Buhay Lansangan


Bata palang daw
Ay ulila ng lubos
Si Totoy Santos

Walang tirahan 
Sikmura'y kumakalam
Mukang basahan

Kaawa-awa 
Ang sinapit ng bata
Ika'y maluluha

Mapalad na siya
Makakain ng tira 
Kay Aling Nena

Wala syang pera
Pambili ng masarap 
Jan lang sa tapat

Palaboy-laboy 
Batang ngalan ay Totoy
Para sa abuloy

Ngunit di sapat
Para punan ang tiyan
Hanggang hapunan

Hindi din sapat 
Para sa isang damit
Nang di lamigin

Walang magawa
Kumapit sa patalim
Para huminga

Nasangkot siya 
Sa gawaing masama
Na mapahamak

Batang lansangan
Sa ika sampung gulang
Naging kawatan

Edad na dapat
Siya ay nag-aaral
Batay sa batas

Kasalanan ba
Kung ganto ang ginawa
Paraang wala

Mali man ito
Sa paningin ng tao 
Ay, patawad po.