Paano nga ba mag “survive” sa High School?

Para sa isang teenager gaya ko, ang buhay bilang isang high school student ay sobrang mahirap. Hindi lang dahil sa mga lessons kundi narin sa mga pakikitungo ng mga tao na naka paligid sayo. So eto ako ngayon magbibigay ng tips para sa mga gaya ko na teenager na hindi alam kung paano nga ba mag survive sa high school. At sasabihin ko na ang totoo ha? itong mga tips na to ay walang “sugarcoat” purong katotohanan lamang.

Tip #1.) Makipag kaibigan sa mga matatalino

Binigay ko ang tip nato para ipahayag na kapag nakipag kaibigan ka sa mga matatalino ay mahahawa ka din sa kasipagan nila. Kasi naman diba kadalasan ng mga matatalino ay masisipag AT kung wala kang answer pwede ka nilang matulungan. Lets face it mas madali lang ang high school kung matalino kang kaibigan. Hindi ko sinasabing mangopya ka nalang palagi ah? kaylangan mo din naman matuto ng ikaw lang kasi paglaki mo ikaw nalang wala ka nang magulang o isang matalinong kaibigan na tutulong sayo.

Tip#2.) Wag makipag relasyon

Kadalasan ng mga teenager ngayon ay may masisidhing damdamin. Hindi napipigilan ang kanilang mapupusok na puso. Ako saking sarili, hindi pa ako nag karelasyon dahil sa mga na oobserba ko ito ay may isang patutunguhan lamang: Heart Break. Maraming teenager ngayon na hindi na naka focus sa kanilang pag aaral at parati nalang iniisip ang kanilang ka relasyon. Sa totoo lang, wala itong maidudulot na mabuti saating mga teenagers. Kung ako sayo, hindi ako ma kikipag relasyon, dahil nakakaapekto lamang ito saating pagaaral. Hindi ko sinasabing bawal magkaruon ng crush. Pwede iyon pero ilagay mo lang sa tamang lugar dahil meron ding teenager na nababaliw sakanilang crush at hindi narin maka focus ng pagaaral.

Tip#3.) Huwag makisawsaw sa problema ng iba

Bilang isang mabuting kaibigan syempre ayaw mong makitang nasasaktan o inaaway ang kaibigan mo kaya minsan nakikisawsaw ka nalang pero sinasabi ko ito ngayon sa inyo, kung may problema ang kaibigan mo payuhan mo nalang ng mga comforting words, wag kang makisawsaw sa problema niya. Kasi kapag nakisawsaw ka madadamay ka at pati ikaw aawayin nlng nila. May kilala akong ganito ang ina apply, noon hindi ko sya maintindihan sinasabi ko panga sa isip ko na sya ay selfish, siya ay playsafe at hindi iniintindi ang aming kaibigan pero ngayon alam ko na, naiintindihan ko na.

Tip#4.) Huwag mag try ng mga bagay na nakasasama

Maraming teenager ngayon na gusto mag try ng mga bagay na nakaka excite sa kanila gaya ng paginom, paninigarilyo, o sex. Alam kong madami saatin ang curious sa mga bagay na ito pero alamin naman natin ang epekto nito saating sarile. Mag isip muna bago gawin ang mga bagay na alam natin na marami ang kalalabasan.

Tip#5.) Mag Focus, mag study, maging estudyante.

gaya ng sinabi ko sa tip #1 pag dating ng panahon ikaw nalang mag isa, wala ng nanay o tatay o mga kaibigan na tutulong sayo paglaki mo kaya ngayon sasabihin ko sayo, mag study ka, para ahead ka sa iba at malaki ang grades mo wag mo iasa lahat sa matatalino mong kaibigan. Ma focus ka, mag isip ka ng bagay o mag isip ka ng isang goal sa buhay para ma ka focus ka sa isang goal at ma achieve mo ito agad. Maging isang mabuting estudyante. Maraming estudyante ngayon na sisipsip-sipsip nlng sa mga teachers para maging malaki ang grado. Wag kang gumaya sa kanila, mag sikap ka ng sayo at wag kang sisipsip-sipsip sa guro mo. At ang panghuli ay,

Tip#6) Sundin lahat ng tips ko

sundin lahat ng tips ko para mag survive ka sa high school. :)

Show your support

Clapping shows how much you appreciated Shane Javellana’s story.