Rose Ann Delos Santos
2 min readAug 29, 2021

Mga kabataan: Noon at Ngayon

Ano nga ba ang pinagkaiba nang mga kabataan ngayon sa mga kabataan noon?

Marami na ang nagbago, tama?

Kaya ngayo’y tatalakahin natin ang tungkol sa pagkakaiba nang mga kabataan noon sa kabataan ngayon. Handa na ba kayo?

Marahil ay handa na…

Noon, sinasabi nila na ang mga kabataan ang pag-asa nang ating bayan. Subalit, sa panahong ito’y mukhang nag-iiba na ang turing nang mga tao o mga nakatatanda sa mga kabataan ngayon. Dahil sinasabi na nila na ang mga kabataan sa panahon ngayon ay ang siyang nagiging salot nang bayan. Hindi ba’y ang laki nang pagkakaiba?

Mula sa sinabi nilang… “Ang mga kabataan ang pag-asa nang bayan.” Hanggang sa… “Ang mga kabataan sa panahong ito’y salot sa lipunan.”

Noon ri’y ang mga kabataan ay nakikitang naglalaro sa labas sa tuwing wala nang gagawin sa loob ng bahay. Maging ang mga kabataang babae’y hindi lumalabas nang bahay dahil mas mabuting tingnan na ang isang babae ay nananatili lamang sa loob nang kanilang bahay. Pero ngayon… Makikita mo na ang mga kabataan ngayo’y nasasama na sa gulo, napapabarkada. Maging ang mga kabataang babae ay hindi na napipirmi sa loob nang bahay.

Makikita mo na kung kani-kaninong mga lalaki ito kung sumasama o napababarkada.

Sinusuway ang payo nang kani-kanilang mga magulang. Minsa’y inaabot na nang umaga sa bahay nang ibang tao.

Hindi ba’t ang dami talagang pinagkaiba nang mga kabataan noon sa mga kabataan ngayon.

Pero…

Kahit na ganoo’y may iba pa rin naman na hindi nakakalimutan ang mga nakasanayang tradisyon ng ating mga ninuno noon.

Marami pa ring kabataan ang hindi nagagawang labagin ang utos nang kani-kanilang mga magulang. Hindi nakikipag kaibigan sa mga kabataang alam nila na hindi maganda ang dulot sa kanila.

Nariyan pa rin ang mga kabataan na walang ibang inisip kundi ang makapag tapos nang pag-aaral at makatulong sa mga magulang, balang araw.

Hindi nakakalimot sa mga hirap na kinaharap nang kani-kanilang magulang. At sa kung anong sakripisyo ang ginawa nang mga ito para lang maitaguyod sila at mapag-aral nang maayus.

Maraming kabataan ang hindi pinagtutuunan nang pansin ang kani-kanilang mga gadyet. Dahil isinasaalang alang nila na mas mabuting tumulong sa mga gawaing bahay kaysa ang maghapong magbabad sa cellphone at iba pa.

Iyan lamang ang paningin ko na pagkakaiba sa mga kabataan noon sa mga kabataan ngayon.

Ikaw?

Anong sa tingin mo ang iba pang pagkakaiba nang mga kabataan noon sa mga kabataan ngayong henerasyong ito?

Maaari ko bang malaman kung ano iyon?

Rose Ann Delos Santos
0 Followers

Panda lovers Want to be a successful Writer, someday.