PAG-ASA: Paparating na bagyo sa PHL ngayong gabi

News Alerts
1 min readJul 6, 2018

--

Tinatayang papasok ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility, bandang alas-6 hanggang alas-7 ng gabi. Taglay ng bagyong Ed ang lakas ng hanging 120 kph malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 145 kph.

Sa oras na pumasok sa Philippine Area of Responsibility ang bagyo ay tatawagin na itong “Edong.”

Ayon sa PAGASA, habang paparating palang ang Bagyong Edong sa bansa ay dapat nang maghanda ang publiko at ang disaster coordinating councils.

Asahan ang heavy rainfalls at thunderstorms.

Manatili sa loob ng bahay at maging kalmado. Maghanda ng sapat na pagkain, maiinom na tubig, gas, baterya, at first aid supplies. Kapag bumaha, patayin ang main switch ng kuryente.

Maging ligtas sa panahon ng sakuna. Dapat ay laging alerto at handa.

--

--