Hiwaga sa Salamin

Nakakita ako ng isang salamin
Na nakapaligid ang disenyong bulaklak
Hindi ko mapigilan na ako’y mapatingin
At napansing, mukha ko pala’y mapulak

Isang personahe na kasaria'y isang babae
Siya ay isang babaeng simple at walang kolorete
Namumuhay ng hindi elegante
Nang biglang nakaranas ng isang buhawe

Kaawa-awang dalaga, nang sapitin ang di niya inaakala
Pinagsamantalahan ng taong hindi niya kilala
Sinaksak hanggang sa mamatay matapos ang trahedya
Ibinaon pa sa lupa, nang walang makaalam sa sakuna

Nagwakas ang kanyang buhay na parang isang kisap mata
Nang dahil sa taong nakahithit ng shabu at marihuana
Sa sinapit ng aking kakambal, ako ngayo'y nababahala
Baka ako na ang susunod na gawin nilang biktima

Hindi mawala sa aking isip ang ginawa nila sayo kapatid
Gawaing hindi makatao at hayop kong itinuring
Na ngayo'y hindi kana muling makakapiling
Ang magagawa na lang ay ihatid ka sa iyong libing.