“Rizal as a Filipino Hero”



Rizal? Sino nga ba si Rizal? Bakit siya ang kinilalang Pambansang Bayani?

Matapang, Matalino, Maabilidad, bukas ang isipan, at handang magbuwis ng buhay para sa bayan. Iyan ay ilan lamang sa mga katangian na meron si Rizal. Upang malaman natin ang kwento at kabayanihan ni Rizal, basahin itong aking akda tungkol sa ating pambansang Bayani na Walang iba kundi si Dr. Jose Protacio Rizal Mercado Y. Alonso Reyalonda.

Ang pinakadakilang anak ng Pilipinas ay si Dr. Jose Rizal. Siya ay isinilang noong ika-19 ng Hunyo, 1861, sa Kalamba, Laguna. An unang guro ni Dr. Jose Rizal ay ang kanyang ina, si Teodora Alonzo. Siya ay pang pito sa labing isang magkakapatid, dalawa lang silang lalaki ng kaniyang kuya. Nag-aral siya sa Binan, Laguna at nagpatuloy sa Maynila. Tumungo siya sa Europa upang ipagpatuloy ang pag-aaral ng medisina. Narating niya ang maraming bayan. Maraming wika ang kanyang natutuhan. Marunong siya ng Kastila, Ingles, Pranses, Aleman, Italyano, Portuges, Olandes, Latin, Griyego, Arabe, Intsik, Ruso, Suwiso, Nippongo, at iba pa. Dahil sa kanyang pagmamahal sa sariling bayan ay nag-aral siyang mabuti. Inihandog niya sa bayan ang kanyang buhay. Nagbubukang-liwayway noong umaga, ika-30 ng Diseyembre, 1896, nang si Dr. Rizal ay barilin sa Bagumbayan (Luneta).

Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo” naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila. Ang nobelang ito na kaniyang ginawa ay nagbigay sa atin ng kaliwanagan sa mga bagay na nangyayare sa ating bansa noong panahon niya. Ito rin ang nagmulat at naging tulay para tayo ay maging ligtas sa kamay ng mga kastila. Ang nobelang ito ay hanggang ngayon ay pinagaaralan natin, hanggang ngayon ito ay nagsisilbing materyales sa ating pagkatuto tungkol sa ating nakaraan.

Ngayon ay kilala na natin si Jose Rizal. Alam na natin kung sino siya at saan siya nagmula, pati ang kaniyang pagkamatay. Ngayon, Alamin naman natin kung bakit tinawag siyang Pambansang Bayani, alamin natin ang mga sakripisyo at katapangan na kaniyang ginawa para sa ating bansa.

Si Dr. Jose Rizal, ang ating Pambansang Bayani, siya ang nagligtas sa atin sa kamay ng mga kastila. Hindi lamang sandata ang kaniyang ginamit para tayo ay iligtas sa mga nananakop at umaalipin sa atin. Ginamit niya rin ang kaniyang talino upang tayo ay mailigtas. Siya ay isang bayani dahil hindi siya nakipaglaban sa madugong paraan, bagkus ginamit niya ang kaniyang utak sa paraang alam niyang tama dahil hindi naman lahat ng laban ay kailangang dumaan pa sa madugong paraan. Lalo na’t kung alam natin na mas makapangyarihan ang papel at pluma, kagaya ng ginawa ni Rizal. Papel at pluma ang ginamit niya upang mailigtas tayo. Sa ginawa niyang ito hindi lang tayo mailigtas, naging mulat din tayo sa mga na nangyayare sa atin. Ang ginawa niyang sandata ang kaniyang akda na hanggang ngayon ay pinakikinabangan at kinukuhaan natin ng aral, kaya’t si Rizal ay Isang tatak ng Pilipino at dapat nating kilalaning bilang Bayani dahil sa kaniyang sakripisyo at talino na ibinigay sa atin.

Si Dr. Jose Rizal ang kinilalang Bayani. Siya ang naging sagisag ng ating bansa. Sinasabi man ng iba na hindi dapat siya ang bayani dahil hindi naman siya nakipagdigmaan gaya ng Ibang kinilalang nagligtas sa ating bansa ay ginamit naman niya ang kaniyang talino at kakayahan sa pagsulat na naging tulay para tayo ay mailigtas sa mga mananakop. Naging matalino si Rizal para sa ating bayan. Naging matalino siya at hindi ginamit ang dahas na karaniwang ginagamit ng mga ibang mandirigma at Ibang mga kinilalang bayani.

Kaya masasabi na si Rizal ay Isang Bayani, hindi lang dahil sa pagligtas niya sa atin kundi dahil din sa mga aral at pananaw na iniwan niya sa atin. Sa pagsulat ng nobela na nagbigay aral at nagmulat sa atin sa mga bagay na dapat natin matutunan natin. Mga akdang sinulat at ginamit niya upang tayo may maging mulat at makatakas sa pang aapi at pang aalipin ng mga dayuhan. Si Rizal ang kumatawang Filipino hero dahil inilaban niya tayong mga Pilipino sa mga nananakop sa atin. Hindi lang niya tayo basta iniligtas, iminulat niya rin tayo sa reyalidad. Marami din iniwang aral si Dr. Jose Rizal, mga aral at katagang tumatak talaga sa ating isipan gaya ng katagang “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda” Ito ang tanyag na katagang nagmula sa ating pambansang bayani na si Dr.Jose Rizal na nagbibigay kahalagahan sa wika sa buhay ng isang tao. Isang inspirasyonal na kataga at kapupulutan ng aral tungkol sa pagpapahalaga ng wika. Kahit maraming wikang banyaga ang alam na sabihin ni Rizal, hindi niya tinalikuran ang kanyang bansa at pinalagahan ang wikang Tagalog na isa sa mga parating ginagamit ng mga Pilipino noon. Kaya natutunan natin na mahalin ang sariling wika natin, natutunan natin na pahalagahan at pagyamanin ang sariling atin, dahil sa aral na iniwan ni Rizal. Isa pang kataga na galing kay Rizal ay ang “Ang kabataan ang pagasa ng bayan” Ito ang isa sa mga sinabi ni Rizal. Siya ay naniniwala na ang mga kabataan ang pagasa ng bayan, kabataan ang magiging daan para ang ating bansa ay magyabong at maging maayos dahil naniniwala siya sa kakayahan na meron ang mga kabataan.

Kaya bilang isang magaaral at kabilang sa kabataan, Dapat tayo ay maging mabuting ihemplo sa iba pang nakakabata sa atin, dapat alam natin ang ating responsibilidad kahit tayo ay bata pa. Kailangan natin matutunan ang tamang asal at ang tamang pagpapahalaga sa sarili nating bansa. Gaya ng paniniwala ni Rizal na tayo ang magiging pagasa ng bayan, dapat ito ay ating gampanan dahil ibinuwis niya ang kaniyang buhay para sa atin kaya’t dapat ang tungkulin natin ay gampanan natin ng tama. Mahalin natin ang ating sariling wika, at ang ating sariling bansa.

Regine Catangay
4 min readFeb 8, 2021

--

--