Paalam

by: Habagat

Chapter 1

Gusto ko sana mag paalam,
paalam na pwede bang hanggang sa huli ikaw at tayo nalang
paalam dahil alam kong malabo mangyari ang hangang sa huli,
pero hanggang sa hangganan ipapaalam ko na mahal kita bago ako magpaalam.

hiraman ng sandali,pakiramdam na hindi mapakali, 
tipong sindali lang ng abakada ang mga nalalabi
na oras, o baka menuto di kaya segundo lang tapos magkukubli
sa labi mo at yakap akoy nangingiti
tapos na? o tatapusin ba? tanong na alam ang sagot
pero pikit parin ang mata sa puso paghumuhugot.

totohanan naman diba?
totohanan na pag tumuloy ay may masasaktan
sino? baka ikaw o baka ako at mandamay pa tayo
pero alam mo sa sarili mo na eto ang ligaya
na ayaw mo mawala at magbago.
mawala man di mababago ng katotohanan ang ligaya na dulot
ng segundo sa piling mo

nalalayo ka pagtayo’y magkasama
pagtayo mo ay masama na dahil hindi na galing sa kanya
masaya o mali ba? pero dapat walang duda
sundin nalang natin kung ano ang dapat diba?
nakakatawa dahil ang sunod ko na hilinhin ay nagtapos parin sa duda
pero sigurado naman ako na gusto ko lang makabalik ka

makabalik sa dating ikaw na walang pangamba
ngunit paalam ko sayo ay malaki ang halaga
magbabago ang lahat pag nasimulan ko na
kayanin mo sana pagpinagusapan ka nila
sa una ay ganyan, ano bang alam nila
tiwala lang sana at ako ang magdadala
ang kaliway sayo kanan naman sa kanya
maniwala ka na ang paalam ko ay para sa isat isa.


Saan

by: Amihan

Chapter 2

Paalam? Anong klaseng paalam yan? Yan ba ay ikasisiya ng puso ko o tuluyang makakapag pabago ng pagkatao ko? Paalam ba na gusto kong marinig o paalam na kahit kailan ayokong mangyari?

Tayo na’t itama ang lahat ng sa gayon ay umayon ang lahat.
 Ipaalam lahat sa may kapal ng sa gayoy Siya ang gumawa ng paraan.

Mga nakaw na sandali ni kailanma’y hindi na maibabalik. 
kahit paano sa kahit saglit, naramdaman ang pagmamahal na masasabing totoo. Segundo ng pagmamahalan, o minuto ng kasiyahan.. 
wala akong paki alam basta ang alam ko tayo’y nagmamahalan

Ako’y naaatat sa pagmamahal mong kay sarap. 
Sayo lang naramdaman ang tunay na hinahanap. 
Ngunit ngayo’y nasaan na? Maibabalik pa ba? 
Hinahanap ang higpit ng yakap.. pagmamahal na naipadama tila baga naglaho na. Nariyan pa ba, o tuluyang naglaho na? 
Mga ala-alang nakapag-bigay ngiti kung minsan ay luha din, 
habang buhay babaunin sa puso ko’y nandun din

Walang pagdududa sa isip ko’y namoo dahil alam kong umpisa palang ito ng ating maliit na kaharian. Unahin sa paghuhukay hanggang sa makarating sa bandera; Masaya mag hintay kung alam mong maganda ang resulta. 
Sa ganitong pagpapaalam, masakit talaga. 
Diyan ay iiyak ka, minsa’y makakaramdam ng pagod. 
Pero habang nakikita mong palapit na ng palapit mabuo ang munting kaharian, dun mo masasabing, ‘buti nalang nagpaalam’

Hayaan mong mahubog habang wala ka. 
Handang magtiis hanggang sa nariyan na. 
Nanaisin kong ikaw ang magdala, basta’t kasama mo Siya. 
Ngunit pano, hanggang kailan, at saan? 
Hindi na kailangan itanong pa ang mga yaan. 
Basta kung oras na, oras na

One clap, two clap, three clap, forty?

By clapping more or less, you can signal to us which stories really stand out.