Para kay K (O kung paano dinevastate ng Tinder ang isang Cynical Romantic ng Cavite)

Itong mga billboards sa EDSA, halos kabisado ko na lahat ng tagline ng mga produktong ineendorso nila. “Just Do It”, “87000”, 2 banyagang model na nagpupumilipit habang suot ang low-rise jeans na ubod naman nang mahal, at ilang sikat na loveteams na kumakain ng burger romantically. Dito sa bus na sinasakyan ko ngayon, na hindi ko matandaan kung saan ba papunta, may mga cell numbers na nakasulat sa tapete ng bus seats. Si “JOHNY” pinagsisigawan sa buong kamaynilaan na naghahanap siya ng textmate, a certain ‘POPOY” na tila sineseduce kang imessage mo siya gamit lamang ang isang smiley face katabi ng Globe number niya. Haaayyy, Machismo nga naman, kailangan at hindi pwedeng hindi sila mag-iwan ng kanilang bakas.

Ang bilis ng takbo ng bus na’to. Akala mo rollercoaster pero hindi mo pwedeng itaas ang mga kamay mo at humiyaw, dahil una, baka sumadsad ang mukha mo sa flooring at pangalawa, para kang tanga. Pero parang gano’n din naman, kahit hindi mo gawin ang mga nabanggit ko. Kasi una, para na rin akong nakasadsad sa sahig at para na rin naman akong tanga. Metahporic ba or Ironic na matatawag kung halos lahat ng billboard sa EDSA ay nabasa ko na, pero ikaw na hindi naman isang billboard o isang bukas na aklat (dahil mas mahigit ka sa mga ito) ay para bang kaymahirap basahin? Tulad ngayon, sinusulat ko ang parteng ito nang biglang tumutog ung HOME ng TIMECOP1983, eh wala naman ako sa bahay at wala din ako sa piling mo. Metaphor o Irony? Kung si Alanis Morisette nga hindi alam ang totoong ibig sabihin ng irony eh gumawa pa ng kanta nang walang kaide-ideya, ano pa ako? isang hamakna may pusong nakakaramdam ng feelings?

Mabalik ako sa medyo mahirap kang basahin. Hindi ko alam kung saan lulugar pagdating sa iyo. Hindi ko alam kung ano ang mga tamang salitang ititipa ko sa cellphone ko habang magkachat tayo. baka kasi mangyari na naman ‘yong dati, tanda mo pa ba? Ung hindi mo ako nireplyan ng ilang araw at pakiramdam ko alam mong I’m on your hook, na naisip mo na nagpakavulnerable ako pagdating sayo, na you have the upperhand on whatever situation we are in? tapos I drunk chattedyou sinabi kong mukhang hindi talaga bagay ang MBTI personalities natin, na nagawa ko kasi for 3 days prior that inatake ako ng anxiety dahil sa pag-aasses ng sarili ko at kung ako ba ang may mali kaya uminom ako with my friends tapos ayon nga drunk chat? GOOD TIMES! G O O D T I M E S ! ! !

Pero kung hindi pa malinaw sa’yo at hindi mo ako mabasa, ipapaliwanag ko using enumeration.

  1. May mga araw na nirerepresenta ko ang mga tweets ni Melissa Broder aka @sosadtoday, ngunit napapangiti ako kapag magkachat tayo sa Instagram kahit na pwede naman sa messenger. Pero sa tingin ko ok na din sa ‘gram na lang tayo mag-usap, sa messenger seen receipts kasi tayo nagkasira noon.
  2. Sa tuwing may makikita akong mga bagay na interesado, iniisip ko agad kung magiging interesado ka rin kaya sa mga ito?
  3. May mga lugar akong nakikita tapos nai-imagine ko na andoon ako tapos tyempo andoon ka rin tapos may background music ni Carly Rae Jepsen
  4. Tuwing nag-uusap tayo tungkol sa mga pelikula o series mas umaapaw ‘yong damdamin ko sa’yo. This time nirerepresenta ko naman ang mga kanta ng Ang Bandang Shirley.

Iiwan natin sa 4 na dahilan, sa apat na items. Masyadong common kasi kapag lima, I’m trying to be a non-conformist eh, pero chika lang! Pa-pseudointellect lang ang pwet ko. Oh paano, siguro baba na lang ako banda dito. Sa totoo lang hindi ko kasi alam kung saan ba talaga ako pupunta noong naisipan kong sumakay sa bus na’to. Well, sana papunta sa’yo, that’s the agenda, pero medyo malayo pa ata ito sa inyo. Sa iyo. Pero sana baka buks o sa makalawa, malapit na. Sa inyo. Ng puso mo.

One clap, two clap, three clap, forty?

By clapping more or less, you can signal to us which stories really stand out.