Epekto ng Pag-laki ng Populasyon sa Pilipinas

Nico Laurea
3 min readNov 11, 2018

--

Ang mga paraan upang maiwasan ito, ay napakalaking tulong sa ating bansa at ekonomiya. Mahalaga ang pag kakaroon ng tamang kalaaman ukol sa pagbubuntis at ano ang pwedeng maidulot nito sa bansa. Madami ang mga paraan upang maiwasan ito, pero may dalawang pinakalamahalang at pinakakaalam ng mga tao.

Ang “contraception” o “contraceptive method” ay ang paraan na kung saan pinipigilan ang pag buntis o bubuntis, na mas alam natin sa mga gamot at gamit na condoms, internal condoms, pills, depo provera injection, etc. Ang simpleng pag gamit o kaalaman sa contraception, ay malaking tulong sa tao upang malaman kung ano ang epekto nang kanilang ginagawa o binabalak. Bagama’t ang nakararami ay maaring hindi alam kung ano ang contraceptives at paano ito ginagamit, ito ay hindi inaabuso at hindi dapat isambahala na porket meroon nito ay dapat o karapatan nang makipag sex ang tao, ito ay hindi inaabuso, at ito din ay ang ginagamit upang matigilan ang aborsyon.

Family Planning o pag pa-plano ng pamilya kung ilan ang magiging anak. Ito ay paraan upang ma-kontrol nang mag asawa ang pag aanak. Ito ay magandang paraan din, sabi ng experto na ito ay maaring sabayan ng contraceptives upang maiwasan ang hindi inaasahang pag bubutis o pag buntis sa kanilang asawa.

Maraming epekto ang paglaki ng populasyon, masama man o hindi. Pero ito ay maganda ukol sa ekonomiya sa kadahilanan na pwedeng marami ang mangagawa o mga tauhan. Pero ito ay hindi maganda sa kadahilanan na ang mundo natin ay may limitadong espasyo at hindi maganda dahil dadami ang lugar na urban at maaring maubos ang mga lugar, mga pinag kukunan nang yaman at mga puno na dapat nating inaalagaan.

Ito ay isa sa pinakamalaking dahilan sa paglaki ng populasyon, dito ay pumapasok ang family planning o pag pa-plano ng pag papamilya, ito ay nasabing isa sa pinaka hinaharap na dahilan, dahil kapag dumami pa ang mga tao sa pamilya nila maaring hindi lahat makapag aral o mabigyan ng tamang edukasyon. Ito ay pwede mairating sa kahirapan o poverty, dahil sa hindi sapat na kaalaman ng isang bata o tao, maaring mag dulot ito ng pagiging unemployed o hindi makakuha o walang trabaho.

Sabi nga ng aking guro noong bata pa ako, “ang mundo ay may limitadong espasyo lamang.” Maaring maubos ang mga espasyo na kung saan pinag tatayuan ng mga tahanan at nagiging isang urban na lugar, sa kadahilanan na pag karami ng mga tao. Ang mga dapat nating inaalagaan na lugar ay mauubos at hindi na maiibabalik sa dati kapag ito ay napalitan na ng mga urban na lugar at tinayuan na ng mga gusali. Mauubos at masisira ang mga likas na yaman dahil ang iba ay hindi renewable o hindi nagagawa, hindi katulad ng mga puno na ito ay pwedeng itanim.

Ang mga rason kung bakit lumalaki ang populasyon ay isa sa pinakamahahalagang pinag uusapan ngayon sa Estado Unidos. Ito ay hindi pang isang bansang problema lamang, ito ay isa sa mga malalaking problemang hinaharap ng mundo dahil sa hindi mapigilang pag dami ng populasyon. Mga rason na dapat tugunan ng solusyon upang mapabagal ang pag dami ng populasyon na maaring maging malaking problema ng mundo sa susunod na mga taon, at henerasyon.

Kakulangan sa kaalaman ng mga tao ukol sa seksual na edukasyon na ibinibigay ng mga paaralan, sa pagkat marami din ang hindi nakakapag aral at nakakaalam nito kung ano ang mga posibleng idulot nito sa ating mundo. Dapat may sapat silang kaalaman na kung ano ang maidudulot nito sa mundo, ito ay pwede maging problema ng mga pamilya na hindi nila matugunan ang pangangailangan nang kanilang mga anak sa kadahilanan na hindi mapag aral at maibigay dahil maaring hindi nakapag aral o dahil sa dami ng kanilang membro sa pamilya ay hindi na maibigay ng sapat sa bawat isa sakanila.

Ito ay pinakamalaking rason na kailangan iwasan ang pag laki ng populasyon, dahil ang mga pamilya sa pilipinas na nabibilang sa mababang kalidad ay bumababa ng bumababa, dahil hindi sila nag kakaroon ng sapat na kaalaman upang matugunan ang kanilang pangangailangan ng buong pamilya sa dami nila. Hindi nabibigay ang edukasyon, tamang pagkain, tamang tahanan, tamang salapi na kinakailangan nila pang araw-araw upang maibigay sa kanilang mga pamilyang bilihin ng pagkain at kung ano pa na kailangan nila.

--

--

Nico Laurea

A fresh Computer Engineer graduate, seeking to reboot his writing skills again.