May isang musmos na palaboylaboy …

Sa kalsadang walang hangganan
May isang batang binabagtas ang daan
Wala man siyang tiyak na paroroonan
Hangin na lang ang kanyang susundan

May isang musmos na palaboylaboy…

Pilit nilalandas ang mundo ng kawalan
Inaakala na ang buhay ay walang katuturan
Uhaw sa pagmamahal at katotohanan
kailan ko kaya matitikman ang mundo ng kasiyahan?

May isang musmos na palaboylaboy…

Luray luray na ang damit
Pangamba sa puso’y nakakabit
Madungis at gusgusing katawan
Pighati at galit, kailan pakakawalan?

May isang musmos na palaboylaboy…

Nawawalang tupa ay kanyang kapares
Hinagpis sa puso’y walang bumabatid
Tulo ng luha niya’y walang patid
Tila hinanahanap ang Pastol na sa kanya’y maghahatid

May isang musmos na palaboylaboy…

Panay ang tungyayaw, nais makalaya
Sa mundo na siya’y itinakwil,‘di na naawa
Umiiyak, sumisigaw at tumingala ng bahagya
Lumiwanag ang mukha ng maaninag ang barandila

May isang musmos na palaboylaboy…

Desperadong makilala,tunay na may likha
Umaalab na puso lalo’y sumiklab
Tuwa, galak, pag-ibig ay lumaganap,
O! Kay sarap isigaw! Ako ay nahanap!

…natunton na ang paroroonan.

Ang mga taludtod na nasa normal na teksto ay mga gawa ni Sol (Plumapatak), at ang mga naka-italisadong teksto naman ay gawa ni R.A..

A poetry collaboration with my best friend. Originally published at plumapatak.tumblr.com

Like what you read? Give rae sab a round of applause.

From a quick cheer to a standing ovation, clap to show how much you enjoyed this story.