DEAD BRAINS - BIOGRAPHY
Ang Bandang Dead Brains ay nabuo noong January, taon 2006 sa bayan ng Taytay Rizal, Mag dating Estudyante ng High School na mahilig makinig ng musikang Punk Rock at dumalo sa mga konsyertong Underground. At isang araw nagkayayaang magbuo ng banda.

Ang unang mga members ng banda ay binubuo nila Ringo bilang drummer, Jackzie bilang lead guitar, Kaltog bilang bassist at Johnny bilang vocals. Nag simula silang mag ensayo sa buwan ng January sa dahilang gusto nilang sumali sa isang fiesta battle of the bands na gaganapin sa bayan ng Taytay sa buwan ng February. At sa kabutihang palad hindi sila nanalo.
Lumipas ang ilang buwan nagkaroon ng konsyerto sa Culomn bar sa lugar ng Timog, Quezon City at nagsidalo ang grupo upang mapanuod. Doon nila nakilala si Lauie Brazal na Drummer Bandang Askals at inalok sila kung gusto nilang sumali ng production at mailine up sa susunod na gig. Ipinakilala sila kay Bong Espiritu ng RMD Production at Vocalist ng legendary punk band na Philippine Violators.

