Bogus buyer photos posted?

Para saan? Para ipahiya yung mga taong hindi kinuha yung orders nila? Hindi ako sang-ayon sa ganito. At naiintindihan ko naman yung mga nagbebenta ng gamit. Pero bakit kailangan pang ipost yung pictures ng mga hindi kinuha yung orders nila? Alam ko para i-warn yung iba. Pero hindi ba pwedeng idaan muna sa simpleng usapan kung bakit hindi agad nakuha at biglaan na lang ipopost yung picture ng dahilan sa hindi pagkuha ng order?

Ilagay natin sa ganitong sitwasyon. May umorder sayo at nakaayos na yung date at time kung kelan kukuhanin. Sa araw na yun, on the way na siya at ilang oras ka ng naghintay dun sa meeting place ninyo at hindi pa siya dumadating. Umuwi ka agad dahil naiinip ka na at may gagawin ka pang ibang mas importante kesa dun. Ipopost mo na ba agad yung mga pictures niya sa bogus buyer album mo? Paano na lang kung naaksidente, may emergency, nabangga, nahulugan ng buko, nagkidnap o naholdap yung umorder sayo? Ipopost mo pa din ba? Parehas kayong may importanteng gagawin pero sana isipin mo din kung kamusta kalagayan ng umorder sayo.

Pwede namang idaan sa simple usapan yun. Wag padalos-dalos. Kailangang kumalma. Wag masyadong itaas ang pride o kaya ipost ang mga litrato agad agad. Kung hindi binigay ng buyer mo ang inorder niya, ibenta mo na lang sa iba kung alam mo namang hindi lang siya ang nag iisang tao sa mundong ‘to. Bakit ko nasabi ‘to? Naging seller din ako at aaminin ko naglagay din ako ng bogus buyer. Nagkabad news ako sa buyer ko at hindi ko man lang naitanong sa kanya. Doon ko lang narealize na dapat hindi pala padalos dalos. Ang ginawa ko tinanggal ko agad ang album na yun dahil ayoko din namang mapahiya yung buyer ko.

Magkaroon ng mahabang pasensya. Ibaba ang pride.

Like what you read? Give Mika a round of applause.

From a quick cheer to a standing ovation, clap to show how much you enjoyed this story.