Got To Believe (2013)

Myka Catorce
2 min readSep 9, 2018

--

“The heart remembers what the mind forgets.”

BUOD

Nagsimula ang kwento sa pagtatagpo ng batang Chichay at Joaquin sa peryahang pag-aari ng pamilya ni Chichay at tinuruan niya si Joaquin na maniwala sa magic. Ngunit agad ding natapos ang kanilang pagkakaibigan noong lumipat na ng lalawigan sina Chichay at si Joaquin naman ay naaksidente dahil sa tama ng ligaw na bala sa kanyang ulo na siyang naging dahilan ng muling pagtatagpo ng dalawa pagkatapos ng mahabang panahon. Naging katulong si Chichay ni Joaquin at kahit hindi maganda ang naging relasyon nila, natutunan nilang mahalin ang isa’t isa. Ngunit maraming naging hadlang sa kanilang relasyon katulad ng kanilang mga magulang, ang kanilang agwat sa ekonomiya at ang sanhi ng aksidente ni Joaquin noong siya ay bata pa na sinisisi sa ama ni Chichay. Pinaghiwalay man ng ilang taon ang dalawa at nagka- Amnesia man si Joaquin, nanaig pa rin ang kanilang pagmamahalan at nanaig pa rin and hustisya para sa ama ni Chichay.

MAHAHALAGANG TAUHAN

· Kathryn Bernardo as Christina Charlota “Chichay” Tampipi

- Masayahin at positibong tao na naniniwala sa magic kahit sinubok man siya at ang kaniyang pamilya ng mga problema.

· Daniel Padilla as Joaquin “Wacky Boy” Manansala/Ryan Manansala

- Hindi nagkaroon ng normal at masayang kabataan dahil sa balang nanatili sa kanyang ulo dahil sa aksidente noong siya ay bata pa.

· Carmina Villaroel as Juliana San Juan-Manansala

- Over-protective na nanay ni Joaquin

· Manilyn Reynes as Elizabeth “Betchay/Mama Bear” Tampipi

- Ina ni Chichay

· Ian Veneracion as Jaime Manansala

- Ama ni Joaquin

· Benjie Paras as Chito “Papa Bear” Tampipi

- Ama ni Chichay

KAUGNAY NA ISYUNG PANLIPUNAN

Ang isyung hinaharap ng teleseryeng Got To Believe ay ang agwat ng mayaman at mahirap. Mapapakita sa teleseryeng ito na maging ang karapatang pantao at hustisya ay mahirap makamit lalo na kung mahirap lamang. Hindi maipagkakaila na halos lahat ay nakokontrol na ng pera.

MENSAHE

Ipinapahiwatig ng Got To Believe ang kahalagahan ng pamilya at pagmamahal. Kahit anong pagsubok, nariyan ang pamilya upang maging suporta at kaagapay upang harapin ang mga ito. Ipinakita rin dito ang tunay na pag-ibig, paggalang at tiwala ng isang anak sa kanyang mga magulang sa bawat desisyon na gagawin at iniintinding ito ay dahil sa pagnanais na protektahan siya, patnubayan siya, at pagmasdan ang kanyang pagkatao. Ang kwentong ito rin ay nagtuturo na ang pag-ibig ay laging humahanap ng paraan kung tayo ay maniniwala sa kapangyarihan nito at “magic”.

--

--