“Muling Isigaw ang KALAYAAN”

Kaytagal pinilit itago sa ilalim ng mga tinig

Awit at sigaw para sa kalayaan ay madinig

Mga pilipinong pinilit maging pipi sa sariling bayan

Tiniis ang hapdi at sakit patungo sa kalayaan.

Habang tayo ay patuloy na ginigipit

Mga mananakop sa leeg tayo ay hinahawakang pilit

Sa gitna ng madilim at madugong labanan

Patuloy na hinahanap ang sinag upang kalayaay makamit

Matagal na panahon nanga ang lumipas

Mula ng ang Bayan ay sabay-sabay na nag aklas

Upang pang-aapi at pagmamalabis ay mag wakas

Ngunit bakit ang sigaw ay tuluyang humihina kasabay ng laman ng mga bayaning na aagnas.

Ang mga himig at sigaw ng kahapon tila ba’y hindi na madinig sa ngayon

Mga mamamayang nagbibingi-bingihan sa kanyang sariling bayan

Muling isigaw ang Kalayaan at gisingin ang pagka-mamamayan

Unti-unting ibalik ang pag-ibig para sa bayan

Upang ang mga buhay na ibinuwis ay hindi masayang

“Shout for FREEDOM once again”

Tried so hard to hid it under the voice

Hymn and shout for freedom to be heard

Those Filipinos who chose to be silent in their own country

Bearing the pain ang agony for freedom

While we are being oppressed

Those oppressors who keep on holding our neck

In the midst of darkness and bloody battle

We keep on finding the light and achieve freedom

A long time have already passed

Since the people refine together

For the oppressing and abusing to end

But why is the voice slowly fading as the flesh of our heroes starting to rot?

The hymn and shout of yesterday seems to be unheard today

People pretend not to hear anything from their own country

Shout for freedom once again and wake the nationalism of people

Bring back the love for ones country

Give integrity to those lives and for it not to put into waste