R.I.P Anime on Philippine TV?

Sa kasaysayan ng Telebisyon sa Pilipinas, di natin maikakaila na isa sa mga pinapanood ng mga Pilipino lalong lalo na yung mga tinaguriang Batang 90’s ay ang mga Anime. Pero bakit sa paglipas ng panahon ay unti-unti nang kumokonti ang mga Anime na pinapalabas sa Telebisyon lalong lalo na sa mga tinaguriang “Pang-Masa” Stations?

Tayo’y magbalik tanaw… Unang ipinakilala ang Anime sa Pilipinas noong 1978, kasagsagan ng Martial Law. Sa nasabing taon ay umere ang tinuturing ng mga karamihan na kauna-unahang Anime sa Pilipinas, ito ay ang VOLTES V.May 5, 1978 unang umere ang VOLTES V sa RBS-7 (GMA). Bago pa man tuluyang umabot sa kasukdulan ang nasabing palabas ay ipinag-utos ni Dating Pangulong Ferdinand Marcos sa mga TV Networks na ipatigil at ipagbawal ang pag-ere ng mga Mecha Animes sa Philippine TV tulad ng Daimos at Mazinger Z sa kadahilanang baka ito ang maging dahilan ng pagrebelde ng mga kabataan noon.

Matapos ang Martial Law at Diktaturyang Marcos ay agad namang bumalik ang sigla ng mga Telebisyon sa Pilipinas. Sa muling pagbabalik ng VOLTES V sa ere ay unti-unting umusbong o dumami ang mga Animes na pinapalabas noon sa telebisyon.

Higit na mas nakilala ang Anime sa Pilipinas magmula ng i-ere ng noo’y Government Channel na RPN ang DRAGON BALL noong kalagitnaan ng Dekada Nobenta. Ipinalabas naman ng GMA ang GHOST FIGHTER na nagtala ng may pinaka-mataas na household ratings na nasa 49% ayon sa AGB Nielsen.

Magmula nang umusbong ang Bagong Milenyo ay nauso ang mga tinatawag na “Anime Block”. Inilunsad noon ng GMA ang ANIME ASSAULT. Isang Anime Block sa Primetime na nag-eere ng mga sikat na Anime noon tulad ng MONSTER RANCHER, HELL TEACHER NUBE, TRIGUN, RANMA 1/2, BUBBLEGUM CRISIS, VISION OF ESCAFLOWNE, FUSHIGI YUUGI at marami pang iba. Samantala, inilunsad din noon ng ABC (TV5) ang Anime Block nila noon na ANIMANIA. Sa kanila unang umere ang mga kilalang Anime sa ngayon tulad ng TIME QUEST, SAILORMOON, SLAM DUNK, mga piling TOKUSATSUS at marami pang iba.

Lalong sumikat ang Anime sa Pilipinas magmula 2000 hanggang 2009 dahil na rin sa pag-ere ng ABS-CBN ng mga Anime sa Hapon at Gabi tulad ng BT’X, Yu-Gi-Oh!, CARDCAPTOR SAKURA, RAGNAROK THE ANIMATION, NARUTO at iba pa.. Hindi rin nagpadaig noon ang GMA. Nilabas nila ang mga pinaka-sikat na mga Anime noon sa Japan tulad ng LOVE HINA, FULLMETAL ALCHEMIST, FULL METAL PANIC. Dumating ang taong 2003, nilunsad ng ABS-CBN ang kanilang kauna-unahang Asianovela na ipapalabas sa kanilang istasyon. Ito ay ang METEOR GARDEN. Isang Taiwanese Drama Series na hango sa sumikat na Manga at Anime na HANAYORI DANGO. Sa pag-ere ng nasabing palabas ay unti-unti umusbong o dumami ang pagpapalabas ng mga tinaguriang Asianovelas sa Pilipinas tulad ng LOVERS IN PARIS, MY MVP VALENTINE at kung ano ano pa.. Ang pag-usbong ng mga Asianovelas ay siya ring unti-unting pagwala ng mga Anime sa Telebisyon lalong lalo na sa Hapon at Gabi. Noong mga panahon na iyan ay bihira ka na lang makakapanood ng Anime sa Hapon. Ang pinaka-madalas na ay tuwing umaga.

Oktubre 2005, inilunsad ng ABS-CBN ang kauna-unahang Filipino Dubbed Anime Cable Channel sa bansa. Ito ay ang HERO TV na nagdiwang ng ika-10 taon nito noong 2015. Sa kasamaang palad ay hanggang sa cable mo lang ito masusubaybayan sa pamamagitan ng SKY Cable.

Muling nabuhay ang Anime sa Primetime noong 2008. Matapos i-launch ng MPB Primedia Inc. at Associated Broadcasting Company ang TV5 noong August 9, 2008. August 11, 2008 ay muling nabuhay ang Anime sa Primetime sa pamamagitan ng TV5. Unang mga Anime na umere sa kanilang istasyon matapos ang grand launch ay ang YAMATO NADESHIKO at SHAKUGAN NO SHANA. Muling namayagpag ang Anime TV5 noong November 2008 natapos nitong ilunsad ang nag iisang Anime Block noon na mapapanood lang sa Primetime.. Ang “TV5 AniMEGA” ay umeere mula 6pm hanggang 8pm at may Weekend AniMEGA Marathon tuwing Sabado at Linggo mula 12pm hanggang 5pm. Kasabay ng paglulunsad ng nasabing Anime Block ay ipinalabas din nila ang mga tinuturing na mga sikat na Animes noon sa Japan tulad ng SHAKUGAN NO SHANA II, Mai-HiME, ang kauna-unahang Sci-Fi Anime na Noein. Ngunit sa lahat ng iyan, Pinaka-namayagpag noon ang anime na CODE GEASS.

Dumating ang taong 2009, mas lalong pinalakas ng TV5 ang nasabing Anime Block sa pagpapalabas ng CODE GEASS R2. Higit pa riyan, gumawa ng kasaysayan sa Philippine Free TV ang TV5 dahil sa pag-ere ng isa sa mga natatanging Anime.. May 29, 2009 umere ang tinaguriang Most Awaited Anime noon na FULLMETAL ALCHEMIST BROTHERHOOD. Umeere ito noon tuwing Biyernes ng Gabi sa oras na 7:30pm. May dahilan kung bakit isang Episode lang ang pinapalabas nila kada linggo, Fresh from Japan ang pinapalabas nilang mga episodes ng FMA Brotherhood noon kada linggo. Kauna-unahan sa Philippine Free TV na magpalabas ng isang Anime na umeere din sa Japanese Television noong 2009. Lalo pa itong lumakas bago matapos ang taon hanggang 2010 sa pagpapalabas ng mga Animes tulad ng Clannad at D.Gray-Man.

Dahil sa paglulunsad noon ng bagong TV5, April 2010 ay pansamantalang tumigil sa ere ang tinuturing natin ngayon na “Legendary Anime Block sa Free TV”. Tanging FMA Brotherhood lang natira noon sa Primetime.

Bumalik noong 2011 kasabay ng pagpapalabas ng bago nilang Anime at kauna-unahang Gundam Franchise na pinalabas in Digital Format at Gundam Franchise na pinalabas ng TV5, ang GUNDAM 00. Matapos ang apat na buwan ay agad din ito nawala sa ere. Muling nagbalik nitong 2015, kasabay nito ay pinalabas ng TV5 ang isa sa mga Trending Anime noon, ang SWORD ART ONLINE.

September 2015, tumigil ang TV5 sa pag ere ng mga Anime. May iba pa rin mga istasyon ng telebisyon tulad ng GMA ang patuloy na sumasalba ng mga Anime sa pamamagitan ng pag-ere ng mga one-to-sawa re-runs tulad ng Flame of Recca, Dragon Ball Z, Knock Out at iba pa.. Ang ABS-CBN naman ay nag-eere pa rin ng mga Animes pero mga pili lang tulad ng Naruto Shippuden, Kurokos Basketball at Haikyu!. Habang ang mga bago nilang animes ay napupunta sa HERO TV at sa kauna-unahang Free-to-Air Digital Channel na dedicated para sa Cartoons at Anime na YEY! Hanggang sa ngayon ay wala pa ring pinapalabas na Anime ang TV5 matapos ang mahigit pitong buwan.

Ngunit marami pa rin ang umaasa na mag-ere sila ulit ng mga Anime kahit man lang sa Hapon or Weekend Mornings..

May iba na umaasa na lamang sa internet dahil na rin sa maraming selection ng Animes na pwede nating mapanood depende sa ating panlasa na karamihan ay Japanese Audio with English Subtitles or English Dub.. Pero iba pa rin siyempre kapag nanood tayo ng mga Animes sa sarili nating lenggwahe.

Tulad nga ng kasabihan ni Gat. Jose Rizal, “Ang di magmahal sa sariling wika ay mas masahol pa sa malansang isda”.

Show your support

Clapping shows how much you appreciated Rinalyn Santos’s story.