Kita Kita: not a movie review | ped xing on WordPress.com
I’m not big on movies (meaning I don’t have an external disk drive full of them) but I want to be able to watch some really good ones. And it takes a few days for me to get over when I watch one. The movie in question is Spring Films’ “Kita Kita”.
This is not a review. This is just me gushing out #feels because I was able to watch this much-awaited movie on MY BIRTHDAY! Yes, #capslockparaintense. This is me having an i-ba-blog-ko-yan-moment.
Isa. Isang napakagandang pelikulang hindi dapat palampasin. Teaser trailer pa lang, bumenta na agad sa akin.
Dalawa. Dalawang beses akong nanood. (Shh, secret lang dahil hindi alam ng nanay ko. :D) Pinanood ko sya uli dahil kailangan ko ng closure.
Tatlo. Tatlong buwan kong hinintay to at sa tatlong buwan na iyon ay paulit-ulit kong hiniling na ipalabas sa amin sa showing day. (Mabuhay ka Robinsons Cinema Gensan! Hindi ako heartbroken sa birthday ko.)
Apat. Apat na beses kong pinigilang magkwento para hindi spoiler sa mga kaibigan kong hindi pa nakakapanood. (Nakapanood na sila ngayon.)
Lima. Limang beses ko atang shi-anre sa timeline ko sa FB yung tungkol sa pelikula — trailers at isang video.
Anim. Anim na beses akong tumawa nang malakas na parang hahampasin ko yung katabi ko. Except that wala akong katabi.
Pito. Pitong minuto ng katahimikan ang aming pinagsaluhan matapos mabundol si Tonyo.
Walo. Mga walong tao lang ata kaming nanood sa first day, at least sa 6pm timeslot sa sinehan. Pero laban lang. Dadami rin bukas. Dumami nga 😀 The news has spread! The cinemas were convinced!
Siyam. Siyam na tao na ang nasabihan kong manood kasi maganda talaga yung pelikula. Siyam and counting. Ikaw rin, manood ka na.
Sampu. Sampung minuto pa akong nakangiti pagkalabas ng sinehan. Mula Robinsons hanggang sa sakayan pauwi.
I am a work in progress. I like to write. View all posts by pedxing
Originally published at rrandomroma.wordpress.com on July 24, 2017.
