Unity March Transcript: PSHS-MC Alumni

A boy lights a candle in honor of the people whose names were engraved on the Bantayog ng mga Bayani. Photo by Thomas Balete.
Speaker Barry Gutierrez with his former teacher, Cristina Bawagan — a Martial Law survivor. Photo by Thomas Balete.

Barry Gutierrez (Batch 1990)

Magandang hapon sa ating lahat.

Una, maraming salamat sa pagkakataon na makasama sa inyong pagkilos ngayong hapon. Medyo matagal-tagal na akong graduate sa Pisay. In fact, kami yung nag-silver jubilarial last year. Isipin niyo na lang gaano katagal iyon. At sa buong pag-stay ko sa Philippine Science, hindi ako nakapag-attend ng kahit anong rally. Ngayon pa kung kailan matagal na akong graduate ako nagkaraon ng pagkakataon, so maraming salamat sa inyo sa pagkakataong iyon.

Nagsasalita ako dito hindi lang bilang alumnus ng Philippine Science. Kung hindi ninyo alam, isa ako sa mga abogado na humarap sa Supreme Court doon sa pagsampa nga ng kaso kung saan isa sa mga petitioners ay ang aking guro, si Ma’am Tina Bawagan, at iba pang mga matatapang na Pilipino na noong panahon ng Martial Law na tumindig laban sa diktadurya. Dahil doon ay dumaan sila sa napakahirap na pagdurusa sa kamay ng mga galamay ni Marcos at ng diktadurya.

Noong sinampa namin ang kasong ito noong Agosto, hindi ko akalain na pagkatapos lamang ng ilang buwan ay ang kinahinatnan nito ay ‘yung nakita natin noong Martes. Ibig sabihin, hindi ko rin akalain na sa linaw ng batas, sa linaw ng sinasabi ng ating konstitusyon, sa linaw na sinasabi mismo ng mahigit 30 desisyon ng ating Korte Suprema ay babaligtarin ng siyam na mahistrado ng Korte Suprema ‘yung matagal nang na-settle — mula noong 1986 noong pinatalsik si Marcos at sinundan ng napakaraming pronouncements ng ating Kongreso, ng ating Korte Suprema, at ng ating Executive Branch.

Ayaw ko nang i-discuss nang mahaba pa ‘yung merito ng mga kaso. Gusto kong sabihin lang ang isang simpleng bagay.

Maraming nagsasabi sa mga nakaraang araw na ang problema naman daw kasi ay walang batas na nagbabawal kay Marcos na ilibing sa Libingan ng mga Bayani. Ito ay isang maling statement. Simple lang naman ang paliwanag diyan.

Ilang taon na kayo dito? 16, 17? 14? Sino sa inyo entitled sa senior citizens’ discount kapag pumunta kayo sa alinmang drug store, restaurant, o anoman.

*Cristina Bawagan, Social Science teacher, Martial Law survivor, and speaker, shouts “Ako!” drawing laughter from the audience*

Bukod kay Ma’am Tina. Sa inyo, wala. Pero meron bang batas na nagsasabi na kayo mismo ay bawal tumanggap ng senior citizens’ discount? Meron bang batas na nagsasabi noon? Wala. Pero sinasabi na ang pwede lang mag-avail ng senior citizens’ discount ‘yung tao na at least 60 years old. Ganoon din sa kaso ng Libingan ng mga Bayani.

Totoo, walang batas na nagsasabing specifically “Marcos, bawal kang ilibing sa Libingan ng mga Bayani” pero malinaw na malinaw kapag ni-review natin ‘yung iba’t ibang pronouncements mula noong panahon ni Magsaysay noong siya pa ay Presidente hanggang pinaka-recent na ‘yung reenactment ng Republic Act 10368 or yung Marcos Human Rights Victims Compensation Law na hindi pwedeng bigyan ng parangal, hindi pwedeng ituring na bayani ang isang taong tulad ni Marcos. Ito lang ay para sa mga tao na, sa language ng batas “deserving of the nation’s esteem and reverence.”

Itatanong ko sa inyo, si Marcos ba nagqu-qualify para doon sa standard na iyon? Siya ba ay isang taong dapat maging worthy ng nation’s esteem and reverence? Dapat ba natin siyang bigyan ng parangal? Tingin ko naman malinaw na malinaw na ang sagot ay hindi.

Tingnan ang mga pangalan dito sa likod. ‘Yan ang mga halimbawa ng mga tao na dapat nating bigyan ng parangal — ‘yung mga tumindig para sa ating demokrasya, ‘yung mga nagbuwis-buhay para sa karapatan ng ating mga kapwa Pilipino, ‘yung mga naging biktima ni Ferdinand Marcos. Hindi [bayani] si Ferdinand Marcos na siyang arkitekto ng pagdurusa ng libo-libong mga Pilipino, siyang arkitekto ng pagyuyurak ng ating demokrasya, siyang responsable sa pagnanakaw ng bilyon-bilyong piso — ‘di nga, bilyon-bilyong dolyar — mula sa kaban ng ating bayan na ipaaalala ko lang ay hanggang ngayon hindi pa naisasauli ng kanyang pamilya at kanyang mga alipores noong kanyang panahon.

So napakalinaw — merong malinaw na batayan para ‘wag payagan ang paglibing ni Mr. Marcos sa LNMB at hindi totoo na ang Korte Suprema ay tali ang kamay dahil wala namang batas. Merong batas, merong konstitusyon, merong mga Supreme Court decisions, at kahit wala pa lahat ng mga ito, meron tayong malinaw na kasaysayan.

Siguro huling bagay na lang ang aking sasabihin kasi marami pang magsasalita — ‘yung ating konstitusyon na in-adapt noong February 2, 1987 pagkatapos ng EDSA Revolution. Maraming mga probisyon diyan mula expanded power ng ating Korte Suprema na i-review ‘yung precisely ‘yung ginawa ni President Duterte noong pinili niyang ilibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani tungo sa mga probisyon na nagtayo ng mga bodies tulad ng CHR na ang malinaw na intensyon ay magsilbing bantay, magsilbing safeguard, laban sa pagkakaulit muli ng Martial Law, sa pagkakaulit muli ng isang diktadurya dito sa ating bansa.

Kaya nilagay ‘yan diyan ay ayaw ng mga tao na dumaan sa Martial Law na ‘yung mga leksiyon na natutunan nating noong mga panahong iyon — 20 years of dictatorship — ay makalimutan, at na kailangan na ang mga tao ay dumaan ulit sa madidilim na mga araw na pinagdaanan ng mga panahong iyon. Ngunit sinabi din, at malinaw din, sa framers ng constitution na kahit anong safeguard ang ilagay pa sa konstitusyon, sa dulo, ang pinakamalakas na guarantee na hindi na mauulit ‘yun ay kung ‘yung mga tao mismo, kayo, tayo, ay titindig, iintindihin kung bakit nandiyan ang mga safeguards na iyan at hindi hahayaan na iyan ay labagin. Ibig sabihin, kahit ano pang nakalagay sa ating konstitusyon, kahit ano pang patakaran ang nakalagay sa ating batas, kung ‘yung mismong mga mamamayan ay hindi handang kumilos, hindi handang magbantay, hindi handang mag-assert ng kanilang mga karapatan, maaaring maulit muli ‘yung ating dinanas noong panahon ng Martial Law.

Kaya nga sinasabi ko kanina na malaki ang aking pasasalamat, malaki ang aking galak sa inyong lahat na nasa Philippine Science kayo. Marami pa sa inyo’y hindi pa bumoboto pero handa na kayong tumayo para intindihin kung ang leksiyon ng ating kasaysayan at para depensahan ang pinaglaban nating mga karapatan at pinaglaban nating demokrasya noong panahon ng Martial Law. Mabuhay kayong lahat. Sana hindi kayo magsawa. Buong-buo ang aking loob sa darating na panahon kung ang mamamayang Pilipino ay magiging tulad niyo sa pagmamahal sa demokrasya. Sa pagiging vigilant sa mga prinsipyong pinanghahawakan bilang isang republika, magiging mabuti ang ating hinaharap na kinabukasan.

Maraming salamat. Mabuhay kayong lahat at magandang gabi.

Pisay students light their candles in honor of the Martial Law martyrs. Photo by Thomas Balete.

Atty. Krissy Conti (Batch 2000)

Magandang hapon sa inyong lahat. Ako ay si Krissy Conti, Batch 2000. Umabot pa po ako sa millennial generation kaya pare-pareho tayo. Hindi ako biktima ng Martial Law. Wala rin akong kilalang kamag-anak ko na nagkwekwento sa akin ng pagkabiktima sa Martial Law. Pero apektado ako sa nangyaring desisyon ng Macros burial. Nagpagupit na nga ako. Similar ito sa feeling pag heartbroken ka. Diba ito ang ginagawa ng mga heartbroken? Nagpapagupit, bagong anyo. Ang heartbreak na ito na dinulot ng Supreme Court ay kakaiba. Parang akala mong, parang tinatanong nga sa akin, Bakit ka apektado? Sino ka ba? Ano ang nangyari sa’yo? Ano ngayon?

Ang heartbreak na ito ay dahil maiiba, naiba na, ang tutunguhin ng ating kasaysayan. Nagtiwala ako sa ating Korte Suprema. Ang ating Supreme Court, sa kanilang mga desisyon, ito ah, bilang abogado. Nagdesisyon sila noong 1986, 1988 sa kaso ng Marcos vs. Manglapus. Ito yung kaso na kung saan ay nagsabi ang NEDA na, ibabalik ko si Marcos sa Pilipinas. Sabi ni Cory, ayaw ko. Sa kasong iyon, sabi ng Supreme Court, DIKTADOR si Marcos at ipinalayas natin siya. Hindi natin maipapatawad ang twenty years of political, economic and social haga- sabi ng Supreme Court ‘yon. 1986, o 1989, o kung ano man. Galman vs. Aquino. Ang kasong ito ay tungkol sa pagpatay, pag-assassinate kay Ninoy Aquino. Sinabi ng Supreme Court noon na itong mga Marcos, nakialam sa Aquino-Galman murder case at sila ay, kung baga, hindi nila inaksyunan ng tama, hindi nila ginampanan ng tama ang kanilang tungkulin. Si Ferdinand Marcos, bilang Presidente. Nandiyan ang ating batas, ang R.A. 10368, o ang Human Rights Victims Reparation and Recognition act. Importante ang recognition at ang pagkilala na mayroong human rights violations na nangyari sa panahon ni Marcos, under his regime.

Ibalik natin sa kaso ng Republic vs. Sandigan Bayan. Sabi noon ng Supreme Court na si Marcos ay isang plunderer. Ang kanyang kinuha, ang kanyang sinamsam, ay hindi naman dapat sa kanya. Ang inilit na pera sa PCGG, Presidential Commission on Good Governance, at ng iba pang mga ahensya ng gobyerno ay, umabot na ng bilyon. Sa kaso ng Republic vs. Sandigan Bayan, alam niyo kung magkano? 658 million dollars! Ang sinabi ng Korte Suprema, ay hindi kanya, hindi kay Marcos ‘yan. Lahat ng desisyon na ito, talagang papanaligan mo eh, TAMA ang sinabi niya. Pero itong pag-decide ng Supreme Court sa isang paraan na very cowardly. Sabi niya, eh wala namang nagsabing bawal eh. Pwedeng ilibing sa Libingan ng mga Bayani. Eh kung ganun, kahit na sinong Clerk [of Court], na sabihing, ah ito naging soldier! Ah ito, naging Presidente! Che Che! Sige, ilibing niyo na lang. Kaya hindi na natin kailangan ng Presidente.

Kaya ngayon, ano ang kailangan nating gawin? Pinagsasakluban na tayo ng langit at lupa. Eh, ano pa? Hanggang candle lighting na lang ba tayo? Hindi. Marami pang pwedeng gawin, pero pagsisimulan natin ‘yan sa mga small steps. Kanina, nag hanay ang National Union of People’s Lawyers, NUPL, na pang-TRO. Sinabi namin na teka, hindi niyo pa po pwedeng ilibing si Marcos habang hindi pa final and executory yung desisyon. Sana suportahan po ng taumbayan ang ganitong paninindigan, maski yung mga pro-Marcos. Kasi kailangan nila ng finality eh, gusto nila yan eh, closure, finality. Eh paano kung nanalo sa MR, eh ano, ipapahukay natin ‘yan? At saan natin ilalagay ‘yan? Ipapasunog, ganun? Ang sabi namin, sandali lang po, hindi pa ‘yan final at hindi pwedeng mag-pursue ang kanilang mga plano, most importantly, sana namanghari nawa, hindi sa November 30, na araw ng kapanganakan ni Andres Bonifacio, ang dakilang prolitaryado, ang nagsimula ng 1896 revolution. Ang hamon sa atin ay ganito: sabi ng mga taong kaaway si Marcos, eh patay na eh. Eh buhay pa si Bongbong, buhay pa si Imee, ano, ilibing na din natin? Eh pag nilibing din natin si Imee, si Bongbong, okay na ba? Hindi pa rin. Ang kaaway natin ay ang lahat ng nirerepresenta ng mga Marcos. Katiwalian, kawalang pananagutan, kahirapan, human rights violations. Hanggang ngayon ay buhay pa rin ang mga ‘yan kaya itutuloy natin ang 1896 revolution para sa isang bansa na hindi na kolenial. Isang bansa na hindi na feudal, hindi na patriarchal ang society. Sa isang bansa na siyentipikong tutungo sa pagpapaunlad ng kanyang sarili. Sino ang mangunguna diyan? Tayo. Sino ang lalaban? Tayo.

Iskolar ng Bayan, ngayon ay lumalaban! Ngayon ay lumalaban! Iskolar ng Bayan! Ang tao, ang bayan, ngayon ay lumalaban!

Wax and Flowers. Photo by Thomas Balete.

Giovanni Tapang (Batch 1989)

Ako ay nagmula sa Batch 1989. Pumasok kami sa Pisay, 1985. Sa panahon ng January, dormer ako diyan sa boys dorm. Umaakyat kami sa fourth floor ng main building, may pinapanood kami. Yun pala, nagkakaroon na ng ilang mga attack dito sa EDSA. At ‘yon na pala yung start ng 1986 People Power Revolution.

Ang nanay ko ay taga-Bulacan. Bigla nila akong sinundo kasi baka daw magkaroon na ng gulo. Pero it turned out, it was one of the people transitions in power na kung saan, sinabi na ng mga mamamayang Pilipino na ayaw na namin ng isang diktador na kagaya ni Marcos. Itong history na inabot ng EDSA, at kung nasaan tayo, malaki ang bahagi ng mga estudyante ng Philippine Science High School. Kung dadaanan niyo yung wall na ‘yan, may mga pangalan diyan ng mga Pisay Alumni. Si Mariano Lopez, si Alex Belone, si Pastor Mesina, si Nona del Rosario, si Jan Quimpo, si Nik Lansang, si Rodelo Manaog, at iba pang mga Pisay Alumni na hindi pa nakalagay diyan pero inalay na nila ang kanilang buhay para sa bayan.

Hindi kailangang ialay ang ating sarili sa bayan kagaya ng ginawa nila, pero kailangan nating ialay ang ating sarili bilang pagbalik sa mamamayan ng kung ano yung binigay nila sa atin bilang mga Iskolar ng Bayan. It will make a big disservice na nananawagan tayo ng “No to Marcos Burial!” pero kayong mga estudyante ng Pisay ay hindi naman ipagpapatuloy ang ginawa ng mga Martyr na nandiyan sa wall na ‘yan. It is up to us, the young generation, na ituloy yung laban nila sa lahat ng kaya nating gawin. Nandiyan yung history na pagdalo at pagkilos ng Pisay sa pagbabago ng lipunan.

Sabi ni Sir Vlad, kayo ay ilan sa mga pinakamatalino sa ating bayan. It will become a waste if we don’t dedicate that talent to changing Philippine society. ‘Yan ang challenge sa atin ngayon, labas pa dito sa pagtutol natin sa burial ni Marcos. Ipanawagan natin, ipagpatuloy natin ang pagpapakitang-gilas na ito para sabihin kay President Duterte na mali ang kanyang ginawang pagpayag sa paglilibing kay Marcos. Nakikinig ba siya? Makikinig siya kapag kikilos tayong lahat. At ang kontribusyon ng Pisay students, at ng Pisay Alumni na nandito ay idagdag ang ating boses sa maraming boses na nagsasabing, huwag na itong ituloy. Pero ang challenge ko sa inyo, idagdag niyo rin yung conviction niyo na ngayon pa lang, grades 7 to 11, na ibigay ang inyong talino sa ating mga mamamayan. There are many ways to do it. You can organize your own study groups, you can learn from what they need, you can develop all of these things. I am a Physics professor at the University of the Philippines but that does not limit me to look at things in a ‘Physics’ way. I make it my talent to make sense of the world so that we can change the world.

Magandang gabi at mabuhay ang Pisay at ang mga Pisay students.