yung mga araw na busy siya sa sideline niya. Isa siyang engineer at sobrang proud ako sa achievements niya. Mahal na mahal ko siya. Ang hirap lang na alam kong may mga araw na hindi ako pwede maprioritize at kailangan kong magexpect at umasa sa wala.

Ang selfish ko lang.

Narealize ko na pagod nga pala siya. Dapat sinupportahan ko siya. Dapat nginitian ko siya ng masaya buong oras na magkasama kami. Pagod na siya pero tinuloy niya pa rin ang pagbiyahe para magkita kami. Dapat naging thankful na ako doon.

(Ang saya lang magblog kasi minsan impromtu yung realizations)

Hayy, sorry lovey.

Mahal kita, alam kong nahihirapan ka na. Hindi dapat ako maging dagdag pa sa problema mo at isipin mo. Pasensya na. Siguro ito lang rin yung way ni Jesus para ipaalala sa akin na hindi ko dapat sayo kinukuha yung security ko. Hindi ako dapat sayo kumukuha ng peace, joy, and love. Sorry kung malungkot ako kanina.

Miss na miss lang talaga kita.

Tuwing kakausapin kita lagi alam ko naman na work mode isip mo. Kahit wala ka na sa office. Bago ka matulog alam ko rin na work mode pa rin utak mo. Ibang klase yung sipag mo. Proud ako sayo. Kaya lang minsan naiisip ko talaga na I am being pushed away. So what I do as a defense mechanism, iniiwasan ko na. Sasabihin ko sayo magwork ka na kahit na gusto ko malaman kamusta araw mo. Hanggang sa matatapos na nga ang araw na hindi ko alam kung kamusta ka.

Sorry talaga lovey for feeling this way. I know this is so childish pero…

Miss na miss lang talaga kita.

At siguro nasanay akong wala ka. Kaya para akong nagaadjust sa date natin kanina.

Ngayong tapos na yung sideline mo, I hope and pray that God will bless this relationship and that we will glorify Him in all aspects.

Let us place God in the center.

Next date natin let us realign ourselves and the relationship with God.