MY DEAR HEART (2017)

feliz natanauan
Sep 8, 2018 · 4 min read

Buod

Ang kwentong ito ay tungkol sa isang batang na si Heart De Jesus ( Nayomi Ramos), lumaki siya na hindi kilala ang mga tunay niyang magulang dahil ito sa mga pagkakamali ng kanyang lola na si Dr. Margaret Divinagracia ( Coney Reyes ). Siya ay kinupkop at lumaki sa kanyang mga kinikilalang magulang na sina Jude ( Zanjoe Marudo ) at Clara De Jesus ( Bela Padilla). Si heart ay masayahing bata kahit siya ay may rare heart condition masaya sya kung anong meron sya sa buhay sa kabila ng kahirapan at hindi sya naghahangad ng iba kundi ang maging masaya ang lahat tao sa kanyang paligid. Isang araw biglang inatake si Heart at ito ay sinugod sa hospital at ito na ang sanhi ng kanyang pag ka comatose ng ilang buwan, at dahil sa kagustuhan nina Jude at Clara na makanap ng lunas para sa sakit may sakit na si Heart sila ay humingi ng tulong kay Dra. Divinagracia dahil nga siya ang pinakamagaling na doctor sa bansa pagdating sa mga may sakit sa puso, at dito na nangyari ang naging pinakamalaking kabiguan na kung saan hindi nya nakayang gamutin ang sakit sa puso ni heart naging dahilan ng pagkacomatose, Ang kanilang buhay ay nagiging mas kumplikado dahil habang ang Heart ay naglalakbay sa pagitan ng buhay at kamatayan, ang kanyang kaluluwa ay naglalakbay mula sa kanyang katawan, na tanging nakakakita at nakikipag-usap ay tanging si Dr. Margaret at dito nagsimula ang unting unti pagbabago ng kanyang ugali sa ibang tao lalo itong naging mabait at naging malapit lalo sa Diyos. At sa huli dito natuklasan na ang kanyang tunay na ina ay si Dr. Gia ( Ria Atayde) na kanyang anak at ang kanyang tunay na ama na si Jude ( Zanjoe Marudo ) at ang batang si heart ang naging bunga ng kanilang pagmamahalan ng nakaraan nung sila pa si Dr. Gia.

MAHALAGANG TAUHAN

  • Nayomi Ramos bilang Heart De Jesus : Simpleng bata na masayahin at mapagmahal sa pamilya at sa ibang tao kahit may iniindang sakit sa puso. Kahit simpleng buhay lang meron sila nanatiling kuntento kung anong meron sya. At ang gusto nya lahat ng tao sa kanyang paligid ay masaya at may takot sa Diyos.
  • Zanjoe Marudo at Bela Padilla bilang Jude and Clara De Jesus : Sila ang kinilalang magulang ni heart at sila ang nag aalaga kay heart. Binigyan nila ng simple and masayang buhay si heart. Kahit mahirap kakayanin nila para lamang sa kaligayahan ng bata. At gagawin nila ang lahat para protektahan at alagaan si Heart.
  • Coney Reyes bilang Dr. Margaret Divinagracia : Isang doctor na masamang ugali na ang gusto lamang ay pera at hindi iniisip ang kapakanan ng ibang tao at ang gusto nya lahat ay perpekto . At siya ang tunay na lola ni Heart at siya din ang dahilan kung bakit napahiwalay si heart sa kanyang tunay na magulang.
  • Ria Atayde bilang Dr. Gia Lina : Siya ay isa ding doctor katulad ng kanyang ina. Ngunit kabaligtaran ang ugali nito sa kanyang ina. At siya ang tunay na ina ni Heart.

KAUGNAYAN NG ISYUNG PANLIPUNAN

Murder

May mga ilang eksena na mapapanood sa teleserye ang isyu ng murder, na kung saan pinapatay nila ang mga taong walang sala para lamang maging maganda ang mga negosyo nila at tangkilikin. Dahil sa kasakiman sa pera o dahil sa ingit nagagawa nilang pumatay ng tao para lamang umangat at sila ang kilalanin. Sa panahon ngayon dapat mas magkaroon ng linaw ang bawat problema na hinaharap sa buhay, dahil hindi lamang sa teleserye ito nangyayari kundi mas lalong laganap ito sa totoong buhay o sa pahanon ngayon at dapat bukas ang ating mga isip sa mga problema ng ating bansa ngayon.

Suicide

Maraming kabataan ang nagsusuicide dahil ang akala nila wala silang silbi sa mundo. Si heart ay masasabi nating modelo na kahit may sakit sya hindi nya iniisip na sumuko kahit sa mga problemang o pagsubok sa buhay nanatiling matatag ang kanyang loob at hindi sumusuko sa buhay. Lahat ng problema may solusyon huwag pagpapakamatay ang solusyon. Maraming tao sa paligid na pwedeng paglabasan ng iyong problema and isipin natin ang mga taong nagmamahal sa atin lalo na ang pamilya natin na sila ang nag-alaga at samahan ka nila sa mga problema sa buhay . Sa panahon ngayon dapat tayo magtulungan para mabawasan na ito sa ating bansa.

MENSAHE

Sa kabuuan na teleserye, ang mensaheng nais iparating ay lagi tayo manalig sa Diyos dahil sa Diyos walang imposible , ang pagpapahalaga ng ating ating pamilya , ang pagiging kuntento kung anong meron tayo sa buhay at ang pagpapatawad ng ibang tao. Si heart ay isang simbolong kabataan kahit sa kanyang sakit siya ay positibo loob at masayahin na bata. Siya matapang na bata kahit may mga taong masasamang sa kanyang paligid hindi sya nagpapaepekto dito at dahil sa kanyang magandang loob pinatawad nya ibang tao at pinabago nya ang ugali kagaya ng sa kanyang lola.

Welcome to a place where words matter. On Medium, smart voices and original ideas take center stage - with no ads in sight. Watch
Follow all the topics you care about, and we’ll deliver the best stories for you to your homepage and inbox. Explore
Get unlimited access to the best stories on Medium — and support writers while you’re at it. Just $5/month. Upgrade