PAMILIHAN vs ONLINE SHOP

John Rey Arquero
6 min readFeb 5, 2019

--

PAMILIHAN ?
ONLINE SHOP ?

Ang pamilihan ay mahalagang bahagi ng buhay ng prodyuser at konsyumer.Mas mainam na gamitin ang pamilihan sa pamimili kaysa sa online shop.Bakit?Sapagkat sa pamilihan nasisiguro mo ang kalidad ng isang produkto hindi tulad sa online shop kailangan mo pa ng gadgets at internet connection para lang makapamili ka nang gusto mong produkto.Sabi ng iba pag sa online ka daw bumili, mura at branded daw,porket sa online ka bumili hindi mo pa rin masasabi na branded eh kapareho lang naman niyan ang mga nasa mall.Hindi mo rin masasabing mura dahil kapag kinwenta mo ang gastos sa pagpapadiliver o pick up kaparehas din lang naman sa pamimili mo sa pamilihan.Ang pamilihan talaga ang dapat na gamitin sa pakikipagkalakalan sapagkat ito ang nagoorganisa sa ugnayan ng konsyumer at prodyuser.Dito nagsisimula ang paglago ng ating ekonomiya.Palengke,mall,bangketa,supermarket,talipapa at kung ano ano pang klase nang pamilihan ang matatagpuan sa ibat ibang panig nang mundo.Sa pamilihan maraming produkto at serbisyo ang makukuha mo,hal.sa pamilihan makabili ka ngang mga prutas at gulay sa online shop ba makakabili kanang ganong mga produkto?Kaya mas magandang mamili sa pamilihan kaysa sa online shop.Pamilihan,ito ang nagsisilbing lugar ng interaksyon ng prodyuser at konsyumer na kung saan and prodyuser ay makakapagbenta ng bilihin at ang konsyumer ay makakahanap ng kanyang pangangailangan at kagustuhan. Samantala ang Online shop ay isa ring uri ng pamilihan dahil mayroon itong interaksyon ng prodyuser at konsyumer ngunit ito ay magagamit lamang gamit ang ;Mobile Phones,Computers,Laptop,at iba pa gamit ang Internet.Ang pamilihan ay nasa moderno nang panahonsa kasalukuyan.Marami nang makabagong teknolohiya ay naimbento nang mga tao na nakakatulong upang mapadali ang mga gawin ng tao. Marami ng paraan ang tao para hindi na mahirapan at umalis ng bahay para maghanap ng mga gamit sa bahay.Mayroon nang cellphone na may application gaya ng O-shopping, Lazada, Shoppe at iba pa na mas makakapagpadali sa pagbili ng gamit o mga produkto .Minsan ay free shipping pa para madeliver ang inorder ng tao na gamit sa bahay . Pero hindi dito ang lahat ng gusto mong bilhin.Sa Pamilihan naman ay ang lugar na nagkakaroon ng interaksiyon ay ang konsyumer at prodyuser. Sa palengke ay isang halimbawa ng pamilihan dito ay may mga sari-saring produkto na makikita.Pero saan nga ba mas effective bumili o san nga ba mas magandang magshopping sa pamilihannga ba o sa online shop ?

Base sa naging survey ng mga mag-aaral sa ika-9 na baitang. Mas mahigit kumulang 80% ng tao ang pabor sa pamilihan at 20% naman sa online shop.Kung ating iisipin bakit nga ba maraming pabor sa pamilihan ? Ito ay dahil sa mas maraming tao ang nasa probinsya ang nasurbeyan, at kaunti lang ang pabor sa mga nasa

SIYUDAD

Siyudad. Kung ating iisipin ng maigi sa pamilihan bumibili kadalasan ang mga nasa

PROBINSYA

Probinsya hindi tulad ng nasa siyudad marahil malakas ang network doon kaya mas magagamit nila ang online shop para sa kanilang pag-shoppong o pagbili ng mga produkto o mga kinakailangan o Ito rin ang batayan ng prodyuser ng kanilang kahandaan at kakayahang magbenta ng mga takdang dami ng mga produkto at serbisyo.

Ang pamilihan ay maaring Lokal sari-sari store Panrehiyon- abaka, dried fish, durian Pambansa- bigas Pandaigdigan -online shop Pamilihan,dahil sa simula pa lang ng pagkabuhay sa mundo ng ating mga lolo’t lola,sa pamilihan na sila bumibili ng mga produkto na kailangan nila sa pang araw-araw na buhay. Sa pamilihan din tayo makakakita o makakabili ng mga pang-agrikultural na produkto gaya ng sibuyas,kamatis,bawang,luya at iba pa na nasa Bahay Kubo, hindi tulad ng sa online shop kadalasan kagamitang pangkusina;gaya ng kawali,kaldero,takore at iba pa ang ating makikita lalo na sa online shop na O shopping, Lazada, Shoppe at iba pa.

TAWADAN

Sa pamilihan ,dito tayo makakahingi ng tawad o karampatang bawas sa bibilhing produkto,halimbawa may isang bibili ng kamatis subalit 20 pesos lang ang kayang bilhin niya ngunit 25 pesos ang presyong ipinagbibili ng nagtitinda,nagkakaroon ng tawadan ang konsyumer sa prodyuser, kung iisipin natin nakakatuwa ang ganitong mga eksena sa pamiliha,kahit lugi ang prodyuser masaya parin ito lalo na kung kamag-anak ang binigyan niya ng bawas ang presyo. Sa pamilihan din tayo magkakaroon ng pagkakataon na mahawakan,madama,at maamoy ang mga produkto na ating bibilhin.

Hindi tulad ng sa online shop kung ano ang detalye na ating makikita sa isang produkto iyon agad ang ating makikita kaya wala tayong magagawa kundi bilhin ito hindi mo rin malalaman kung maganda baang quality ng produktong ito,kung matibay ba ito o hindi? Kung ating iisipin mas maganda parin sa pamilihan dahil ma’s makakapili tayo ng mga gusto natin,malaya tayo ng humawak ng mga produkto na nais nating bilhin. Sa pamilihan,dito parin tayo makakabili ng kahit ano-anong produkto gaya ng

Mga;gulay,prutas,isda, karne,alahas,plaka o Compact Disk,kagamitang pang-kusina,mga herbal na gamot,bigas at iba pa.

Kung inyong iisipin hindi tayo makakabili o makakashopping sa online shop lalo na kung walang kuryente,paano natin magagamit ang ating mga cellphone kung low-bat ang mga ito.Marahil tama ang naging desisyon ng mga kabataan na sa pamilihan parin dapat bumili ng mga produkto dahil ito ang namulatan natin simula ng bata pa lamang tayo. Kung ating ibabalik tanaw,masaya ang bumili sa pamilihan lalo na kung kasama ang buong pamilya. Sa pamilihan din tayo makakakita at makakarinig ng mga tao na halos ang iingay na, ngunit masaya parin dahil sa kasama ang buong pamilya. Sabi mga nila “FAMILYHAN IS KAILANGAN NG BAYAN”. Kaya ang boto ng mga kabataan sa naging survey namin ay sa “PAMILIHAN”.Dapat maging matalino tayo sa pagbibili o pamimili sa mga pamilahan o kahit sa online shop dahil kung matalino tayo malalaman natin ang isang bagay o produkto kung matibay ba ang mga ito hindi kung local ang mga ito o peke .

--

--